Nangangahulugang taong kritiko, taksil, lumaban o tumuligsa sa mga prayle at Simbahang Katolika, at sa mga pamamalakad sa pamahalaan
Tinatawag din na ganito ng mga prayle ang mga Indiong may malayang kaisipan, tawag din ito sa mga Pilipinong hindi yumuyuko sa mga kaapihan mula sa naghaharing uri.
Ito ay isinulat ng ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda o mas kilala bilang Dr. Jose Rizal.
Isa sa pinaka-tanyag na nobela na gawang Pilipino
Ito ang ikalawa at kadugsong ng unang nobelang isinulat ni Dr. Jose Rizal na "Noli Me Tangere."
Tulad sa Noli, ang ilang mga tauhan sa nobelang ito ay hinango mismo ni Dr. Jose Rizal sa tunay na buhay.
Masasakit na karanasan sa totoongbuhay ni Dr. Jose Rizal ang dahilan kung bakit mabigat ang mga emosyon at pangyayaring mayroon sa nobelang ito.
Sinimulang isulat ni Dr. Jose Rizal ang El Filibusterismo sa London noong 1890. Ngunit ayon kay Maria Odulio de Guzman, binalangkas ni Rizal ang pagkatha sa El Fili noong mga huling buwan ng 1884 at mga unang buwan ng 1885 nang isinusulat pa niya ang Noli.
Natapos isulat ni Rizal ang El Fili noong Marso 29, 1891.
Ito ay binigyan ng iba't ibang salitang-pamagat. Sa wikang Ingles, ito ay isinalin bilang "The Filibustering".
May salin din ito sa wikang Ingles na ang pamagat ay "The Reign of Greed" na timumbasan naman sa wikang Tagalog ng "AngPaghaharingKasakiman".
Tinatawag ding "TheSubversive" na ang salin naman sa wikang Tagalog ay "AngSubersibo" na nagmula sa ibang aklat sa wikang Ingles.
Anuman ang pamagat, ang salitang "Filibusterismo" ay nanggaling sa saling Pranses na "Filibustier" na tumutukoy sa sumusunod na mga kahulugan: (1) pirata, isang taong mangikil ng buwis o pag-aari ng iba; (2) plunderer, at isang taong may kinalaman sa rebolusyon o pumupunta sa ibang bayan para suportahan ang isang pag-aaklas; at (3) freebooter.
Ang manuskrito ng El Fili ay ipinagkatiwala ni Rizal sa kanyang kaibigang si Jose Alejandrino ng matapos niya itong isulat noong Marso 29, 1891. Siya ang nagdala nito sa murang palimbagan sa Ghent, Belgium, ngunit sa kasamaang palad ay hindi naipalimbag ang lahat ng pahina nito at sinasabing nasa 100 pahina pa lamang nang mapahinto dahil naubos na ang kanyang pambayad na mula sa pagtitipid na naipon niya, sa perang galing sa pagbebenta niya ng alahas, at ang perang hinihintay na mula sana sa kanyang pamilya ay hindi dumating.
Mga Naging Suliranin ni Dr. Jose Rizal sa Pagsulat ng El Fili
Kakulangan sa salapi
Pag-ibig
Pamilya at lupa
Mga kasamahan at mga ilustradong Pilipino
Ang mga kasamahan ni Dr. Jose Rizal ay sina Juan Luna, Marcelo H. Del Pilar, Graciano Lopez Jaena, at Dr. Ferdinand Blumentritt.
Ayon kay Ginoong Ambeth Ocampo,
Sinasabi na masmaraminghindiisinama si Rizal sa "El Fili" na may halos 47 na pahina ang tinanggal, nilagyan ng ekis, binura, at binago.
Noong 1925 ay binili ng pamahalaan ang orihinal na kopya ng nobela mula kay Valentin Ventura.
Kung ang Noli Me Tangere ay gumising at nagpaalab sa diwa at damdamin ng mga Pilipino ukol sa mga karapatan, nakatulong naman ng malaki ang El Filibusterismo upang maiwaksi ang mga balakid na nakasasagabal sa paghihimagsik noong 1896 kay Andres Bonifacio at sa Katipunan.