Kahulagan ng Pagbasa, Teorya at Mapanuring Pagbasa

Cards (39)

  • Ang Pilipinas ay nakakuha ng mababang marka sa usaping pag-unawa sa binabasa o reading comprehension batay sa 2018 Programme for International Student Assessment
  • Ayon sa ginawang pananaliksik ng Organization for Economic Co-operation and Development (OECD), ang Pilipinas ay nakakuha ng iskor na 340 sa pag-unawa ng binabasa. Ito ay mababa sa pamantayang iskor ng OECD na 487
  • Ang Pilipinas rin ay nakakuha ng mababang marka sa asignaturang Mathematics na 353 at Science 357
  • Pagbasa
    Ang pagbasa ay ang pinakapagkain ng ating utak
  • Pagbasa
    Ang pagbasa ay isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto. Ito ay isang kompleks na kasanayan na nangangailangan ng koordinasyon ng iba't iba at magkakaugnay na pinagmumulan ng impormasyon
  • Pagbasa
    Ang pagbasa ay isang "psycholinguistic guessing game" kung saan ang nagbabasa ay nagbubuong muli ng isang mensahe o kaisipang hango sa tekstong binabasa
  • Pagbasa
    Ang pagbasa ay isang kakayahang magbigay ng kahulugan sa mga nakalimbag na pahina at mabigyan din ito ng interpretasyon sa maayos na pamamaraan
  • Modelo ni Coady (1979)

    • Ang mga istratehiya sa pagpoproseso ng impormasyon ay iyong may kinalaman sa paggising ng mga impormasyong nasa isipan ng tagabasa gaya ng kaalamang semantika, kaalamang sintaktika at kaalaman sa ugnayang graphophonic
  • Semantika
    Ito ay ang pag-aaral ng kahulugan ng salita
  • Sintaks
    Ito ay ang pattern ng relasyon ng letra at tunog sa isa't isa
  • Graphophonic
    Ito ay ang pattern ng relasyon ng letra at tunog sa isa't isa
  • Pisyolohikal at Sikolohikal na Proseso ng Pagbasa
    Ang pisyolohikal at sikolohikal na pagbasa ay tumutukoy sa proseso ng pagbasa batay sa bilis ng paggalaw ng mga mata sa pagbasa ng mga nakasulat na titik sa bawat isang linya
  • Ang pagbasa ay isang proseso ng pagbibigay kahulugan at interpretasyon
  • Nagsisilbi itong kamera na ang imahe o simbolo ay kinukuha, matapos ay babaybayin ng utak upang kilalanin at bigyan kahulugan
  • Maria Teresa Calderon, "The World's Fastest Reader", nabasa niya ang three-page college level essay na naglalaman ng 3,135 na salita sa loob ng 3.5 na segundo – a reading rate of more than 50,000 words per minute (wpm), with a remarkable 100% comprehension
  • 4 na Hakbang sa Pagbasa (William Gray)
    • Persepsyon (Pagkilala sa simbolong nakalimbag)
    • Kumprehensyon (Pag-unawa sa mga mensaheng inihahatid ng mga simbolo)
    • Aplikasyon (Paglalapat at pagpapahalaga sa mga kaisipan ng awtor)
    • Integrasyon (Pag-uugnay-ugnay ng mga bago at nagdaang karanasan)
  • Teoryang Bottom-up
    Isang tradisyunal na pananaw sa pagbasa ang teoryang Bottom-up na mula sa impluwensiya ng teoryang behaviorist na higit na binibigyang pokus ang kapaligiran sa paglinang ng pag-unawa sa pagbasa
  • Teoryang Top-down
    Ayon kay Badayos (2008), ang teoryang top-down ay mula sa impluwensiya ng sikolohiyang Gestalt na naniniwalang ang pagbasa ay isang prosesong holistiko
  • Teoryang Top-down
    Ang mambabasa ay isang napakaaktib na participant sa proseso ng pagbasa, na siya ay may taglay na dating kaalaman (prior knowledge) na nakaimbak sa kanyang isipan at may sariling kakayahan sa wika (language proficiency) at kanyang ginagamit habang siya ay nakikipagtalastasan sa awtor sa pamamagitan ng teksto
  • Teoryang Interaktib
    Ang teoryang interkatib ay ang proseso ng pagbabasa mula sa kombinasyon ng "topdown" at "bottom up"
  • Ang pagbasa ay isang gawaing kognitib subalit dahil ito ay ginagamitan ng isapan sa pagppoproseso ng mga kaalamang nakuha ng mata kaya't maituturing din itong isang kaganapang metakognitib
  • Teoryang Iskema
    Ang Teoryang Iskema nina Bartrett (1932) at Rumelhert (1976) ay nagpapaliwanag na ang lahat ng dating kaaalaman tungkol sa mga bagay-bagay ay napapangkat sa dalawa: 1) Ayon sa dating kaalaman at karanasan na nagsisilbing saligan ng kaalaman ng mambabasa (background knowledge) 2) Ayon sa kayariang balangkas ng dating kaalaman na tinatawag na iskemata (pang maramihan ng iskema)
  • Antas ng Pagbasa
    • Primarya
    • Mapagsiyasat
    • Analitikal
    • Sintopikal
  • Ang salitang syntopical ay binuo ni Mortimer Adler mula sa salitang syntopicon na inimbento at ginamit niya sa aklat na A Syntopicon: An Index to the Great Ideas (1952) na nangangahulugang "koleksiyon ng mga paksa"
  • Teoryang Iskema
    • 1. Ayon sa dating kaalaman at karanasan na nagsisilbing saligan ng kaalaman ng mambabasa (background knowledge)
    • 2. Ayon sa kayariang balangkas ng dating kaalaman na tinatawag na iskemata (pang maramihan ng iskema)
  • Antas ng Pagbasa
    • Primarya
    • Mapagsiyasat
    • Analitikal
    • Sintopikal
  • Mapanuring Pagbasa
    • Mas mataas ang antas kaysa sa pag-unawang literal at interpretasyon
    • Napahahalagahan ang kaangkupan, katiyakan at pagkamakatotohanan ng impormasyong nakalahad sa teksto
    • Naibabahagi ang sariling paninindigan ayon sa kaangkupan, pagkamakatotohanan at pagiging kasiya-siya ng akda
    • Naihahambing ang kaisipang inihahayag sa teksto sa tulong ng pamantayang sarili, ng guro, ng ibang tao at ng ibang babasahin
  • Bago Magbasa
    1. Pagtingin muna sa pamagat
    2. Pagbasa ng Paunang Salita
    3. Pagbasa sa simula at lagom ng kabanata
    4. Pahapyaw na pagbasa
  • Habang Nagbabasa
    1. Pagtantiya sa bilis ng pagbasa
    2. Biswalisasyon ng binabasa
    3. Pagbuo ng koneksiyon
    4. Paghihinuha
    5. Pagsubok sa komprehensiyon
    6. Muling pagbasa
    7. Pagkuha ng kahulugan mula sa konteksto
  • Pagkatapos Magbasa
    1. Recite (Pagsagot)
    2. Pagtatasa ng komprehensyon
    3. Pagbubuod
    4. Pagbuo ng sintesis
    5. Ebalwasyon
  • Scanning
    Pagbasa nang mabilisan na 'di gaanong binibigyang-pansin ang mahahalagang salita
  • Skimming
    Pasaklaw o mabilisang pagbasa upang makuha ang pangkalahatang ideya o impresyon
  • Pagbasang Pang-Impormasyonal
    Layunin ng pagbasang ito ang kumalap ng mahahalagang impormasyon na magagamit sa pang-araw-araw na pangangailangan tulad ng pag-alam sa kalagayan ng ekonomiya o panahon
  • Pagbasang Kaswal
    Ito ay pagbasa upang magpalipas oras o maaliw
  • Matiim na Pagbasa
    Nangangailangan ito ng maingat na pagbasa na may layunin na maunawaang mabuti ang binabasa para matugunan ang pangangailangan sa pananaliksik
  • Muling Pagbasa
    Pag-uulit sa pagbasa kung ang binabasa ay mahirap unawain bunga ng mga di na pamilyar na talasalitaan
  • Pagtatala
    Pagbasang may kasamang pagtatala ng mahalagang kaisipan o datos na kailangan
  • Bakit mahalaga na linangin ang kasanayan sa pagbasa bilang mag-aaral ng EAC-M?
  • Tatlong paraan kung paano pahuhusayin ang kasanayan sa pagbasa