Isang anyo ng sining na nilikha sa pamamagitan ng pagrekord ng "totoong" tao
Kwento
Istorya o mga pangyayari kung saan umiikot ang pelikula
Tema
Paksa ng kwento, diwa, kaisipan, at pinakapuso ng pelikula
Pamagat
Naghahatid ng pinakamensahe ng pelikula, nagsisilbing panghatak sa pelikula
Tauhan
Karakter na gumaganap at nagbibigay-buhay sa kwento ng pelikula
Diyalogo
Mga linyang binabanggit ng mga tauhan sa kwento
Iba pang aspetong teknikal
Paglalapat ng tunog sa pelikula, pagpapalit-palit ng eksena, special effects, at editing
Drama
Mga pelikulang nakapokus sa mga personal na suliranin o tunggalian.
Aksyon
Mga pelikulang nakapokus sa mga bakbakang pisikal
Epiko
Pelikulang nagbibigay diin sa dramang pantao sa mas malawak na anggulo na karaniwang tumatalakay sa mga kaganapang maalamat, mahiwaga at makasaysayan
Historikal
Mga pelikulang base sa mga tunay na kaganapan sa kasaysayan
Katatakutan
Pelikula na humihikayat ng negatibong reaksyong emosyunal, mula sa mga manunood sa pamamagitan ng pag-antig sa takot nito
Komedya
Pelikula na kung saan ang mga nagsisiganap ay nagsasaad ng kasiyahan o totoong pagpapatawa sa bawat salitang namumutawi sa kanyang bibig
Musikal
Pelikula na kung saan ang mga bidang lalaki at babae ay nasisipag-awitan
Pantasya
Nagdadala sa mga manunood sa isang mundong gawa ng imahinasyon
Pag-ibig/Romansa
Umiikot ang kwento sa pag-iibigan ng mga tauhan sa pelikula
Bomba
Nagpapalabas ng mga hubad na katawan at gawaing sekswal
Pantalambuhay
Tumatalakay sa tunay na buhay ng isang tao na may diin sa pinakamakasaysayang kabanata ng kanilang buhay
Science Fiction
Base sa mga pangyayari na hindi tanggap ng agham gaya ng mga daigdig ng mga aliens, mga kakaibang nagagawa ng tao at paglipat sa ibang panahon
Unang pelikulang may tunog ay nakarating sa Manila sa kagamitan ng "Chronophone"
1910
Opisyal na simula ng Pelikulang Pilipino
1919
Dalagang bukid - ipinalabas sa direksyon ni Jose Nepomuceno "Ama ng Pelikulang Pilipino", isinulat ni HermogenesE.Illagan
1919
Ang Aswang - unang pelikulang nilapatan ng tunog
1932
Programang pantelebisyon
Gaya ng pelikula, ang mga programang pantelebisyon ay malaki ang nagagawang impluwensiya nito sa katauhan ng isang nilalang. Ito rin ay nagsisilbing libangan at gumigising sa isip at damdamin ng isang tao.
Infotainment
Isang uri ng media na nagbibigay ng mga impormasyon at kasiyahan sa mga tao sa pamamagitan ng iba't ibang programang pantelebisyon.
Paksa
Bahagi ng akda o pangungusap na binibigyan ng pokus o tuon sa akda o pangungusap.
Layon
Intensiyong tinutukoy sa isang akda.
Tono
Tumutukoy sa saloobin ng may-akda sa paksang kanyang isinulat.
Balita
Isang uri ng lathalain na tumatalakay sa kasalukuyang kaganapan sa bansa.
Dokumentaryo
Mga palabas na naghahatid ng mga proyekto na sumasalamin sa katotohanan ng buhay.
Sports
Dito makikita ang mga larong pampalakasan, pagsasanay, mga ehersisyo, at iba pang gawain na may kinalaman ang lakas at tibay ng katawan.
Educational Program
Mapapanood dito ang iba't ibang palabas na may kinalaman sa paghahasa sa katalinuhan.
Drama o Teleserye
Ito ay binubuo ng iba't ibang tauhan na nagsasadula ng isang kwento.
Variety Show
Sari-saring pagtatanghal na may kinalaman sa musika, komedya, talk show at iba pa.
Children Show
Programa na ang pangunahing layunin makuha ang atensyon ng mga mag-aaral sa paraang sila ay masisiyahan at magbibigay ng impormasyon.
Morning Show
Ang mga programang tinatawag ding breakfast television show kung saan nag-uulat ng live tuwing umaga ang mga mamamahayag na naghahatid ng napapanahong impormasyon.
Public Service Program
Naghahatid ng tulong sa mamamayan o maging daan sa paghahatid ng tulong.
Travel Show
Programang naglalahad ng paglalakbay sa iba't ibang bayan o bansa at pagpapakilala sa mga mahahalagang kaganapan sa lugar at mga produkto nito.
Magazine Show
Programang nagpapalabas ng iba't ibang napapanahong isyu, ito ay may kaunting panayam at komentaryo.