Q4 M1 AP: Unang Digmaang Pandaigdig

Cards (16)

  • Ang Nasyonalismo, Militarismo at Imperyalismo ang tatlong ismong
    magkakaagapay na nakapagbigay lakas sa isa’t isa at siyang binigyang buhay ng sekretong diplomasya.
  • ang damdaming nasyonalismo ang nag-uudyok sa tao na mag
    nais na maging malaya at magkaroon ng independiyenteng nasyon.
  • ang nasyonalismo ay kapag ang mga mamamayan ay nakapagpapakita ng kanilang pagmamahal sa sariling bansa sa pamamagitan ng pakikiisa at pagpapakasakit alang-alang sa kanilang bansa at kababayan.
  • Imperyalismo – ay isang patakaran ng pagpapahaba ng nasyonal na
    kapangyarihan sa paraang pagkamit ng mga kolonya at kalamangang pang-ekonomiya.
  • Militarismo – ay bunga ng nasyonalismo at imperyalismo.
  • Ang sistema ng alyansa ay nangangahulugang kapag may na kaaway ang isang kasapi sa kalabang alyansa, nagiging kasangkot sa isyu ang kanyang mga kakampi sa alyansa.
  • Ang dalawang alyansa, ang Tripleng Entente at
    Tripleng Alyansa ang siyang naghati sa Europa sa dalawang
    magkatunggaliang kampo.
  • Triple Alliance – ay binubuo ng Germany, Austria-Hungary, at Italy noong 1882.
  • Ang orihinal na layunin ng tripleng alyansa ay bilang depensa ng Germany sa mga teritoryong nakuha nito mula sa pakikidigma sa France. Ang Germany, Imperyong Austria-Hungary, Bulgaria, at Imperyong Ottoman ang bumuo ng Central Powers noong Unang Digmaang Pandaigdig.
  • Triple Entente – ay binubuo ng Great Britain, France at Russia noong 1907.
  • Ang Triple Entete ang naging sentro ng Allied Powers noong Unang Digmaang Pandaigdig.
  • ANG PAGSISIMULA AT PANGYAYARI SA UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG
    Noong Hunyo 28, 1914, ang pangunahing duke nasi Frans Ferdinand ang
    tagapagmana sa tronong Hapsburg ng Austria-Ungriya ay pinaslang pati ang
    kanyang asawa na si Sophie ni Gavrilo Princip isang panatiko at nasyonalistikong
    Serbian.
  • ang pag paslang ay nangyari sa Saravejosa Bosnia, isang maliit na bayan sa Serbia na ngayon ay Yugoslavia. Idineklara ng Austria na ang Serbia ang may kagagawan sa pagpatay dahil Serbian ang pumatay.
  • Ang Serbia ay kinampihan ng Russia, France, at Great Britain na tinawag na mga Allies. Noong 1917, napilitan ding magpahayag ng pakikidigma ang Estados Unidos sa Alemanya. Pumanig ito sa mga Allies sa dahilang maraming Amerikano ang namatay. Naging malakas at matatag ang pwersa ng Allies dahil sa tulong ng ibang bansa.
  • Natapos ang digmaan noong Nobyembre 1918 nang tuluyang talunin ang Central Powers at sapilitang umatras ang mga Aleman sa labanan. Taong 1919 ay nagkaroon ng tinatawag na Kasunduang Versailles, isang kasunduang pangkapayapaan sa pagitan ng bansang Alemanya at ng Allies.
  • Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay tinawag na “The Great War” dahil ito ang kauna-unahang malawakang digmaan na nagpabago sa kasaysayan ng daigdig.