Pagdedeklara ni Ferdinand Marcos na ang buong Pilipinas ay nasa ilalim na ng Batas-Militar o Proclamation No. 1081
Setyembre 23, 1972
Batas Militar (Martial Law)
Isang marahas na hakbang na maaaring isagawa ng pamahalaan upang maiwasan ang mga nagbabantang panganib katulad ng paghihimagsik, rebelyon, paglusob at karahasan
Ang Pangulo ng Pilipinas, bilang pinuno ng sandatahang lakas ay binigyan ng karapatan ng Saligang batas na magdeklara ng Batas Militar
Sa panahon ng Batas Militar, ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa isang tao lamang
Ang pangulo ang higit na makapangyarihan sa lahat
Ang pangulo rin ang namahala sa Batasan at Gabinete
Namahala rin ang pangulo sa mga korteng militar
Makakaliwang Pangkat
Grupo ng mga kilusan na naghahangad ng mga pagbabago sa lipunan
Makakaliwang Pangkat
Communist Party of the Philippines
New People's Army
Moro National Liberation Front
Itinatag ang Communist Party of the Philippines ni Jose Maria Sison noong 1968
Ang simulain ng Communist Party of the Philippines ay hango sa ideolohiya ni Mao Tse Tung
Komunismo
Pilosopikal, panlipunan, politikal at pang-ekonomikong ideolohiya na naglalayon na lumikha ng isang komunistang lipunan na kung saan ay patas na naghahati ang mga mamamayan sa yaman ng isang bansa at sa mga paraan ng produksyon
Itinatag ang New People's Army noong 1969 nina Bernabe Buscayano at Lucio Manlapaz
Binubuo ang New People's Army ng mga magsasakang nakikipaglaban dahil sa di kanais-nais na gawain ng mga may-ari ng lupa
Naniniwala ang New People's Army na ang pag-aaklas na lamang ang natitirang solusyon upang makamit ang hinahangad na pagbabago at kaunlaran ng bansa
Itinatag ang Moro National Liberation Front ni Nur Misuari noong 1968
Binubuo ang Moro National Liberation Front ng mga Muslim na nais magtatag ng hiwalay na pamahalaang tinatawag na Republika ng Bangsamoro
Ang Bangsamoro ay isang kolektibong termino para sa iba't ibang pangunahing Muslim na pangkat-etniko sa Pilipinas, mula sa Espanyol na "Moors"
Ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ay isang awtonomo na rehiyon na matatagpuan sa timog Pilipinas, na napalitan ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM)
Ang BARMM ay binubuo ng limang pangunahing Muslim na lalawigan
Dahil nawala ang tiwala ng mamamayan sa pamahalaan ay naging madalas ang pagrali at demonstrasyon ng mga estudyante maging ang mga manggagawa
Ang mga pagwewelga ay kalimitang humahantong sa madugong labanan ng mga nagrarali at pulis
Nagaganap ang pagpapahayag ng mga kandidato ng Partido Liberal at pagpapasabog ng granada sa Plaza Miranda
Agosto 21, 1971
Maraming namatay at nasugatan sa pagpapasabog ng granada sa Plaza Miranda
Writ of Habeas Corpus
Nagbibigay ng karapatan sa mamamayan na sumailalim sa tamang proseso ng paglilitis at maprotektahan laban sa di makatarungang pagdakip
Dahil sa sunod-sunod na kaguluhan ay nagdesisyon si Pang.Marcos na ipahayag ang Proklamasyon Blg.889 na nagsususpinde o pumipigil sa karapatan sa writ of habeas corpus
Sa pagsususpindi sa karapatang ito, pinadakip ni Pang. Marcos ang mga aktibistang may layuning pabagsakin ang kanyang administrasyon
Espesyal na kapangyarihan ng pangulo sa ilalim ng Batas Militar
Presidential Decree
General Order
Letter of Instruction
Ang Pangkalahatang Utos Blg.2-A ay nag-aatas sa Kalihim ng Tanggulang Pambansa na dakpin o hulihin ang mga taong nakagawa ng krimen o alinmang pagkakasalang may kinalaman sa krimeng paghihimagsik laban sa pamahalaan
Pinadakip din ang sinumang lumabag sa batas gaya ng pagbibili ng mga sandata, pangingidnap, pagnanakaw at iba pang krimeng nakapipinsala sa lipunan
Alituntuning ipinatupad ng Batas-Militar
Pagpapairal ng curfew mula alas dose ng hatinggabi hanggang alas-kuwatro ng umaga
Pagbabawal ng mga rali, demonstrasyon at pagwewelga
Pagkontrol ng pamahalaan sa mga pahayagan, radyo, at telebisyon upang masala ang mga balitang ilalabas sa madla
Pagsususpindi ng pangingibang-bansa ng mga Pilipino maliban sa mga misyong ipinag-uutos ng gobyerno
Paggawad ng parusang kamatayan sa sinumang mahuhuling magdadala ng armas nang walang pahintulot
Batas Militar
Martial Law
Ipinawalang-bisa ang Batas Militar
Enero 17, 1981
Umiral ang Batas Militar mahigit walong taon
Marcos
Namuno bilang diktador
Nasa kamay ni Marcos ang ganap na kapangyarihang pamunuan ang bansa katulong ang militar
Mga Pangyayari sa Bansa na Nagbigay-wakas sa Batas Militar
Paglabag sa karapatang pantao
Pang-aabusong militar
Pagdakip sa mga kritiko at kalaban ng pamahalaan
Kahirapan at kagutuman ng maraming Pilipino
Pagtaas ng bahagdan ng mga mahihirap
Pagtaas ng bilang ng mga walang trabaho
Mga Reaksiyon ng mga Pilipino sa Batas Militar
Magkahalong damdamin
Nanatiling tikom ang bibig dahil sa takot
Naging sunud-sunuran sa kung ano ang naisin ng mga taong namumuno sa lipunan
Natanggap ang ganitong sistema ng pamamahala
Positibong ibinunga ng Batas Militar
Sapat ang suplay ng bigas at nakapag-eksport pa
Sumigla ang larangan ng agrikultura
Nakontrol ang superbisyon at kilusan ng komunismo
Lumaganap ang mga infrastructure projects
Lumawak ang pakikipagkaibigan ng Pilipinas sa ibang mga bansa
Nabigyang halaga ang kulturang Pilipino
Nakapagpatayo ng mga paaralang pambayan, pagamutan at health center
Nabigyan ng mga pabahay ang mga maralitang tagalungsod
Mga Negatibong Ibinunga ng Batas Militar
Paglaganap ng Nepotismo
Pagtaas ng antas ng katiwalian sa pamahalaan
Pagsasara ng mga pahayagan, radio, at telebisyon
Pagpapatigil ng mga kagamitang pampubliko
Pagsikil ng mga karapatang pantao
Pagpapahirap at pagpatay sa mga bilanggong politikal at mga kumakalaban sa pamahalaan