Naglalahad ng mga bagong kaalaman, pangyayari, paniniwala, at mga impormasyon
Tekstong deskriptibo
Uri ng paglalahad na naisasagawa sa pamamagitan ng mahusay na paglalarawan
Tekstong nanghihikayat o tekstong persuweysib
Naglalahad ng mga pahayag upang makapanghikayat o makapangumbinsi sa mga tagapakinig o mambabasa
Tekstong naratibo
Uri ng tekstong naglalayong magkuwento o magsalaysay
Tekstong prosidyural
Nagpapaliwanag kung paano ginagawa o binubuo ang isang bagay, naglalahad ng wastong pagkakasunod-sunod ng mga hakbangin, proseso o paraan sa paggawa
Tekstong argumentatibo
Naglalayong manghikayat, naglalahad ng mga oposisyong umiiral na kaugnayan ng mga proposisyon na nangangailangang pagtalunan o pagpapaliwanagan
ANAPORA
Panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa unahan
ANAPORA
Aso ang gusto kong alagaan. Ito kasi ang maaring mabuting kaibigan.
KATAPORA
Panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa hulihan
KATAPORA
Siya ay hindi nahawa ng sakit. Si Angel ay may matibay na resistensya.
SUBSTITUSYON
Paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na muling ulitin ang salita
SUBSTITUSYON
Nawala ko ang aklat mo. Ibibili na lang kita ng bago.
ELLIPSIS
May binabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang maintindihan o magiging malinaw pa rin sa mambabasa ang pangungusap dahil makatutulong ang naunang pahayag para matukoy ang nais ipahiwatig ng nawawalang salita
ELLIPSIS
Bumili si Gina ng apat na aklat at si Rina nama'y tatlo.
PANG-UGNAY
Nagagamit ang mga pag-ugnay tulad ng "at" sa pang-ugnay ng sugnay sa sugnay, parirala sa parirala, at pangungusap sa pangungusap
PANG-UGNAY
Ang mabuting magulang ay nagsasakripisyo para sa mga anak at ang mga anak naman ay dapat magbalik ng pagmamahal sa kanilang mga magulang.
REITERASYON
Kung ang ginagawa o sinasabi ay nauulit nang ilang beses, maaari itong mauri sa tatlo: Pag-uulit o repetisyon, Pag-iisa-isa, Pagbibigay-kahulugan
KOLOKASYON
Mga salitang karaniwang nagagamit nang magkapareho o may kaugnayan sa isa't isa kaya't kapag nabanggit ang isa ay naiisip din ang isa, maaaring magkapareha o magkasalungat
Magagawa ito sa pamamagitan ng pagkonsulta sa mga libro at iba pang mga materyales.
Obserbasyon
Magagawa ito sa pamamagitan ng pagmamasid sa mga bagay-bagay, tao o pangkat, pangyayari, at mga katangian na kaugnay ng paksa.
Pakikipanayam o Interbyu
Magagawa ito sa pamamagitan ng pakikipagpanayam sa mga taong malaki ang karanasan at awtoridad sa paksang hinahanapan ng impormasyon.
Pagtatanong o Questioning
Magagawa ito sa pamamagitan ng paglalatag ng mga katanungang nais masagutan hinggil sa paksa.
PAGSULAT NG JOURNAL
Magagawa ito sa pamamagitan ng pagtatala ng mga mahalagang pangyayari upang hindi makalimutan.
BRAINSTORMING
Magagawa ito sa pamamagitan ng pangangalap ng opinyon at katwiran ng ibang tao.
PAGSASARBEY
Magagawa ito sa pamamagitan ng pagpapasagot ng isang questionaire sa isang grupo ng mga respondent.
SOUNDING-OUT FRIENDS
Magagawa ito sa pamamagitan ng isa-isang paglapit sa mga kaibigan, kapitbahay, o kasama sa trabaho para sa isang impormal na talakayan hinggil sa paksa.
IMERSIYON
Magagawa ito sa pamamagitan ng sadyang paglalagay sa sarili sa isang karanasan o pakikisalamuha sa isang grupo ng tao.
PAG-EEKSPERIMENTO
Magagawa ito sa pamamagitan ng pagsubok ng isang bagay bago sumulat ng akda.