Adapsyon (Transference) na ang ibig sabihin ay ang paglilipat o panghiram ng mga cultural na salita mula sa PW patungo sa TW nang walang pagbabago sa ispeling o baybay
Isahang Pagtutumbas (One-to-One Translation) o literal na pagsasalin sa isa-sa-isang pagtutumbasan ng salita sa salita, parirala sa parirala, sugnay sa sugnay, o pangungusap sa pangungusap
Saling Hiram (Through Translation) Katumbas nito ang ginagamit sa pagsasalin ng mga karaniwang kolokasyon: ginagamit sa salitang tambalan
Naturalisasyon (Naturalization), may pagkakahawig sa transference o adapsyon ngunit ditto ay nakikiayon muna ang normal na pagbigkas at pagkatapos ang normal na morpolohiya sa target na wika na inaayon sa ortograpiya ng Tunguhing Wika
Leksikal na Sinonim (Lexical Synonymy), paraan ng pagsasalin na nagbibigay nang malapit na katumbas o angkop na kasingkahulugan sa target na wika ng pinagmulang wika
Transposisyon (Transposition), tinatawag ding shift na ang ibig sabihin ay pagkakaroon ng pagbabago sa gramatika ng pinagmulang wika kapag isinasalin sa target na wika
Modulasyon (Modulation), pagsasalin na may pag-iiba sa punto de bista o pananaw sa pagbibigay-kahulugan sa mga dahilan sa iba’t ibang teksto
Kultural na Katumbas (Cultural Ecquivalent), ito ang malapit o halos wastong salin (approximate translation), na ang isang cultural na salita sa TW ay isinasalin sa katumbas ding cultural na salita sa TW
Gamiting Katumbas (Functional Equivalent), paraan ng pagsasalin na ibinibigay ang higit na gamitin at tinatanggap na katumbas o kahulugan. Tinatawag din itong pagdede-kulturalisa ng wika (deculturizing the language)
Deskriptibong Panumbasan (Descriptive Equivalent), pagbibigay ng katumbas na kahulugan sa pamamagitan ng depinisyong naglalarawan, gaya ng paggamit ng pariralang pangngalan o sugnay na pang-uri
Kinikilalang Salin (Recognized Translation) ang paraan sa pagsasalin sa opisyal at tinatanggap ng nakakarami na salin ng anumang terminong pang-institusyon
Pagdaragdag/Pagpapalawak (Addition/Expansion), pagdaragdag ng salita sa istrukturang gramatikal upang maging malinaw ang kahuluhan
Pagpapaikli/Pagpapaliit (Reduction/Contraction), paraan sa pagsasalin na pinaiikli o pinaliit ang mga salita ng kabuuang gramatikal na hindi nababago o nag-iiba ang kahulugan mula sa orihinal
Pagsusuri sa mga Bahagi (Componential Analysis), paraan sa pagsasalin na naghahati-hati batay sa leksikal nay unit sa mga makabuluhang sangkap o hanay
Hawig (Paraphrase), paraan sa pagsasalin na nagpapaliwanag sa kahulugan ng isang hanay, pangungusap o talata
Kompensasyon (Compensation) pagasasalin na ginagami kappa ang pagkawala ng kahulugan ng isang bahagi ng parirala, pangungusap o talata ay natutumbasan o napupunan sa ibang bahagi
Pagpapabuti (Improvements) pagwawasto sa mga gramatikal tipograpikal na kamalian sa OT, kaya’t walang mali sa ST
Kuplets (Couplets), paraan sa pagsasalin na pinagsasama ang paggamit ng dalawa, tatlo, o higit pa sa mga pamamaraang nabanggit