Kabanata 15: Si Ginoong Pasta

Cards (6)

  • Sinabi niyang ang sanggol na hindi umiyak ay hindi makasususo; ang hindi humiling ay hindi pagkakalooban. Ang paghiling diumano sa pamahalaan ay isang paraan ng pagtulong upang higit nilang matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan.
    Isagani
  • Sino ang nagwika? "Maniniwala ka, at matatandaan mo ako, at sasabihin mong tama ako pag ang buhok mo ay kasimputi na ng sa akin."
    Ginoong Pasta
  • Para kay Simoun, sila ang pinakatapat na mamamayan sa buong Pilipinas.
    mga tulisan
  • Siya ang abogadong nilalapitan ni Don Custodio hinggil sa mga usaping legal na tiyak diumanong lalapitan muli ng tagapayo upang isangguni ang panukalang Akademya ng Wikang Kastila.
    Ginoong Pasta
  • Ayon sa kanya, ibinibigay na ng pamahalaan ang pangangailangan ng mga mamamayan bago pa man sila humiling, kaya't ang paghiling ay mistulang pagpapamukha sa gobyerno na sila'y nagkukulang sa kanilang tungkulin.
    Ginoong Pasta
  • Piliin ang salitang bubuo sa pahayag si Isagani sa Kabanata XV: “Pag ang buhok ko ay naging kasimputi ng sa inyo, ginoo, at sa pag-alala sa nakaraan, sisikapin ko na ako ay gumawa para sa aking sarili lamang at hindi ko gagawin ang mga bagay  na kaya kong gawin at dapat kong gawin para sa aking bansa na siyang naglagay sa aking kinalalagyan ngayon. Para sa aking ikabubuhay, ginoo, ang bawat isang puting buhok ko ay magiging __________ sa aking ulo na di dapat kong ipagmalaki, manapa’y dapat kong ikahiya.”
    tinik