tanfina mo gago

Cards (47)

  • Ponolohiya
    Makaagham na pag-aaral ng mga tunog na bumubuo ng isang wika
  • Uri ng Ponema
    • Ponemang Segmental - mga tunay na tunog at ang bawat tunog ay kinakatawan ng isang titik sa alpabeto
    • Ponemang Suprasegmental - sinisimbolo ito ng notasyong phonemic upang malaman ang paraan ng pagbigkas
  • Ponemang Suprasegmental
    • Tono o Intonasyon - taas baba ng pagbigkas ng pantig sa salita
    • Diin - lakas ng bigkas ng pantig
    • Hinto o Antala - saglit na pagtigil ng pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng nais ipahayag
  • Morpolohiya
    Makaaghaam na pag-aaral sa pagbuo ng salita sa pamamagitan ng pinaka maliit na yunit ng isang salita o morpema
  • Mga Yunit ng Salita
    • Salitang ugat
    • Panlapi
    • Morpemang binubuo ng isang ponema
  • Sintaks
    Pag-aaral ng istraktura ng mga pangungusap
  • Uri ng Pangungusap
    • Karaniwan - Pinatawag ng nanay ang bata
    • Kabalikan - Ang bata ay pinatawag ng nanay
  • Semantika
    • Pagbibigay sa isipan ng tao ng kahulugan batay sa Denotasyon - literal o pangunahing kahulugan ng isang salita, taliwas sa damdamin o ideya na iminungkahi ng salita
    • Konotasyon - Ito ay ang pansariling kahulugan ng isa o grupo ng tao sa isang salita
  • Kakayahang Pangkomunikatibo
    • Kakayahang Sosyolingguwistiko
    • Kakayahang Pragmatiko
    • Kakayahang Istatedyik
    • Kakayahang Diskursal
  • Anim na Pamantayan ng Kakayahang Pangkomunikatibo
    • Pakikibagay
    • Paglahok sa pag-uusap
    • Pamamahala sa Pag-uusap
    • Pagkapukaw-damdamin
    • Bisa
    • Kaangkupan
  • Pakikibagay
    • Pagsali sa iba't ibang inter-aksiyong sosyal
    • Pagpapakita ng pagiging kalmado sa pakikisalamuha sa iba
    • Kakayahang ipahayag ang kaalaman sa pamamagitan ng wika
    • Kakayahang magpatawa habang makikisalamuha sa iba
  • Paglahok sa pag-uusap
    • Kakayahang tumugon
    • Kakayahang makaramdam kung ano ang tingin sa kanya ng ibang tao
    • Kakayahang makinig at magpokus sa kausap
  • Pamamahala sa Pag-uusap
    Nakokontrol nito ang daloy ng usapan at kung paanong ang mga paksa ay nagpapatuloy at naiiba
  • Pagkapukaw-damdamin
    Kakayahang magtaglay ng empathy at tumugon
  • Bisa
    May kakayahang mag-isip kung ang kanyang pakikipag-usap ay epektibo at nauunawaan
  • Kaangkupan
    Naiaangkop niya ang kanyang wika sa sitwasyon, sa lugar na pinangyarihan ng pag-uusap, o sa taong kausap
  • Uri ng Tekstong Impormatibo
    • Paglalahad ng Kasaysayan
    • Pag-uulat Pang-impormasyon
    • Pagpapaliwanag
    • Deskriptibo
  • Tekstong Impormatibo
    • May layuning magbigay ng mahalagang impormasyon o kaalaman sa mga mambabasa
    • Teksto ay Pormal
    • Pili at simple lamang ang mga salita
    • Ang mga impormasyon ay malinaw at kung mahirap unawain ay inuuit sa loob ng pangungusap para mapaigting ang mensahe
  • Elemento ng Tekstong Impormatibo
    • Layunin ng may akda
    • Pangunahing ideya
    • Pantulong na ideya/kaisipan
    • Estilo sa pagsulat
  • Layunin ng may akda
    • Mapalawak ang kaisipan
    • Mas lalong maunawaan ang mga pangyayaring lubos na mahirap maintindihan
  • Pangunahing ideya
    Tinatawag ding organizational markers
  • Pantulong na ideya/kaisipan
    Detalye na makakatulong mabuo sa isipan ng mambabasa ang pangunahing ideya
  • Estilo sa pagsulat
    • Pagkakaroon ng mas malawak na pag-unawa sa binasang teksto
    • Paggamit ng mga nakalarawang representasyon
    • Pagbibigay-diin sa mahahalagang salita sa teksto
    • Pagsulat ng mga Talasanggunian
  • Mga Uri ng Tekstong Deskriptibo
    • Paglalahad ng Kasaysayan
    • Pag-uulat Pang-impormasyon
    • Pagpapaliwanag
  • Tekstong Deskriptibo
    • Nagtataglay ng mga impormasyong may kinalaman sa pisikal na katangian ng isang bagay, lugar at maging mga pangyayari
    • Nais magbigay katangian
  • Tekstong Deskriptibo
    • Mahalagang malawak ang kaalaman ng manunulat sa paksa
    • Gumamit ng pandamdaming gaganyak
  • Gamit ng Cohesive Devices o Kohesyong Gramatikal sa tekstong deskriptibo
    • Reperensiya
    • Substitusyon
    • Ellipsis
    • Pang-ugnay
    • Kohesiyong leksikal
  • Reperensiya
    • Salitang maaaring tumukoy maging reperensiya ng paksang pinag-uusapan sa pangungusap
    • Anapora - nasa simula ang paksa
    • Katapora - nasa hulihan ang paksa
  • Substitusyon
    Paggamit ng ibang salita ng ipapalit sa halip na muling ulitin ang salita
  • Ellipsis
    Binabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang maiintindihan o magiging malinaw pa rin sa mambabasa ang pangungusap
  • Pang-ugnay
    Nagagamit ang mga pang-ugnay tulad ng at sa pag-uugnay ng sugnay, parirala sa parirala, at pangungusap sa pangungusap
  • Uri ng Kohesiyong Leksikal
    • Reiterasyon - Kung ang ginagawa o sinasabi ng ilang beses
    • Kolokasyon - Salitang karaniwang nagagamit nang magkapareha o may kaugnayan sa isa't isa
  • Anapora
    Nasa simula ang paksa
  • Katapora
    Nasa hulihan ang paksa
  • Substitusyon
    Paggamit ng ibang salita na ipapalit sa halip na muling ulitin ang salita
  • Kohesiyong leksikal
    Reiterasyon - Kung ang ginagawa o sinasabi ng ilang beses. Maaari itong mauri sa tatlo: Pag-uulit o Repetisyon, Pag-iisa-isa, Pagbibigay-Kahulugan
  • Kolokasyon
    Salitang karaniwang nagagamit nang magkapareha o may kaugnayan sa isa't isa. Maaaring magkapareha o maaari ding magkasalungat
  • Paglalarawan sa tauhan
    • Pagsasaad sa aktuwal na nararanasan ng tauhan
    • Paggamit ng Diyalogo o Iniisip
    • Pagsaad sa ginawa ng tauhan
    • Paggamit ng tayutay o Matalinghagang Pananalita
  • Paglalarawan sa Tagpuan

  • Paglalarawan sa Isang Mahalagang Bagay