Dula – Ang dula ay isang uri ng akda na naglalarawan ng buhay o ugali ng mga tao sa pamamagitan ng mga usapan o dayalogo, at sa mga ikinikilos ng mga pangunahing tauhan na ginaganap sa isang tanghalan. Ito ay naglalahad ng katotohanan, propaganda o editorial na may layuning makisangkot ang mga manonood.Masasalamin dito ang kahapon, kasalukuyan, at bukas ng isang bayan.