Siya si Juan Crisostomo Ibarra sa nobelang Noli Me Tangere.
Nagpanggap siyang mag-aalahas na nakasalaming may kulay upang hindi makilala ng mga nais niyang paghigantihan. Naging kaibigan at taga-payo din siya ng Kaptan Heneral
Basilio

Ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli. Kalaunan ay naging kakampi siya ni Simoun.
Isagani

Ang makatang pamangkin ni Padre Florentino at kasintahan ni Paulita Gomez. Isa rin siya sa mga mag-aaral na sumusuporta sa hangarin na magkaroon ng eskwelahan para sa wikang Kastila ang Pilipinas.
Kabesang Tales

Naghangad ng karapatan sa lupaing sinasaka na inaangkin ng mga pari. Siya'y kasama sa mga naghimagsik na tinugis noon ng pamahalaan.
TandangSelo

Ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo
Juli

Anak ni Kabesang Tales at apo ni Tandang Selo. Siya ang nobya ni Basilio na hinalay ng paring matagal nang may pagnanasa sa kanya.
Kapitan Heneral

pinakamataas na pinuno ng pamahalaan. Siya din ay naging kaibigan ni Simoun.
PlacidoPenitente

Ang mag-aaral na nawalan ng ganang mgatapos ng pag-aaral dahil sa mga suliraning pampaaralan.
Juanito Pelaez

Ang kubang mag-aaral na may kayabangan ngunit kinagigiliwan ng mga propesor at nabibilang sa kilalang angkang may dugong Kastila. Siya ang nakatuluyan ni Paulita Gomez sa bandang huli ng storya.
DonyaVictorina

Tiyahin ni Paulita Gomez na mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina.
Paulita Gomez

Kasintahan ni Isagani ngunit ngapakasal kay Juanito Pelaez.
Ben Zayb

Isang mamamahayag na nagsusulat para sa pahayagan ngunit hindi totoo sa kanyang mga salita. Ginagawan niya ng sariling bersyon ang mga pangyayari o balita at laging iniisip ang pansariling kagustuhan at hindi ang katotohanan.
Macaraig

Ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatag ng Akademiya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan
Pecson

Isa sa mga mag-aaral na nagtalumpati sa Panciteria Macanista de Buen Gusto kung saan kanyang tinuligsa ang mga pari.
Sandoval

Ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral
PadreCamora

ang mukhang artilyerong pari na gumahasa kay Juli. Nagkaroon siya ng sugat sa kamay at bukol sa ulo dahil sa panloloob sa bahay liwaliwan.
PadreFernandez

Ang paring Dominikong may malayang panindigan.
PadreFlorentino

Ang amina ni Isagani na pinagtapatan ni Simoun ng tunay niyang katauhan bago siya malagutan ng hininga
Ginoong Pasta

Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning ligal.
Don Custodio

Kilala rin sa tawag na "Buena Tinta". Sa Kanyang mga kamay nakasalalay kung pahihintulutan ang Akademiya ng Wikang Kastila sa Pilipinas.
Quiroga

Isang Intsik na mangangalakal na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas. Sa kanyang tindahan pansamantalang ipinatago ni Simoun ang mga sandata at pulbura na gagamitin sa himagsikan
Hermana Penchang

Ang mayaman at madasaling babae na pinaglingkuran ni Juli noong mga panahon na kailangan niya ng pandagdag na salapi para may maipantubos sa ama na binihag ng mga tulisan
Ginoong Leeds

Ang misteryong Amerikanong nagtanghal sa perya
Kabesang Andang

Ina ni Placido Penitente na taga-Batangas
Carolino

Nakapatay sa kanyang lolo na si Tandang Selo
PadreSibyla

Hindi sang-ayon sa plano ng mga mag-aaral na magtayo ng Akademiya para sa Wikang Kastila
Padre Salvi

Isang Pransiskano na may pagtingin kay Maria Clara