Gat. Jose Rizal: 'Lahat ng punong panlalawigan at mga arsobispo ay naparoonan sa Gobernador-Heneral araw-araw upang ako'y isumbong. Ang buong ahente ng Dominico ay sumulat ng sumbong sa mga alkalde na nakita nila akong lihim na nakikipagpulong sa mga babae at lalaki sa itaas ng bundok. Totoong naglalakad sa bundok kung bukangliwayway... upang damhin ang kalamigan ng umaga ngunit laging may kasamang tenyente ng guardia civil na marunong managalog...'
Unang reperensiya (pahayag) – ―Inilantad ko lang po ang tunay na kalagayan ng bayan…‖ tugon ni Gat, Jose Rizal kay Gobernador Emilio Terrero nang ipatawag siya nito sa Malacañang.
Ikalawang reperensiya (tala ng kasaysayan) – Hunyo 26,1892 nang bumalik sa Pilipinas si Gat. Jose Rizal kahit batid niyang kamatayan ang naghihintay sa kaniya.
Ikatlong reperensiya (bahagi ng liham ni Gat. Jose Rizal sa kaibigang Blumentritt) – ―Lahat ng punong panlalawigan at mga arsobispo ay naparoonan sa Gobernador-Heneral araw-araw upang ako’y isumbong.
Ang buong ahente ng Dominico ay sumulat ng sumbong sa mga alkalde na nakita nila akong lihim na nakikipagpulong sa mga babae at lalaki sa itaas ng bundok. Totoong naglalakad sa bundok kung bukangliwayway… upang damhin ang kalamigan ng umaga ngunit laging may kasamang tenyente ng guardia civil na marunong managalog…‖
Isang Pag-aalay Sa alaala ng mga paring sina Don Mariano Gomez (84 taon), Don Jose Burgos (35 taon) at Don Jacinto Zamora (37 taon) na binitay sa Bagumbayan noong ika-17 ng Pebrero 1872.
Ang simbahan sa pagtanggi nitong kayo ay hamakin ay nagparamdam na maaaring kayo ay walang kasalanan. Ang Pamahalaan, sa pagbibigay-diin nitong maaaring ang paghusga sa inyo ay bunga ng ilang kamalian ay mayroon ding ibang pinaninindigan.
Tinawag nga kayong mga martir at para-parang tinatanggap ninyo ang inyong naging pagkukulang.
Para sa akin, hindi mahalaga kung mapatunayan man o hindi ang pakikilahok ninyo sa pag-aalsa sa Cavite. Kilalanin man kayo o hindi bilang bayani.
Totoo man o hindi na nag-apoy ang inyong mga damdaming makabayan sa ngalan ng katarungan at kalayaan buong pusong pusong inaalay ko pa rin sa inyo ang nobelang ito.
Sa inyo na mga biktima ng walang katapusang kasamaang layunin kong harapin at tapusin.
At habang hinihintay naming maghugas ng kanyang kamay ang bansang Espanya sa inyong sinapit na kamatayan, hayaan ninyong magsilbing mga tuyong dahon ng katotohanan ang mga pahina ng nobela ito
At sa sinumang mangangahas na pupula sa inyong alaala bilang mga Martir ng Bagumbayan, hayaan ninyong maligwakan ang kanyang kamay ng sariwang dugong inyong inialay sa sangkapilipinuhan.
Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo Maraming kasawiang dinanas ang mga kamag-anak at mga kaibigan ni Gat. Jose Rizal dahil sa pagkakasulat niya ng Noli Me Tangere na nagpagising at nagpaalab sa damdamin ng mga Pilipino tungkol sa karapatang pambansa.
Nariyan ang mga suliranin sa lupa ng mga magsasaka sa Calamba. Inilapit nila ito kay Rizal na humingi ng tulong sa naging kaibigan na Gobernador Heneral Emilio Terrero.
Nabinbin ang kaso dahil sa tinaguriang ―makamandag‖ na babasahing Noli Me Tangere.
Nakaranas ng panggigipit ang pamilya ni Rizal. Nakatanggap din siya ng ilang pagbabanta at pagtuligsa
Sa ganitong senaryo sinimulang isulat ni Rizal ang El Filibusterismo sa Calamba noong 1887. Limang taong pagitan pagkasulat ng Noli Me Tangere
Dahil sa patuloy na pagbabanta sa kaniyang buhay, sinunod ni Rizal ang payo ng gobernador na bumalik sa ibang bansa. Nilisan niya ang Pilipinas noong Pebrero 3, 1888.
May ilang talang nagsasabi na may bahagi rin ang El Filibusterismo ang isinulat sa Ghent, Belgium lalong-lalo na ang huling bahagi at pagrerebisa ng manuskripto
Ayon sa pahayag ng bayani sa isang liham kay Jose Maria Basa, makabayang kaibigan ng bayani, ang manuskripto ng El Filibusterismo ay ibinigay sa palimbagan ng Ghent, Belgium bago matapos ang Mayo, 1891
Napatigil ang pagpapalimbag hanggang pahina 112 lamang. Bilang pagtanaw ng utang na loob, inialay niya kay G. Ventura ang orihinal na manuskripto ng El Filibusterismo kalakip ng isang inilimbag na sipi na may lagda niya.
Binigyan niya ng sipi ang mga matatalik niyang kaibigan. Nariyan si Dr. Blumentritt, Marcelo H. Del Pilar, Graciano Lopez Jaena at Juan Luna.
Ipinadala ang mga siping nasa kahon sa Hongkong at Pilipinas. Ipinasira ng Pamahalaang Espanyol ang halos lahat ng siping nasamsam.
May ilang siping nakarating sa kinauukulan at sa mga kilusang nauukol sa paghihimagsik na nagbigay-sigla sa kanilang makabayang adhikain.
Labing-isang taon pa lamang ang ating bayani nang maganap ang walang katarungang pagpatay sa tatlong paring martir.