tekstong impormatibo

Cards (26)

  • Tekstong Impormatibo
    Isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong magpaliwanag at magbigay ng impormasyon. Kadalasang sinasagot nito ang mga batayan tanong na ano, kailan, saan, sino at paano.
  • Tekstong Impormatibo
    • Nagbibigay impormasyon na malinaw at tiyak tungkol sa mga tao, bagay, lugar at pangyayari
  • Sanhi at Bunga
    Estruktura ng paglalahad na nagpapakita ng pagkaugnay-ugnay ng mga pangyayari at kung paanong ang kinalabasan ay naging resulta ng mga naunang pangyayari
  • Paghahambing
    Estruktura na nagpapakita ng pagkakaiba at pagkakatulad sa pagitan ng anumang bagay, konseptong o pangyayari
  • Pagkaklasipika
    Estruktura na naghahati-hati ng isang malaking paksa o ideya sa iba't ibang kategorya o grupo upang magkaroon ng sistematikong pagtatalakay
  • Uri ng Tekstong Impormatibo
    • Naglalahad ng totoong pangyayari o kasaysayan
    • Pag-uulat ng Impormasyon
    • Pagpapaliwanag
  • Naglalahad ng totoong pangyayari o kasaysayan
    Sumasaklaw sa mga paglalahad ng mga pangyayari sa nakaraan, kasalukuyan o ibang panahon. Nakatuon ito sa pagsasalaysay ng mahalagang kaganapan
  • Pag-uulat ng Impormasyon
    Nakatuon sa pagbibigay kaalaman tungkol sa tao, bagay, hayop at lugar. Kinakailangan ng pananaliksik sa pagbibigay ng kaalaman sa uri na ito
  • Pagpapaliwanag
    Ipinaliwanag kung paano naganap ang isang bagay. Hindi nagpapakita ng prosedyur o pagkakasunod-sunod, nagbibigay ng kaliwanagan sa kung paano nangyari ang isang insidente
  • Pangunahing Ideya
    Inilalahad kung tungkol sa ano ang tekstong impormatibo. Kadalasang ginagamit ang mga organisational na markers para mailarawan ng maayos at mabasa agad ng madla ang pangunahing ideya
  • Pantulong sa kaisipan
    Ginagamit ng may akda upang makapagbuo sa isipan ng mga madla ang pangunahing ideya na nais maitanim o maiwan sa isipan
  • paano naganap ang isang bagay
    Hindi man ito nagpapakita ng prosedyur o pagkakasunod, nagbibigay naman ito ng kaliwanagan sa kung paano nangyari ang isang insidente
  • Tekstong impormatibo
    Uri ng teksto na nagbibigay impormasyon at kaalaman
  • Pangunahing Ideya
    Dito naman inilalahad kung tungkol sa ano ang tekstong impormatibo. Kadalasang ginagamit ang mga organisational na markers para mailarawan ng maayos at mabasa agad ng madla ang pangunahing ideya
  • Pantulong sa kaisipan
    Ito'y ginagamit ng may akda upang makapagbuo sa isipan ng mga madla ang pangunahing ideya na nais maitanim o maiwan sa isipan
  • Mga Estilo sa Pagsusulat, Kagamitan, Sangguniang magtatampok sa mga bagay na binibigyan diin
    • Paggamit ng mga makalarawang representasyon
    • Paggamit ng larawan, diagramo chart
    • Pagbibigay diin sa mga mahahalagang salita. Pagbold ng letra, o gawing italic o ang paglalagay ng guhit sa mga salita
    • Pagsusulat ng mga talasanggunian
  • Layunin ng tekstong impormatibo
    Nagbibigay impormasyon at kaalaman, nagbibigay ng linaw sa kung paano nangyayari o nagyari ang isang bagay, pinapaunlad ang pagsusuri sa detalye at impormasyon
  • Mga kasanayan sa pagabasa ng tekstong impormatibo
    • Pagpapagana ng imbak na kaalaman
    • Pagbuo ng mga hinuha
    • Pagkakaroon ng mayamang karanasan
  • Pagpapagana ng imbak na kaalaman
    Ito ay may kinalaman sa pag-aalala ng mga salita at konseptong dati nang alam n ginagamit sa teksto upang ipinaunawa ang mga bagong impormasyon sa mambabasa
  • Pagbuo ng mga hinuha
    Ito ay may kinalaman sa sa pagbasa ng mga bahagi ng teksto na hindi gaanong malinaw sa pamamagitan ng pag-uugnay nito sa iba pang bahagi na malinaw. Ito ay matalinong paghula nga sa maaring gahulugan ng isang bahagi ng na hindi direkta o tahasangmalinaw sa teksto
  • Pagkakaroon ng mayamang karanasan
    Mahala rin ang pagkakaroon ng mayamang karanasan sa pagbasa ng iba't-ibang teksto at pagdanas sa mga ito
  • Ano-ano ang mahalagang kakayahan upang maging mabisa ang pag-unawa sa isang tekstong impormatibo
  • Ano ang mga layunin ng tekstong impormatibo
  • Bakit mahalaga ang malawak na bokabularyo sa pag-unawa ng tekstong impormatibo
  • Ano-ano ang mga estruktura ng tekstong impormatibo
  • Gawain
    Hatiin ang klase sa Apat na pangkat, bawat pangkat ang mag isip ng paksang impormaibo, at mag isip ng kosepto para sa gagawin pagsasadula. Itanghal ito sa susunod nating pagkikita