Rekomendasyon ay mga mungkahing solusyon para sa mga suliraning natukoy o natuklasan sa pananaliksik.
listahan ng Sanggunian isang kumpletong tala ng lahat ng mga hanguan o sorses na ginamit ng mananaliksik sa pagsulat ng pamanahong papel.
Apendiks ay tinatawag ding Dahong-dagdag. Maaaring ilagay/ipatong dito ang mga liham,pormularyo ng ebalwasyon, transkripsyon ng interbyu.
Paksa ang tawag sa konseptong pag-aaralan at susuriin sa pananaliksik. Maraming paksa ang maaaring gawan ng pag-aaral.
SARILI (karanasan) Maaaring humango ng paksa sa mga sariling karanasan, mga nabasa, napakinggan, napag-aralan at natu-tunan.
Dyaryo at Magasin.
Maaaring paghanguan ng paksa ang mga napapanahong isyu sa mga pamukhang pahina ng mga dyaryo at magasin
Radyo, TV at Cable TV.
Maraming uri ng programa sa radyo at tv ang mapagkukunan ng paksa. Marami na ring bahay, hindi lamang sa Metro Manila, kundi maging sa mga probinsya, ang may cable tv.
Mga Awtoridad, Kaibigan, Guro. Sa pamamagitan pagtatanong-tanong sa ibang tao, maaaring makakuha ng mga ideya upang mapaghanguan ng paksang-pampananaliksik.
Internet.
Isa ito sa pinakamadali, mabilis, malawak at sopistikadong paraan ng paghahanap ng paksa.
Aklatan.
Bagama't tradisyonal na hanguan ito ng paksa, hindi pa rin mapasusubalian ang yaman ng mga paksang maaaring mahango sa aklatan.
Kasapatan ng Datos.
Kailangang may sapat nang literatura hinggil sa paksang pipiliin.
Limitasyon ng Panahon.
Tandaan, ang kursong ito ay para sa isa o dalawang markahan lamang. Magiging konsiderasyon sa pagpili ng paksa ang limitasyong ito.
Kakayahang Pinansyal.
Isa pang problema ito sa pagpili ng paksa. May mga paksang nanga-ngailangan ng malaking gastusin, na kung titipirin ay maaaring maisakripisyo ang kalidad ng pananaliksik.
Kabuluhan ng Paksa.
Ang isang pananaliksik na nauukol sa isang paksang walang kabuluhan ay humahantong sa isang pananaliksik na wala ring kabuluhan.
Interes ng Mananaliksik.
Magiging madali para sa isang mananaliksik ang pangangalap ng mga datos kung ang paksa niya ay naaayon sa kanyang kawilihan o interes.