Tauhan ng Florante at Laura

Cards (21)

  • Si Menandro ang pamangkin ni Antenor at tapat siyang kaibigan ni Florante mula sa Atenas.
  • Si Antenor ay ang guro ni Florante sa Atenas.
  • Si Duke Briseo ang ama ni Florante at pinagkakatiwalaang tagapayo ni Haring Linseo
  • Si Haring Linseo ang hari ng Albanya. Nakiusap siya kay Florante na pamunuan ang kaniyang hukbo.
  • Si Florante ay anak ni Duke Briseo at Prinsesa Floresca, at tagapagtanggol ng Albanya.
  • Si Laura ang anak ni Haring Linseo at katipan ni Florante.
  • Si Prinsesa Floresca naman ang ina ni Florante, asawa ni Duke Briseo.
  • Si Adolfo ay ang ang taksil at kalabang mortal ni FLorante.
  • Si Konde Sileno ang ama ni Adolfo. Isa siyang maharlikang nagmula sa bayan ng Albanya.
  • Si Menalipo ay pinsan ni Florante at nakapagligtas sa buhay niya mula sa isang buwitre noong sanggol pa si Florante.
  • Si Heneral Osmalik ay isang heneral ng mga Persya nong sumakop sa Krotona, sa ilalim ng pamumuno ni Aladin.
  • Si Heneral Miramolin ay isang heneral na Turkong namuno sa pananakop ng Albanya.
  • Si Ali-Adab ay ang malupit na ama ni Aladin, at naging karibal ng anak sa pag- ibig ni Flerida.
  • Si Emir ay ang gobernador ng mga Moro na nagtangka kay Laura.
  • Si Aladin ay prinsipe ng Persya, at kasintahan ang isang nagngangalang Flerida.
  • SI Flerida ay ang kasintahan ni Aladin na tinangkang agawin ng amang si Sultan Ali-Adab.
  • Krotona ay ang bayang nakubkob ni Heneral Osmalik ng Persya. Nasakop ng mga Moro ang lugar na ito pero kalaunan ay napagtagumpayang bawiin ng hukbong pinamunuan ni Florante.
  • Ang Albanya ay ang kahariang pinamumunuan ni Haring Linseo at ng kanang-kamay niyang si Duke Briseo.
  • Sa atenas unang nagtagpo ang mga landas nina Florante at Adolfo bilang kapuwa mag-aaral.
  • Persya ang bayang pinagmulan ni Aladin na pinamumunuan ng
    kaniyang amang si Sultan Ali-Adab.
  • Ang gubat lunan ng unang eksena ng Florante at Laura, na
    maisasalarawana ang pagkakagapos ng mala-Adonis na
    binatang si Florante.