Ang sekswalidad ay isang malayang pagpili at personal na tungkulin na ginagampanan ng tao gamit ang kaniyang katawan at espiritu tungo sa kaniyang kaganapan kaisa ang Diyos
Ang kabataang Filipino ngayon ay patuloy na nakikibaka sa mga isyung may kinalaman sa seks at sekswalidad
Mga isyung may kinalaman sa seks at sekswalidad
Pakikipagtalik nang hindi kasal (pre-marital sex)
Pornograpiya
Pang-aabusong sekswal
Prostitusyon
Pre-marital sex
Gawaing pagtatalik ng isang babae at lalaki na wala pa sa wastong edad o nasa edad na subalit hindi pa kasal
Mga pananaw na dahilan kung bakit ang kabataan ay pumapasok sa maagang pakikikapagtalik
Ito raw ay normal at likas na gampanin ng katawan ng tao upang maging malusog siya at matugunan ang pangangailangan ng katawan
Kapag hindi raw ito isinagawa hindi mararating ng tao ang kaganapan ng kaniyang buhay
Maraming kabataan ang nag-iisip na maituturing na tama ang pakikipagtalik lalo na kapag ang mga gumagawa nito ay may pagsang-ayon
Karapatan ng tao na makipagtalik at malaya silang gawin ito
Naniniwala ang mga gumagawa ng pre-marital sex na may karapatan silang makaranas ng kasiyahan
Ang pakikipagtalik ay isang ekspresyon o pagpapahayag ng pagmamahal
Pornograpiya
Mga mahahalay na paglalarawan (babasahin, larawan, o palabas) na may layuning pukawin ang seksuwal na pagnanasa ng nanonood o nagbabasa
Mga epekto ng pornograpiya
Nakaiimpluwensiya sa paggawa ng mga abnormal na gawaing sekswal, lalong-lalo na ang panghahalay
May mga kalalakihan at kababaihan ding dahil sa pagkasugapa sa pornograpiya ay nahihirapang magkaroon ng malusog na pakikipag-ugnayan sa kanilang asawa
Nakararanas sila ng sekswal nakasiyahan sa panonood at pagbabasa ng pornograpiya, at pang-aabuso sa sarili at hindi sa normal na pakikipagtalik
Ginagamit ng mga pedophiles sa internet upang makuha ang kanilang mga bibiktimahin
Ang mga mahahalay na eksenang ipinakikita ng pornograpiya ay pumupukaw ng mga damdaming sekswal ng kabataang wala pang kahandaan para rito
Dahil sa pornograpiya, ang tao ay maaaring mag-iba ng asal
Ang mga sekswal na damdamin na ipinagkaloob ng Diyos sa tao, na maganda at mabuti, ay nagiging makamundo at mapagnasa
Pang-aabusong sekswal
Ang pang-aabuso na isinasagawa ng isang nakatatanda na siyang pumupuwersa sa isang nakababata upang gawin ang isang gawaing sekswal
Karamihan sa mga nagiging biktima ng pang-aabusong seksuwal ay ang mga bata o kabataang may mahihinang kalooban, madaling madala at may kapusukan
May mga magulang din na sila mismo ang nanghihikayat sa kanilang mga anak na gawin ang pang-aabusong sekswal upang magkapera
Ang paggamit ng kasarian ay para lamang sa pagtatalik ng mag-asawa na naglalayong ipadama ang pagmamahal at bukas sa tunguhing magkaroon ng anak upang bumuo ng pamilya
Prostitusyon
Ang pagbibigay ng panandaliang-aliw kapalit ng pera
Ang prostitusyon ay isang pang-aabusong sekswal na nakapagpapababa sa pagkatao ng taong sangkot dito
Ang mga taong tumatangkilik sa prostitusyon ay nawawalan ng paggalang sa pagkatao ng tao
Bilang kabataang pag-asa ng ating bayan, mahalaga ang iyong pagtugon sa mga isyung nabanggit
Binigyan ka ng Panginoong Diyos ng talino, isip, batas likas moral at konsyensya. Gamitin ang mga regalong ito upang makabuo ka nang pansariling paninindigan sa mga isyung kawalang paggalang sa dignidad at sekswalidad
Sa pagsasagawa ng mga isyung sekswal na nabanggit, marapat ding alamin ng tao lalo na ng kabataan kung ano ang layunin nila sa pagsasagawa nito
Ang layunin ba nila ay mabuti? Paano naman ang kanilang paraan? Ang paraan ba ay mabuti?
Upang magbunga ng mabuti ang iyong pagpapasiya, dapat na maging bukas ang isang kabataang katulad mo tungkol sa pinagdaraanan mo
Maghanap at paligiran mo ang iyong sarili ng mga kapamilya at kaibigang iyong mapagkakatiwalaan. Magbibigay sila sa iyo ng suporta at magkakaloob sa iyo ng lakas na labanan ang mga tukso