Baliskud - tumutukoy sa pangalawang pag-aararo para mapino ang nabungkag na tigang na lupa
Bangag - lupang nagkabitak-bitak bunga ng matinding tag- init o tagtuyot
Binati - ito ang palayan na naararo na at napatubigan; handa na para taniman ng palay
Bungkag - unang proseso ng/ sa pag-aararo para mabaklas ang tigang na lupa
Hamod - ito ay uri ng lupang mabato. Hindi ito masustansya kaya hindi mainam pagtaniman
Hanalon - Tumutukoy sa napakaitim na lupa. Ito ay masustansya at mainam pagtaniman
Inupong - tumutukoy ito sa bungkos ng mga naani; komunidad ng mga inaning palay
Lamigas - malulusog at mabubuting uri ito ng butil ng palay
Linas - proseso ito ng pag-aalis, paghihiwalay ng lamigas sa uhay nito sa pamamagitan ng pagkiskis ng paa
Likyad - mababaw na pag-aararo ito matapos makapagpanggas sa tuyong lupa o palayan
Limbuk - ito ang bigas na sinangag na mula sa bagong ani ng palay
Linapwahan - tinutukoy nito sa tinola mula sa iba't ibang gulay na nakikita sa likod bahay
Marinhut - Tawag ito sa maliliit na tumutubong palay - madalang ang tubo o sibol at arikutoy o malnourished
Panudlak - ito ay isang ritwal na isinasagawa bago ang pagbubungkal ng lupa at pagtatanim
Panggas - ito ang tawag sa pagsasabog ng binhi ng palay sa tigang na naararong lupa o palayan
Pinalinpin - ito ang palay na walang laman o maupa
Suka - ito ang unang ani
Wayang - bukas at malawak na lupain