y

Cards (15)

  • Pagkamamamayan (Citizenship)

    Kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado
  • Ang konsepto ng citizenship ay umusbong sa kabihasnang Griyego
  • Polis (Greek city-state)

    • Lipunan na binubuo ng mga taong may iisang pagkakakilanlan at iisang mithiin
    • Ang pagiging citizen ay isang pribilehiyo na may kalakip na mga karapatan at tungkulin
    • Ang mga citizen ay inaasahang makilahok sa mga gawain sa polis
  • Ang konsepto ng citizenship ay nagdaan sa maraming pagbabago sa paglipas ng maraming panahon
  • Citizenship
    Isang ligal na kalagayan ng isang indibiduwal sa isang nasyon-estado, kung saan siya ay ginawaran ng mga karapatan at tungkulin
  • Ang mga tungkulin at karapatan ng mga mamamayan ay isinasaad sa Saligang-batas ng Pilipinas
  • Mga mamamayan ng Pilipinas
    • Yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng saligang-batas
    • Yaong ang mga ama o mga ina ay mamamayan ng Pilipinas
    • Yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang gulang
    • Yaong mga naging mamamayan ayon sa batas
  • Katutubong inianak na mamamayan
    Mamamayan ng Pilipinas mula pa sa pagsilang na wala nang kinakailangang gampanang ano mang hakbangin upang matamo o malubos ang kanilang pagkamamamayang Pilipino
  • Naturalisadong mamamayan
    Dating dayuhan na naging mamayang Pilipino dahil sa proseso ng naturalisasyon
  • Mga prinsipyo ng pagkamamamayang Pilipino

    • Jus sanguinis - Ang pagkamamamayan ay nakabatay sa pagkamamamayan ng isa sa kaniyang mga magulang
    • Jus soli/jus loci - Ang pagkamamayan ay nakabatay sa lugar kung saan siya ipinanganak
  • Naturalisasyon
    Isang legal na paran kung saan ang isang dayuhan na nais maging mamamayan ng isang bansa ay sasailalim sa isang proseso sa korte
  • Mga dahilan kung bakit maaaring mawala ang pagkamamamayan
    • Ang panunumpa ng katapatan sa Saligang-Batas ng ibang bansa
    • Tumakas sa hukbong sandatahan ng ating bansa kapag may digmaan
    • Nawala na ang bisa ng naturalisasyon
  • Lumawak na pananaw ng pagkamamamayan
    • Tinitingnan ang pagkamamamayan hindi lamang bilang isang katayuan sa lipunan na isinasaad ng estado, bagkus, maituturing ito bilang pagbubuklod sa mga tao para sa ikabubuti ng kanilang lipunan
    • Ang pagkamamamayan ng isang indibiduwal ay nakabatay sa pagtugon niya sa kaniyang mga tungkulin sa lipunan at sa paggamit ng kaniyang mga karapatan para sa kabutihang panlahat
    • Hindi lamang magiging tagamasid sa mga pagbabagong nagaganap sa lipunan ang isang mamamayan, kundi inaasahan na siya ay magiging aktibo kalahok sa pagtugon sa mga isyung kinahaharap ng lipunan at sa mas malawak na layunin ng pagpapabuti sa kalagayan nito
    • Ang mamamayan ngayon ay hindi tagasunod lamang sa mga ipinag-uutos ng pamahalaan, kundi nakikipagdiyalogo rito upang bumuo ng isang kolektibong pananaw at tugon sa mga hamong kinakaharap ng lipunan
  • Mga katangian ng isang responsableng mamamayan
    • Makabayan
    • May pagmamahal sa kapwa
    • May respeto sa karapatang pantao
    • May pagpupunyagi sa mga bayani
    • Gagampanin ang mga karapatan at tungkulin bilang mamamayan
    • May disiplina sa sarili
    • May kritikal at malikhaing pag-iisip
  • Mga simpleng hakbangin na maaaring gawin ng bawat isa upang makatulong sa bansa
    • Sumunod sa batas-trapiko. Sumunod sa batas.
    • Laging humingi ng opisyal na resibo sa anumang binibili.
    • Huwag bumili ng mga bagay na smuggle. Bilhin ang mga lokal na produkto. Bilhin ang gawang-Pilipino.
    • Positibong magpahayag ng tungkol sa atin gayundin sa sariling bansa.
    • Igalang ang nagpapatupad ng batas-trapiko, pulis at iba pang lingkod-bayan.
    • Itapon nang wasto ang basura. Ihiwalay. Iresiklo. Pangalagaan.
    • Suportahan ang inyong simbahan.
    • Tapusin nang may katapatan ang tungkulin sa panahon ng eleksiyon.
    • Maglingkod nang maayos sa pinapasukan.
    • Magbayad ng buwis.
    • Tulungan ang isang iskolar o isang batang mahirap.
    • Maging mabuting magulang. Turuan ng pagmamahal sa bayan ang mga anak