Ang mga bantas o “punctuation mark” ay mga simbolo na ginagamit sa pagsulat, upang ipaliwanag ang kahulugan, o ang ibig sabihin ng isang akda.
Ang bantas ay mga simbolo na nakatutulong upang mas lalong maunawaan ng mambabasa ang nais ipahayag ng isang teksto.
Sa pamamagitan ng mga bantas malalaman ng mambabasa ang emosyon o nararamdaman na ipinahahayag ng may akda.
tama
Tinutulungan din ng pagbabantas ang nagsasalita dahil binibigyan nito ng senyales ang nagbabasa kung kailan hihinto o titigil at kung kailan bibigyan ng masidhing emosyon o pakiramdam
Tuldok (.)
Ginagamit sa katapusan ng pangungusap na paturol o pasalaysay at pautos o pakiusap
Ginagamit pagkatapos ng mga tambilang at titik ng isang balangkas o talaan
tuldok
Ginagamit din ang tuldok sa mga dinaglat na salita
tama
Tandang pananong (?)
Ginagamit bilang panapos sa mga pangungusap na nagtatanong
Ginagamit ito sa loob ng panaklong bilang pagpahayag ng pag-aalinlangan
tandang pananong
Tandang padamdam o eksklamasyon (!)
Ginagamit sa mga pangungusap, salita o ekspresyong nagsasaad ng damdamin
Ginagamit kapag gusto mong ipayahag ang matinding pakiramdam o emosyon.
Tandang padamdam o eksklamasyon (!)
Kuwit (,)
Ginagamit sa pagitan ng petsa
Ginagamit sa pagitan ng pangalan ng kalye, bayan/lungsod, at probinsiya/lalawigan.
kuwit
ang kuwit ay Ginagamit bating panimula at pangwakas ng liham
tama
Ginagamit sa mga salita, parirala, o mga sugnay na magkakasunod-sunod.
kuwit
ang kuwit ay Ginagamit sa pagitan ng tuwirang sabi at bago ng ngalang panawag . anong salita ang kailangan upang maging wasto ang pahayag na ito?
pagkatapos
Ginagamit sa pagitan ng “iyo” at pangalan, tulad din sa pagitan ng pangngalan o panghalip at ng kasunod nito.
kuwit
Tutuldok (:)
Ginagamit sa bating panimula ng liham pangangalakal
Ginagamit sa pagsulat ng oras
tutuldok
Ginagamit sa pagtatala ng iniisa-isang bagay
tutuldok
ang tutuldok ay Ginagamit sa pagpapakilala ng tuwirang sipi
tama
Tuldukuwit (;)
Ginagamit sa pagitan ng dalawang sugnay na hindi pinag-uugnay ng pangatnig.
Panaklong ( )
Ginagamit bilang pangkulong sa mga pinamimiliang salita.
Ginagamit upang kulungin ang bahaging nagpapaliwanag sa isang salita ngunit maaaring kaltasin.
panaklong
Ginagamit upang kulungin ang mga titik o tambilang ng mga bagay na binabanggit nang magkasunud-sunod
panaklong
Braket [ ]
Ginagamit kapag may binago sa isang tuwirang sipi at ipinaloloob ito sa braket o di kaya’y ang kapaliwanagan ng salita.
Kudlit (‘)
Ginagamit sa pag-ugnay ng dalawang salita
Panipi (“ ”)
Ginagamit sa direktang pagkopya ng isang salita, parirala, pangungusap, o talatang di-lalampas sa apat na linya
Ginagamit ito sa diyalogo at pamagat ng aklat, kuwento, pelikula, maging sa mga banyagang salita