•Isang uri ng papel-pampananaliksik na karaniwang ipinapagawa sa mga estudyante sa mataas na paaralan at kolehiyo bilang isa sa mga pangangailangang akademiko.
•Ito ay dahilan kung bakittinatawagitosa Ingles naTerm paper
FLY LEAF 1 – Ang pinakaunang pahina ng pamanahong papel. Walang nakasulat na kahit ano sa pahinang ito. Sa madaling sabi, blangko ito.
Pamagating Pahina- ang tawag sa pahinang nagpapakilala sa pamagat ng pamanahong papel.
Dahon ng Pagpapatibay - Ang tawag sa pahinang kumukumpirma sa pagkaka-pasa ng mananaliksik at pagkakatanggap ng guro ng pamanahong papel.
Sa pahina ng Pasasalamat o Pagkilala tinutukoy ng mananaliksik ang mga indibiduwal, pangkat, tanggapan o institusyong maaaring nakatulong sa pagsulat ng pamanahong papel at nakatala ang kaukulang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa.
Sa Talaan ng Nilalaman nakaayos nang pabalangkas ang mga bahagi at nilalaman ng pamanahong papel at nakatala ang kaukulang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa.
Sa talaan ng mga talahanayan at Grap nakatala ang pamagat ng bawat talahanayan at/o grap na nasa loob ng pamanahong papel at ang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa.
Ang Fly Leaf 2 ay isa na namang blankong pahina bago ang katawan ng pamanahong papel.
Ang Panimula o Introduksyon ay isang maikling talataang kinapapalooban ng pangkalahatang pagtatalakay ng paksa ng pananaliksik.
Sa Layunin ng Pag-aaral, inilalahad ang pangkalahatang layunin o dahilan kung bakit isinagawa ang pag-aaral. Tinutukoy din dito ang mga ispesipikong suliranin na nasa anyong patanong.
Sa Kahalagahan ng Pag-aaral, inilalahad ang significance ng pagsasagawa ng pananaliksik ng paksa ng pag-aaral.
Sa Saklaw at Limitasyon tinutukoy ang simula at hanganan ng pananaliksik. Dito tinatakda ang parameter ng pananaliksik dahil tinutukoy dito kung ano-ano ang mga baryabol na sakop at hindi sakop ng pag-aaral.
Itinala naman sa Depinisyon ng mga Terminolohiya ang mga katawagang makailang ginamit sa pananaliksik at ang bawat isa’y binigyan ng kahulugan.
Ang pagpapakahulugan ay maaaring konseptwal ibinibigay ang standard na depinisyon ng mga katawagan bilang mga konsepto
Operasyonal binigyang-kahulugan ang mga katawagan kung paano iyon ginamit sa pamanahong papel