PAGBASA

Subdecks (1)

Cards (46)

  • Prosidyural
    Isang espesyal na uri ng tekstong ekspositori
  • Panitikan - ay mga panulat na nagpapahayag ng karanasan, damdamin, kaisipan, o kwento ng isang tao. Ito ay maaring batay sa katotohanan o gawa-gawa lamang para sa isang layunin.
  • Mga teoryang pampanitikan
    • Eksistensiyalismo
    • Naturalismo
    • Humanismo
    • Romantisismo
    • Marxismo
    • Pisikal
    • Moralismo
    • Sosyolohikal
    • Biyograpikal
    • Sikolohikal
  • Eksistensiyalismo
    • Layunin ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kapakanan ng sarili
  • Naturalismo
    • Ipinapakita ang epekto ng kapangitan ng kalagayan, katulad ng kahirapan at kawalan ng katarungan, sa mga tauhan nito
  • Humanismo
    • Ipinapakita na ang tao ang simula ng mundo. Binibigyang-tuon ang kalakasan at kabutihan ng tauhan
  • Romantisismo
    • Binibigyang-tuon ng akda ay ang pagtakas sa katotohanan. Karaniwan ang mga akda sa wika, kapaligiran at tauhan. Pinapahalagahan din sa akda ang kalikasan, nakaraang institusyong panlipunan at damdaming naka-loob dito. Ito ay nagpapakita ng pagmamahal ng tao sa kanyang kapwa, bayan, at iba pa
  • Marxismo
    • Layuning ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pangekonomiyang kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitiko. Ang mga paraan na pag-ahon mula sa kalugmukan sa akda ay nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa
  • Pisikal - Nakakatulong nang malaki sa teoryang ito ay ang mga larawang-diwa o imahe sa ikagaganda ng akda. Tumutukoy ito sa mga salitang kapag binanggit sa akda ay nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipin ng mambabasa. Nagpapatalas ito sa pandama ng mga mambabasa.
  • Moralismo
    Ipinalalagay na ang akda ay may kapangyarihang maglahad o magpahayag hindi lamang ng literal na katotohanan kundi mga panghabangbuhay at unibersal na mga katotohanan.
  • Sosyolohikal
    Naniniwala ang mga tagapagtaguyod nito na ang manunulat ay produkto ng kanyang panahon, lugar, mga kaganapan, kultura at institusyon sa kanyang kapaligiran kung saan itinuturing sila bilang boses ng kanyang panahon.
  • Biyograpikal
    Naniniwala ang mga biyograpikalista na ang manunulat ay nagsusulat ng mga bagay na personal niyang nararanasan at nakikita sa kanyang paligid.
  • Sikolohikal
    Sa pananaw na ito makikita ang takbo o galaw ng isipan ng manunulat. Mahihinuha sa kanyang akda ang antas ng kanyang pamumuhay, ang kanyang paninindigan, paniniwala, at pagpapahalaga gayundin ang mga ideya o kaisipang naglalaro sa kanyang isipan at kamalayan.