Ito ay bahagi na ng buhay ng tao. Napakaraming impormasyon ng internet at kung magiging mapanuri ka ay baka nariyan lang at naghihintay ang isang kakaiba at bagong paksang maaari mong gamitin para sa iyong pananaliksik.
TELEBISYON
Ito ay isa pang uri ng media na laganap lalo na sa panahon ng cable at digital television.
DIYARYO AT MAGASIN
Pumunta ka sa aklatan at ilatag ang iba’t ibang diyaryo sa isang mesa. Mula sa mga ito’y pag-ukulan ng pansin ang mga nangungunang balita, maging ang mga opinyon, editoryal, at mga artikulo.
MGAPANGYAYARISAIYONGPALIGID
Kung magiging mapanuri ka ay maaaring may mga pangyayari o mga bagong kalakaran sa paligid na mapagtutuunan mo ng pansin at maaaring maging paksa ng iyong pananaliksik.
SA SARILI
Baka may mga tanong kang naghahanap ng kasagutan subalit hindi mo naman basta maihanap ng kasagutan.
Ang SULATING PANANALIKSIK
ay malalimang pagtatalakay sa isang tiyak at naiibang paksa.
Taglay nito ang interpretasyon ng manunulat sa mga impormasyong kanyang nakalap.
Ayon kina CONSTANTINOATZAFRA (2010), ang pananaliksik ay isang masusing pagsisiyasat at pagsusuri sa mga ideya, konsepto, bagay,tao, isyu at iba pang ibig bigyang-linaw, patunayan o pasubalian.
Ayon naman kay GALERO-TEJERO (2011), ang pananaliksik ay may tatlong mahahalagang layunin: isinasagawa ito upang makahanap ng isang teorya. Pangalawa, mula sa pananaliksik ay malalaman o mababatid ang katotohanan sa teoryang ito. Pangatlo, isinasagawa ang pananaliksik upang makuha ang kasagutan sa mga makaagham na problema o suliranin.
PANANALIKSIK
isang sistematikong proseso ng pangangalap, pag-aanalisa, at pagbibigay – kahulugan sa mga datos mula sa mga mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng impormasyon upang masagot ang isang tanong, upang makadagdag sa umiiral na kaalaman, o pareho
PANANALIKSIK
Ito ay isang sistematiko at siyentipikong pamamaraan ng pag-iipon, pagsusuri, paglilinaw, pag-aayos, pagpapaliwanag at pagbibigay ng kahulugan ng isang datos o impormasyon na nangangailangan ng solusyon sa problema. Ito rin ang nagpapalawak sa mga limitadong kaalaman at pagpapakita ng pag-unlad sa buhay ng tao.
OBHETIBO
Naglalahad ng mga impormasyong hindi basta galing sa opinyon o kuro-kurong pinapanigan ng manunulat kundi nakabatay sa mga datos na maingat na sinaliksik, tinaya at sinuri.
SISTEMATIKO
Ito ay sumusunod sa lohikal na mga hakbang o proseso patungo sa pagpapatunay ng isang katanggap-tanggap na kongklusyon.
NAPAPANAHON O MAIUUGNAY SA KASALUKUYANÂ
Nakabatay sa kasalukuyang panahon ( tukoy nito sa petsa ng taon), nakasasagot sa suliraning kaugnay ng kasalukuyan, at ang kalalabasan ay maaaring maging basehan sa desisyong pangkasalukuyan.
EMPIRIKAL
Ang kongklusyon ay nakabatay sa mga nakalap na datos mula sa tunay na naranasan at/ o na-obserbahan ng mananaliksik.
KRITIKAL
Maaaring masuri at mapatunayan ng iba pang mananaliksik ang ang proseso at kinalabasan ng pag-aaral dahil taglay nito ang maingat at tamang paghahabi at paghahatol ng mananaliksik.
MASINOP, MALINIS, AT TUMUTUGONSAPAMANTAYANÂ
Nararapat itong sumusunod sa mga pamantayang inilahad at kakikitaan ng pagiging masinop at malinis sa kabuoan.
PANGANGALAP NG PAUNANGDATOS
Upang makabuo ng isang mahusay at matibay na pahayag na tesis karaniwang nangangailangan muna ng paunang impormasyon o kaalaman patungkol sa paksa.
PANGANGALAP NG PAUNANG DATOS
Ang mga paunang impormasyong tinatawag sa Ingles na background information ay magbibigay ng ideya sa mananaliksik kung bakit kailangang pagaralan ang napiling paksa at gagabay sa pagpili ng papanigang pananaw sa bubuoing pahayag ng tesis.
DATOSNGKALIDAD O QUALITATIVEDATA
Ang datos na ito ay maaaring nagsasalaysay o naglalarawan.
Halimbawa nito ay kulay, tekstura, lasa, damdamin at pangyayari
Ang mga datos ng kalidad ay madalas sumasagot sa tanong na Paano at Bakit, kung minsan nama’y sinasagot nito ang mga tanong na Ano, Sino, Kailan at Saan.
DATOS NG KAILANAN O QUANTITATIVE DATA
Ito ang mga datos na numerikal na ginagamitan ng mga operasyong matematikal.
Tumutukoy ito sa dami o bilang ng mga bagay o sagot ng mga sinarbey at ininterbyung mga respondent.
Halimbawa nito ay taas, bigat, edad at grado.
PAHAYAG NG TESIS O THESIS STATEMENT
Ito ay naglalahad ng pangunahin o sentral na ideya ng sulating pananaliksik
PAHAYAG NG TESIS O THESIS STATEMENT
Isa itong matibay na pahayag na naglalahad sa pinapanigang posisyon o pananaw ng mananaliksik tungkol sa paksa na handa niyang patunayan sa pamamagitan ng mga datos at ebidensya.
PAHAYAG NG TESIS O THESIS STATEMENT
Dito malalaman ng mambabasa kung tungkol saan ang sulating papel.
PAHAYAG NG TESIS O THESIS STATEMENT
Ito rin ang magiging direksyon ng mananaliksik sa pagkalap ng ebidensyang magpapatunay sa kanyang argumento
BIBLIYOGRAPIYA
Ito ay nagpapakita ng talaan ng mga aklat, dyornal, pahayagan, magasin, di nakalimbag na batis katulad ng pelikula, programang pantelebisyon, dokumentaryo at maging ang mga social media networking site sa pamamagitan o pinagkuhaan ng impormasyon.
DIREKTANG SIPI - ginagamit ito kung isang bahagi lamang ng akda ang nais sipiin. (Paggamit ng panipi para sa direktang sipi, at elipsis kung bahagi lamang ng sipi ang gagamitin o kukuhain.)
BUOD NG TALÂ - ginagamit ito kung nais lamang gamitin ay pinakamahalagang ideya ng isang talâ, tinatawag din itong sinopsis.
PRESI - mula ito sa salitang Pranses na precis na ang ibig sabihin ay pruned or cut down.
SIPI NG SIPI maaaring gamitin ang sinipi mula sa isang mahabang sipi. Ito ay ginagamitan din ng panipi (“ ”).
HAWIG O PARAPHRASE - isa itong hustong paglalahad ng mga ideya gamit ang higit na payak na salita ng mananaliksik.
SALIN/SARILING SALIN - sa pagkakataon ito, ang talâ ay nasa wikang banyaga, ginagamitan ito ng pagsasalin. Ito ang paglilipat ng isang ideya mula sa isang wika tungo sa isa pang wika.
 KRONOLOHIKAL
Ginagamit ang prinsipyong ito kung ang datos o impormasyon ay ayon sa pagkasunod-sunod ng pangyayari. Kung ang isang paksa ay naglalahad ng proseso o pangyayari o maging kasaysayan.
PAGSUSURI
siguruhing ang mga impormasyong nakuha ay konektado sa binuong tesis.
HEYOGRAPIKAL O BATAY SA ESPASYO
Ginagamit ito upang ipakita at ipaliliwanag ang lokasyon, lugar o iba pang ginagamit ng espasyo.
KOMPARATIBO
Ginagamit kapag nais ipaliwanag o ipakita ang pagkakatulad at/o ang pagkakaiba ng dalawang bagay, tao, prinsipyo o kaisipan.
SANHI/BUNGA
Ginagamit kung nais bigyang-diin ang sanhi at bunga o sanhi o bunga ng isang paksang sinisiyasat.
PAGSUSURI
Ang prinsipyong ito ay ginagamit kung nais ipakita ang paghihimay-himay ng isang buong kaisipan.
PERYODIKAL
Tumutukoy ito sa anumang publikasyon na lumalabas nang regular
JOURNAL
ito ang peryodikal na lumalabas sa akademikong komunidad