FILIPINO

Subdecks (2)

Cards (29)

  • Crisostomo Ibarra – Ang mayamang binatang kasintahan ni Maria Clara na nag-aral sa Europa; nangarap na makapagtayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan sa San Diego
  • Don Santiago - “Kapitan Tiyago” delos Santos - ang mayamang mangangalakal na taga-Binondo; ang kinikilalang ama ni Maria Clara
  • Tenyente Guevarra – Ang matapat na teniente na nagsasalaysay kay Ibarra sa kasawiang sinapit ng kaniyang ama
  • Padre Sibyla – Isang paring Dominikano na lihim na sumusubaybay sa mga ginagawa ni Crisostomo Ibarra
  • Padre Damaso – Ang kurang Pransiskano na may maaskad nap ag-uugali, na napalipat ng ibang Parokya matapo maglingkod ng matagal na panahon sa San Diego; ang ninong ni Maria Clara; lihim na tunay na ama ni Maria Clara.
  • Don Rafael Ibarra – Ang ama ni Crisostomo Ibarra na nakainggitan nang labis ni Padre Damaso dahilan sa yaman kung kaya tinawag na erehe.
  • Maria Clara – Ang maganda at mayuming kasintahan ni Crisostomo Ibarra; mutya ng San Diego na anak ni Doña Pia Alba
  • Tiya Isabel – Hipag ni Kapitan Tiyago at Tiya ni Maria Clara na tumulong sa pagpapalaki sa kanya
  • Padre Salvi – Ang kurang pransiskano na pumalit kay Padre Damaso; may lihim na pagtingin kay Maria Clara.
  • Don Pedro – Nuno ni Crisostomo Ibarra
  • Don Saturnino – Ang nuno ni Crisostomo na naging sanhi ng kasawian ng nuno ni Elias
  • Donya Victorina de Espadaña – Ang babaeng nagkukunwaring mestisang Espanyol na may patong-patong na kalorete sa ulo at mali-mali ang pagsasalita ng wikang Espanyol.
  • Alperes – Ang pinakamahigpit na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego.
  • Don Filipo Lino – Ang teniente mayor at puno ng isang Partido na halos liberal; ang tatlumpu’t limang taong gulang na asawa ni Donya Teodora Viña o Doray
  • Pilosopo Tasyo – Ang matalinong matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego
  • Basilio – Nakatatandang anak ni Sisa na isang sacristan at tagatugtog ng kampana sa kumbento. Sinasagisag niya ang mga walang malay at inosente sa lipunan
  • Crispin – Bunsong kapatid ni Basilio na isa ring sacristan at kasama ring tumutugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego
  • Sisa – Ang mapagmahal na ina nina Basilio at Crispin na may asawang pabaya at malupit.