MIDTERM Komunikasyon

Cards (134)

  • Gramatika
    Pangkalahatan at espesyalisadong pag-aaral ng salita mula sa Filipino at mga katutubong wika at pawang may kaugnayan sa linggwistika, aplikadong linggwistika at sosyo-linggwistika
  • Nakatuon din ito sa paglinang at patuluyang pag-aaral ng gramatika sa Filipino at kaugnay nitong mga wika
  • Inaasahang gagampanan nito ang pagbuo ng diksyunaryo, tesauro, tumbasan, ortograpiya, antolohiya, ensayklopidya at iba pang kaugnay na bagay sa paglimbag at elektronikong paraan nang makaagapay sa hinihingi ng panahon
  • Ponema
    Makabuluhang yunit ng tunog na "nakapagpapabago ng kahulugan" kapag ang mga tunog ay pinagsamasama upang makabuo ng mga salita
  • Ponema
    • maestro-maestra
    • abogado-abogada
    • tindero-tindera
    • Angelito-Angelita
  • Uri ng Ponema
    • Ponemang Segmental
    • Ponemang Suprasegmental
  • Ponemang Segmental
    • 15 katinig
    • 5 patinig
    • /ˀ/-pasara/impit na tunog o saglit na pagpigil sa hangin
    • /ŋ/-kumakatawan sa titik na /ng/
  • Ponemang Suprasegmental
    • Tono
    • Diin
    • Antala
  • Tono
    Pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagbigkas ng pantig ng isang salita
  • Tono
    • Ikaw. (may katiyakan)
    • Ikaw? (hindi sigurado/nagtatanong)
  • Diin
    Haba ng bigkas na iniukol sa pantig ng isang salita
  • Antala
    Saglit na pagtigil sa pagsasalita upang lalong maging malinaw at mabisa ang kaisipang ipinahahayag
  • Antala
    • Hindi siya si Jomar // Hindi / siya si Jomar // Hindi siya / si Jomar // Hindi ako ang gumawa. // Hindi / Ako ang gumawa.
  • Morpolohiya
    Pagsusuri sa mga paraan ng pagbuo ng mga salita sa isang wika
  • Morpema/Morfim
    Ang pinakamaliit na yunit ng salita na nagtataglay ng kahulugan
  • Mga Anyong Morpema/Morfim
    • Binubuo ng isang ponema
    • Binubuo ng salitang-ugat
    • Binubuo ng panlapi
  • Morpema na may Kahulugang Leksikal
    Kung ang salita ay pang nilalaman
  • Morpema na may Kahulugang Leksikal
    • Pangngalan: aso, tao, sabon, paaralan, kompyuter, telebisyon, vugi (itlog ng isda, Ibanag); (mosque, Tausug)
    • Panghalip: ako, ikaw, siya, kayo, tayo
    • Pandiwa: mag-aral, kumakanta, naglinis, umawit, linisin, aakyatin, umalis
    • Pang-uri: banal, maligaya, palaaway, balat-sibuyas, marami, makapal, masipag, mapagmahal
    • Pang-abay: kahapon, kanina, doon, diyan, madalas, araw-araw, bukas, madaling araw, takipsilim kami, sila
  • Morpema na Pangkayarian
    Walang kahulugan sa ganang sarili at kailangang makita sa isang kayarian o konteksto upang maging makahulugan
  • Morpema na Pangkayarian
    • Pang-angkop: na, ng
    • Pangatnig: at, o saka, at iba pa
    • Pang-ukol: tungkol sa/kay, ayon sa
    • Pananda: ang, sa, si/sina, ni/nina, kay/kina
  • Diin
    Antas ng lakas ng bigkas ng Salita o bahagi ng salita
  • Tuldik
    Nagpapakita ng higit na gamit ng diin
  • Uri ng Diin
    • Malumay
    • Malumi
    • Mabilis
    • Maragsa
  • Malumay
    Binibigkas ito nang may diin sa ikalawang pantig mula sa huli. Ang mga salitang malumay ay hindi tinutuldikan. Ang ito ay maaring magtapos sa katinig o patinig.
  • Malumay
    • tao, silangan, sarili, nanay
  • Malumi
    Tulad ito ng malumay na may diin sa ikalawa sa hulihang pantig ngunit nagtatapos sa impit na tunog. Laging nagtatapos sa patinig. Ang huling letra ay may tuldik na paiwa (`)
  • Malumi
    • lahì, balità
  • Mabilis
    Binigigkas nang tuloy-tuloy na ang diin ay nasa huling pantig ngunit walang impit sa dulo. Ang mga salitang ito ay ginagamitan ng tuldik na pahilis
  • Mabilis
    • bulaklák, bumilí
  • Maragsa
    Binibigkas nang tuluy-tuloy na ang huling pantig ng salita ay may impit. Ito ay laging nagtatapos sa patinig. Ito ay tinutuldikan ng pakupya (^) na itinatatapat sa huling patinig ng salita. Ito rin ay may impit sa dulo
  • Maragsa
    • yugtô, dugô, butikî
  • Ang morpema ay maaari ring may Kahulugang Leksikal o Pangkayarian
  • Uri ng Pangungusap
    • Payak
    • Tambalan
    • Kumpol
  • Payak na Pangungusap
    Pangungusap na binubuo ng isang diwa lamang. Ito ay maaaring ipakita sa apat na pangungusap ng sinuno at panaguri
  • Payak na Pangungusap
    • Ang kapatid ay mahigpit nilang niyakap.
    • Nagsisi na ang mga mapagmataas.
    • Ang mga lalaki at babae ay nagtutulungan.
    • Masayang nagbibidahan si
  • Pangungusap, uri at kayarian at anyo
  • Isulat sa patlang ang uri ng pangungusap ayon sa gamit
    1. Aray, ang sakit!
    2. Huwag mong saktan ng sisiw.
    3. May hinahanap po akong pugad ng ibon.
    4. Aba, kailangang maibalik natin ito sa tamang panahon.
    5. Aalis ba tau ngayon?
  • Payak na pangungusap
    Pangungusap na binubuo ng isang diwa lamang
  • Uri ng payak na pangungusap
    • Payak na simuno at payak na panaguri (PS - PP)
    • Tambalang simuno at payak na panaguri (TS - PP)
    • Payak na simuno at tambalang panaguri (PS - TP)
    • Tambalang simuno at payak na panaguri (TS - TP)
  • Tukuyin ang uri ng pangungusap ayon sa kayarian
    1. Ang Ate ay naglalaba.
    2. Ako ay sasama kung sasama ka din
    3. Ang bata ay mataba at maganda.
    4. Lumiban sya dahil maysakit ng kanyang Nanay.
    5. Nahuli ako kaya di ako nakapasok kaya umuwi na lang ako.