Kasaysayan ng Dula
Ayon kay Nicanor Tiongson, isang kilalang iskolar ng pelikula at drama sa Pilipinas, mapapangkat sa apat ang mga umusbong na dula sa Pilipinas: (1) ang katutubong dula na karaniwang nakikita sa mga ritwal at mga mimetikong sayaw;
(2) mga dulang impluwensiya ng mga Espanyol gaya ng komedya, senakulo, sarsuwela, maiikling dula, at drama;
(3) mga dulang dinala ng mga Amerikano gaya ng mga dula sa Ingles at mga bodabil;
(4) at mga orihinal na dulang Pilipino