Tinatawag ding Mari Djata, anak ni Haring Maghan Kon Fatta at SogolonKadjou
Isang mahiwagang mangangaso ang humula na ang kanilang anak na lalaki ay magiging isang makapangyarihang pinuno na makahihigit pa kay Dakilang Alexander</b>
Pitong taong gulang na si MaghanSundiata ay hindi pa siya nakalalakad
Namatay si Haring Maghan Kon Fatta kaya ang anak niya sa unang asawa na si Sassouma Berete, na si Dankaran Touma, ang nagmana ng trono ng ama
Pinatapon nila ang mag-ina sa likod ng palasyo
Nang dumating si Balla Fasseke at humiling ng tungkod na bakal, napabulalas si Farakouro, "Dumatal na ba ang dakilang araw?"
Humawak ang dalawang kamay ni Mari Djata sa mga bakal habang nakaluhod. Sa isang marahas na paghila, iwinasiwas ni Djata ang katawan at umangat ang kaniyang tuhod sa lupa.
Buong igting niyang itinuwid ang katawan gamit ang mga paa subalit biglang bumaluktot at nagbagong-anyo ang bakal na hawak, ito'y naging pana!
Bata pa lamang si Sundiata ay mahusay nang mangangaso. Naging matalik niyang kaibigan si Manding Bory, ang anak ng kaniyang ama sa ikatlong asawa.
Nang mabigo ang balak na pag-utas kay Djata nina Sassouma at Dankaran, ipinatapon nila ang mag-anak.
Habang nagbibinata si Sundiata, ang maitim na budhing si Soumaro Kante, isang manggagaway na hari ng kanugnog na kaharian ay nang-aagaw at nananakop ng maraming bayan.
Maraming digmaan ang pinangunahan at pinagtagumpayan ni Sundiata habang patungo sa Sosso. Siya'y naging popular na lider, maraming kawal ang sumapi sa kaniya.
Sumali sina Djatang si Ball Fasseke at Nana Triban, kapatid niyang babae sa ama na nadakip at nakulong sa karsel sa palasyo ni Soumaoro, sa pakikipagdigma ni Sundiata sa gabi ng mismong labanan sa Krina.
Dumating din si Fakoli Korona, pamangkin ni Soumaoro, sa kampo. Dahil sa dinukot ni Soumaoro ang kabiyak niya, sumumpa siyang maghihiganti.
Inilantad ni Nana Triban ang lihim ni Soumaoro, inilihad niya kung paano matitiyak ni Sundiata na magagapi niya ang kalaban sa pagitan ng pagdampi sa balat niya ng tari ng tandang.
Inalis ni Sundiata ang mahiwagang palaso sa pagkakasabit sa dingding. Ito'y tila hindi bakal, waring kahoy, at ang dulo'y ang matalim na tari ng puting tandang na makatatanggal ng tana ni Soumaoro, isang lihim na nailabas ni Nana Triban sa Sosso.
Nang madamplisan si Haring Soumaro sa balikat ng pana ay sumigaw ito nang ubod –lakas napalingon ang kaniyang kabayo at siya'y tumalilis.
Nakita ng mga Sosso ang kanilang hari siya'y kanilang pinarisan, at mabilis ding tumakas.
Nang nakumpleto ang hukbo ni Sundiata, sila'y nagmartsa sa direksiyon ng Sosso ng lungsod ni Soumaoro, ang lungsod ng mga dalubhasang panday sa paghawak ng sibat.
Pinasok nina Sundiata ang tore ni Soumaoro. Alam ng griot ang pasikot-sikot at kasuluk-sulukan ng palasyo mula sa kaniyang alaala nang siya'y mabihag, itinuro niya kay Sundiata ang maharlikang silid-tulugan.
Nang buksan ni Balla Faseke ang pinto ng silid, natuklasan nilang nag-iba ang anyo nito buhat nang matamaan ng mortal na palaso ang nagmamay-ari ng silid na nawalan ng kapangyarihan.
Sinamsam ni Sundiata ang mga anting-anting ni Soumaoro at marahas na tinipon ang lahat ng asawa't mga prinsesa ng kaharian. Itinali ang lahat ng mga bilanggo at sama-samang pinastol.
Ayon sa kagustuhan ni Sundiata, napasakanya ang Sosso nang araw na iyon.
Nang makalabas ang lahat, inatas ni Djata ang ganap na paggunaw sa Sosso. Sinunog ang mga kabahayan, walang itinira at ginamit ang mga preso sa pagtibag sa mga pader.
Tama, ang Sosso ay naging alikabok at humalo sa lupa, ang matayog na lungsod ni Soumaoro na dating niyuyukuran ng mga hari. Ito ay naging nangungulilang parang, ang Sosso ay tahanan ngayon ng mga naliligaw na hayop.
Matapos lamunin ng lupa ang lungsod ni Soumaoro, ang mundo'y walang kinilalang panginoon kundi si...Sundiata.