III. Kampong at Sultanato (Pagdating ng Islam sa Pilipinas)

Cards (17)

  • Ang kampong o pangampong ay isang moog o kuta na napapaligiran ng mga sandatang lantaka o maliliit na kanyon
  • Bago dumating ang Islam, ang tribung Tausug ay nakapagtatag ng isang malakas na pamayanan dahil sa istratehikong lugar nito na madaling makontrol ang komersyo ng mga Intsik.
  • Nagmula ang mga Tausug sa rehiyon ng Butuan-Surigao na lunduyan ng mga ng mga tribung Caraga.
  • Malakas na rin ang Islam sa Tsina sa panahon ng Dinastiyang Sung (960-1280) bago dumating ang mga misyonerong Arabe sa Sulu kaya posible nakilala na ng mga taga-Sulu ang mga muslim sa Timog Tsina sa panahong ito.
  • Sa Islam, iisa ang pamahalaang pulitikal at pamunong relihiyoso.

    Bawat sultan ay kinilalang:
    • kapalit at inapo ni Propeta Mohammad at
    • tagapagpatuloy ng tradisyon bilang kinatawan ni Allah (Diyos) sa lupa.
  • Kamalayan sa pandaigdig na komunidad o Umah - ito ay pagkakaisang ispirituwal na hindi nagbibigay halaga sa pagkakaiba ng kasarian, kulay ng balat, at uri ng lipuna
  • adat - katutubong kaugalian o kinagisnang paniniwala na hindi taliwas sa pagiging Muslim.
  • Sa pagsanib ng Islam sa institusiyong pampulitikal ng pangampong ay nagkaron ng mga pagbabago sa kamalayan ng pinuno at pinamunuan. Samakatuwid, naging instrumento ng produksyon at pagsasamantala ang katungkulan ng sultan.
  • Kampong at Sultanato
    • Bago ang pagdating ng mga Kastila, ang Mindanao ay pinamumunuan nila
    • Ito ay mga sinaunang pamayanan na matatagpuan malapit sa mga ilog at kagubatan sapagkat kanilang naipagtanto na makapagbibigay ito ng mga kasangkapan at kagamitan para mabuhay sa kanilang kapaligiran
  • Bilang mga tradisyunal at sinaunang pamayanan sa Mindanao, ang mga Kampong at mga Sultanato ay iilan lamang sa mga nanirahang Muslim na binubuo ng mahigit kumulang isang daang pamilya na pinamumunuan ng isang hari o datu
  • Para naman sa pamahalaan, ang mga Sultanato ay pinamumunuan ng isang indibidwal na tinatawag na Sultan.

    Ang unang sultan sa Pilipinas ay si Abu Bakr o mas kilala bilang si Sharif ul-Hashim na nagtatag ng sultanato ng Sulu.

    Siya ang bumalangkas ng unang kodigo ng batas na tinatawag na Diwan na ginamit ang Qu’ran bilang batayan sa batas lipunan.

    Ang saklaw ng isang sultan ay maihahalintulad sa mga responsibilidad sa isang pangulo sa ating kasalukuyang panahon, ngutin ang sistema ng demokrasya ay hindi kasing halata o nakikita sa ganitong pamumuno
  • Para naman sa sosyo-ekonomikong estado sa pamayanang sultanato at kampong, agrikultura at pangingisda ang pangunahing pinagkukuhaan ng makakain.
  • 1280 M.K. - Islamisayon ng arkipelago
  • Islam - nagsilbi bilang relihiyon at uri ng pamumuhay ng mga pamayanang Kampong at Sultanato
  • Arabo - wika ng relihiyong Islam
  • Islam - bilang batayan ng batas at pulitika; hal. pagtatag ng Kampong bilang pamayanang Muslim/Sultanato.
  • Sultanato ng Sulu at Maguindanao- pangunahing komunidad na Muslim sa pamumuno ng Sultan (pinuno ng relihiyon at estado).