Francisco "BALAGTAS" Baltazar-_ ipinanganak noong ika-2 ng Abril, 1788 sa Panginay, Bigaa, Bulacan.
Ang kanyang Ama ay si Juan Baltazar at ang kanyang Ina naman ay si Juana Dela Cruz.
Namatay siya noong ika-20 ng pebrero 1862 sa gulang na 74
Kiko ang kanyangpalayaw
Musmos pa lamang ay nakitaan na siya ng talino at sipag sa pag-aaral. Subalit dahil sa kahirapan kinakailangan niyang manilbihan bilang isang utusan sa Tondo, Maynila. Ang kapalit ng kanyang paninilbihan kay Donya Trinidad ay ang oag-aaral nito sakanya.
Pinag aral siya sa Colegio de San Jose at dito siya naka pag tapos ng Grammatica Costellana, Gramatica Latina, Georafia Y Fisica at Doctrina Christiana
Naging bukambibig ang pangalan ni Kiko sa larangan ng pag bibigkas ng tula at naging makulay ang kanyang pag bibinata at maging bantog na makata
Ang pangyayaring ito ay nag tulak kay Balagtas uoang mag sulat pa ng mga magagandang tula, sa Tondo,Maynila lumipat si Balagtas sa Pandacan kung saan dito niya nakilala si "Selya" o Maria Asuncion Rivera sa tunay na buhay.
napaibig niya ang dalaga at naging magkasintahan ang dalawa.
Subalit nagkaroon siya ng mahigpit na katunggali sa oag ibig ng dalaga sa katauhan na si "Nanong" o Mariano Kapule.
Si Mariano Kapule ay galing sa makapangyarihan at may kayang pamilya.
Dahil sa ayaw na ni Mariano makita ang panunuyo ni Balagtas kay Selya ay ipakulong niya ito.
Pinaniniwalaang dahil sa kabiguan ay naisulat niya ang obra ng "FLORANTE AT LAURA"
Bagama't may nagsasabing natapos niya ito sa Udyong, Bulacan, sa lalawiganing ito kung saan siya nanirahan pag katapos ng kanyang pagka bilanggo at dito niya rin nakilala ang babaeng iniharap niya sa dambana, si Juana Tiambeng.
Sa edad na 54 ay ikinasal si Balagtas kay Juana Tiambeng na 23 na gulang sa kabila ng pagtutol ng mga magulang ng dalaga dahil sa laki ng agwat ng kanilang edad.
nakulong ulit si balagtas dahil sa ginupitan niya ng buhok ang babaeng utusan ni Alferez Lucas
Sinulat ang Florante at Laura sa taong 1836, panahon ng pananakop ng mga espanyol sa bansa.
mahigpit na ipinagbabawal ang mga babasahin at palabas na tumitiligsa sa pagmamalabis at kalupitan ng mga espanyol.
Dahil sa pag kontrol ng mga espanyol, ang mga aklat na nalimbag sa panahong ito ay karaniwang patungkol sa relihiyon o paglalaban ng mga Moro at Kristiyano na kilala ring komedya o moro-moro, pati ring mga diksyunaryo at aklat na pang gramatika
Ang kanyang pag tutuligsa sa mga espanyol ay naitago niya sa pamamagitan ng alegorya.
gumamit rin siya ng simbolismong kakikitaan ng pailalim ng diwa ng nasyonalismo.
Maisasalamin sa akda ang tinutukoy ni Lope K. Santos ang apat na himagsik na nag hari sa puso't isipan ni Balagtas.
ANG HIMAGSIK LABAN SA MALUPIT NA PAMAHALAAN.
ANG HIMAGSIK LABAN SA HIDWAANGPANANAMPALATAYA
ANG HIMAGSIK LABAN MGAMALINGKAUGALIAN
ANG HIMAGSIK LABAN SA MABABANG URI NG PANITIKAN.
Ang FLORANTE AT LAURA ay nag bukas ng landas para sa panulaang tagalog noong ika-19 na dantaon.
inialay niya kay "Selya", ang babaeng minahal niya ng labis at pinagmulan ng kanyang malaking kabiguan.
Ang awit na FLORANTE AT LAURA ay nag gabay at nag turo ng maraming bagay sa mga pilipino tulad ng:
WASTONG PAGPAPALAKI SA ANAK.
PAGIGING MABUTING MAGULANG
PAGMAMAHAL AT PAGMAMALASAKIT SA BAYAN
PAGIGING MAINGAT SA MGA TAONG MAPAG PANGGAP O MAPAG KUNWARI AT MAKASARILI
PAGPAPAALALA SA MADLA NA MAGING MAINGAT SA PAG PILI NG PINUNO SAPAGKAT NAPAKA LAKI NG PANGANIB ANG DULOT NITO SA BAYAN, ANG PINUNONG SAKIM AT MAPAG HANGAD NA YAMAB
Si Dr. Jose Rizal ang nagdala ng kopya ng FLORANTE AT LAURA habang sila'y naglalakbay sa europa at ito rin ang kanyang inspirasyon sa pag sulat ng noli me tangerr
Ang orihinal na pamagat ng FLORANTE AT LAURA ay "Ang Pinagdaanang Buhay nina Florante At Laura Kinuha sa Madlang Historico o Pinturang Nagsasabi sa mga nangyari nang unang panahon sa imperio ng grecia at tinula ng isang matuwain sa bersong tagalog"
Duke briseo- butihing Ama ni Florante at taga payo ni Haring Linceo.
Prinsesa Floresca- mapagmahal na ina ni Florante
anak ng hari ng krotona
Asawa ni Duke Briseo
Maaga niyang naulil si Florante habang silay nag aaral pa lamang sa atenas
Florante- magiting na hereral ng kaharian ng Albanya na nag pabagsak sa 17 na kaharian bago pa man siya nalinlang ni Adolfo at naipatapon sa gubat.
anak nina Prinsesa Floresca at Duke Briseo
Laura- anak ni haring linceo
siya'y magandang dalaga na hinangaan at hinahangad ng naraming kalalakihan tulad nina Adolfo at Emir subalit ang kanyang pag ibig ay nananatiling laan para kay Florante.
Menandro- butihing kaibigan ni Florante habang sila'y nag aaral pa lamang sa Atenas.
Naka pag ligtas ni Florante at naging kanang kamay niya sa digmaan.
Antenor- butihing guro nina Florante, Menandro at Adolfo habng sila'y nag aaral pa lamang sa Atenas.
Siya ang nag gabay at nag turo ng maraming bagay kay Florante.
Konde Adolfo- isang taksil at nagingkalabangmortal ni Florante nang mahigitan nito sa husay at popularidad habang sila'y nag aaral pa lamang sa Atenas.
Inagaw ang kahariang Albanya.
Siyarinat nag papatay kina Haring Linceo at DukeBriseo
Nag pahirap kay Florante
At angnag agaw kay Laura
Menalipo- pinsan ni Florante. Siya ang nag ligtas sa buhay ni Florante sa isang buwitre nang siya'y sanggol pa lamanglamang.
Konde Sileno- ama ni Adolfo na taga Albanya
Heneral Osmalik- angmagiting na Heneral ng Persia na namuno sa pananakop ng Krotona.
ngunit natalo at napatay ni Florante.
Heneral Miramolin- ang heneral ng Turkiyang namuno sa pananakop ng Albanya.
ngunit NALUPIG ni Florante at ng kanyang hukbo.
Sultan Ali-adab- ang MALUPIT na ama ni Aladin at siya ring naging kaagaw niya sa kasintahang si Flerida.
Emir- gobernador ng mga moro na nagtangka kay Laura subalit tinanggihan at sinampal sa mukha ng dalaga.
humatol na putilin ang ulo ng dalaga subalit naligtas dahil sa maagap na pag dating ni Florante