Q4L1

Cards (21)

  • Neokolonyalismo
    Ang di tuwirang pananakop sa isang bansang malaya na may mahinang ekonomiya na umaasa sa isang makapangyarihang bansa
  • Ang mga bansang kabilang sa Third World ang madalas na nakararanas ng neokolonyalismo dahil sa pagkakaroon ng mahinang ekonomiya
  • Makikita ang neokolonyalismo sa patuloy na pag-asa ng mahihinang bansa sa mga bansang kabilang sa First World o mga bansang may maunlad na ekonomiya at industriya
  • Globalisasyon ng edukasyon
    Maaaring mapaunlad ang kaalaman ng mga bansa sa ibat ibang larangan sa pamamagitan ng pagpapalitan ng iskolar at iba pang paraan
  • Napipilitan ang mga tagapamahala sa mga pamantasan na makipag-ugnayan sa mga Kanluraning bansa kung saan magmumulaang kanilang mga libro at kagamitan, dahil sa kakulangan sa pondo ay dayuhang ahensiya ang namamahala sa mga pasilidad ng mga unibersidad
  • Sa pamamagitan ng globalisasyon ng edukasyon, nagtatagumpay na maisakatuparan ng Kanluraning bansa ang kaniyang layunin na maisaayos ang mga kurso at di-maisakatuparan ng bansang tinutulungan ang kanilang sariling kurikulum
  • Kapansin-pansin na naging mas malaki ang kapital ng mga kompanyang Amerikano sa India noong 1992 at 1993 kaysa sa India noong nakaraang 40 taon
  • Nag-unahan ang mga Kanluraning bansa na masakop ang mga bansa sa Kanlurang Asya nang matuklasan ang langis sa rehiyon
  • Kabilang ang mga Arabong bansa sa pangunguna ng Saudi Arabia, Iraq, Kuwait sa mga bansa na may hawak ng malaking reserba ng langis sa daigdig
  • Kabilang din ang tatlong bansang ito sa OPEC na siyang nagkokontrol ng presyo ng langis sa pandaigdigang kalakalan
  • Neokolonyalismong Politikal
    Sa pamamagitan ng tahimik na paraan, nagagawa ng makapangyarihang bansa na kontrolin ang pamamahala sa mga bansang mahihina
  • Nagagawang tumulong ng mga Kanluraning bansa sa kanilang mga dating kolonya kung ito ay nanganganib na sakupin o lusubin ng ibang bansa
  • Tulad ng pagtulong ng Estados Unidos sa Kuwait nang lusubin ito ng bansang Iraq
  • Neokolonyalismong Kultural
    Patakaran ng makapangyarihang bansa na palaganapin sa mahihinang mga bansa ang kanilang kultura o paraan ng pamumuhay
  • Paraan ng pamumuhay sa Asya
    • Pananamit
    • Estilo ng buhok
    • Pagkain
    • Sayaw
    • Pagdiriwang
    • Libangan
  • Naganap sa India ang anyong ito ng Neokolonyalismo sa pamamagitan ng mga British
  • Ibinatay sa sistemang British ang edukasyon sa India at wikang Ingles ang ginamit sa pagtuturo upang ang mga Indian ay maging mahusay na manggagawa at kawani ng kanilang pamahalaang kolonyal
  • Madalas ay nangungutang ng salapi ang mga dating kolonyang bansa sa International Monetary Fund at World Bank
  • Paraan ng pamumuhay sa Asya
    • Pananamit
    • Estilo ng buhok
    • Pagkain
    • Sayaw
    • Pagdiriwang
    • Libangan
  • Epekto ng Neokolonyalismo sa mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya

    • Madalas ay nangungutang ng salapi ang mga dating kolonyang bansa sa International Monetary Fund at World Bank
    • Nababalewala ang mga kurikulum na dapat sundin sa edukasyon ng mahihirap na bansa dahil sa patuloy na pagsunod sa sistema ng edukasyon sa Kanluran
    • May mga pandaigdigang sistema sa ekonomiya ang hindi nakakatulong sa pag-unlad ng mga ito
    • May mga pandaigdigang kompanya ang nagbibigay ng mga patakaran sa papaunlad na bansa
    • Ang liberalisasyon ng ekonomiya sa daigdig sa kasalukuyan ay nagbigay-daan sa pagbubukas ng mga pamilihan ng papaunlad na mga bansa na wala namang maitutumbas sa malayang pagpasok ng teknolohiya ng mauunlad na bansa
    • Pinakikialaman din ng International Monetary Fund at World Bank ang pera ng mga bansa sa Ikatlong Daigdig upang pambayad sa mga utang panlabas na nagiging dahilan ng kabawasan sa pagpapaunlad sana ng kanilang agrikultura
  • Tugon sa Neokolonyalismo ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya
    • Sa kabila ng pagtatapos ng kolonyalismo at imperyalismo sa huling bahagi ng ika-20 dantaon ay patuloy pa rin ang pagpasok ng impluwensiya ng mga Kanluraning bansa sa Asya
    • Pangunahing dahilan nito ay ang makabago at tahimik na paraan ng pananakop na tinatawag na Neokolonyalismo
    • Halimbawa nito ay ang itinuturing ng mga Israeli na terorista, ang Palestinian Liberation Organization na dating pinamunuan ni YASSER ARAFAT na kinikilala naman ng mga Arabe na taga-Palestina bilang isang makabayang samahan
    • Nananatili naman sa bansang India ang paggamit ng wikang Ingles, patuloy na paglalaro ng cricket at badminton
    • Maraming bansang Asyano sa kasalukuyan ang nagsisikap na makatayo sa kanilang sariling mga paa at hindi na masyadong umaasa sa mga makapangyarihan at maimpluwensiyang mga bansa
    • Nagsilbing hamon din sa kanila na kaya nilang matumbasan ang anumang kaunlaran mayroon ang mga makapangyarihang bansa