Ang mga pagbabagong ito ay naghudyat sa simula ng bagong panahon na tinatawag na kasaysayan na Renaissance.
Ang Renaissance ay mula sa salitang Pranses na nangangahulugang "muling pagsilang."
Ang Renaissance ang panahong tumutukoy sa muling pagsibol ng mga pagbabagong kultural.
Ang Renaissance and muling pinanumbalik ang kagalingan ng tao at tinularan ang pamumuhay at kultura ng mga sinaunang kabihasnan ng Greece at Roma.
Ang Renaissance ay umiral mula ika-14 hanggang ika-16 siglo.
Ang Renaissance ay isang panahon na ang interes sa kalikasan ng mga mamamayan ay muling nabuhay.
Nagsilbi ring insiprasyon ang panahong ito sa mga mangangalakal.
Nakilala ang mga tao na may kakayahan sa iba't-ibang larangan ng sining, siyensiya, at pamamahala.
Angdiwa ng Renaissance ay nagbigay ng kalayaang intelektuwal, na nagsilbing tuntugan sa pagpasok ng sumunod na panahon.
Nag-umpisa ang Renaissance. sa lungsod ng Florence sa Italy.
Ang pinakasikat na mga pintor, eskultor, arkitekto, at manunulat ay nagmula sa lugar na ito.
Ang pamilya Medici, na siyang naghari noong sa Florence, ay tumulong upang ang lungsod ay maging isa sa pinakamagandang lugar sa Europe.
Ang Renaissance ay nagsimula noong 1350CE sa mga hilagang lungsod-estado ng Italy.
Narating ng Renaissance ang rurok ng katanyagan noong 1500CE.
Isinilang sa Italy ang Renaissance.
Ang mga lungsod-estado sa Italy ang nagdomina sa daanang kalakalan sa pagitan ng Silangan at Kanlurang Europe at sa pagitan ng Europe at North Asia.
Nasa estratehikong lokasyon ang Italy.
Ang mahahalagang produkto na pumapasok sa Europe sa panahong ito ay mga pampalasa tulad ng paminta, luya, cloves, cinnamon, at mga alahas.
Ang lumalaking kalakal ay nagdulot ng panibagong yaman sa mga lungsod tulad ng Venice, Florence, Milan, at Genoa.
Sa apat na lungsod na nabanggit, ang Venice ang tinaguriang "Reyna ng Adriatiko."
Ang kapangyarihan ng Venice ay ang kaniyang lokasyon.
Matatgpuan ang Venice sa ruta ng kalakalang silangan at kanluran ng dagat.
Pagsapit ng ika-15 siglo, ang mga mangangalakal na Venetian ay nakagawa na ng 3,000 barko at nakontrol na ang halos kalahati ng kalakal sa Adriatiko at Eastern Mediterranean.