Sa Artikulo IV, Seksyon 1- 5 ng 1987 Konstitusyon, nakasaad ang mga itinatakda ng batas hinggil sa kung sino ang itinuturing na mamamayang Pilipino.
Ayon kay Murray Clark Havens (1981), ang pagkamamamayan o citizenship ay ugnayan ng isang indibiduwal sa isang estado. Ito ay tumutukoy sa pagiging miyembro ng isang indibiduwal sa isang estado at kabilang siya bilang isang citizen, siya ay gumagawa ng karapatan at tungkulin. Sa Pilipinas, ang pagkamamamayan ay may mga batayan at ito ay nakapaloob sa Saligang Batas ng Pilipinas. Dito rin nakapaloob ang mga tungkulin at karapatan ng bawat mamamayang Pilipino.
SEKSYON 1. Ang sumusunod ay ang mamamayan ng Pilipinas:
(1) Ang mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng Saligang Batas na ito;
(2) Ang mga ama o ina ay mamamayan ng Pilipinas;
(3) Ang mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang ina ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit ng karampatang gulang; at
(4) Ang naging mamamayan ayon sa batas.
SEKSYON 2. Ang katutubong inanak na mamamayan ay ang mamamayan ng Pilipinas mula pa sa pagkasilang na wala nang kinakailangang gampanan ano mang hakbangin upang matamo o malubos ang kanilang pagkamamayang Pilipino.
SEKSYON 3. Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala o muling matamo sa paraang itinatadhana ng batas.
SEKSYON 4. Mananatiling angkin ang pagkamamamayan ng mga mamamayan ng Pilipinas na mag-asawa ng mga dayuhan, matangi kung sa kanilang kagagawan o pagkukulang, sila ay ituturing sa ilalim ng batas na nagtakwil ito.
SEKSYON 5. Ang dalawahang katapatan ng pagkamamamayan ay salungat sa kapakanang pambansa at dapat lapatan nang kaukulang batas.
Jus Sanguinis
Naaayon sa dugo o pagkamamamayan ng mga magulang o isa man sa kanila
Ito ang prinsipyo na sinusunod sa Pilipinas
Jus Soli
Ang prinsipyo na naaayon sa lugar ng kanyang kapanganakan anuman ang pagkamamamayan ng mga magulang
Ito ang prinsipyo na sinusunod sa bansang Amerika
Alinsunod Seksyon 3 ng Saligang Batas, ang pagkamamamayan ng isang indibiduwal ay maaaring mawala ngunit ito ay maaaring maibalik
Balidong sanhi ng pagkawala ng pagkamamamayan ng isang Pilipino
Naturalisasyon sa ibang bansa
Expatriation o kusang pagtalikod sa pagkamamamayan
Panunumpa ng katapatan ng Saligang Batas ng mga banyaga pagsapit ng 10-20 taon
Paglilingkod sa hukbong sandatahan ng ibang bansa
Pag-aasawa ng dayuhan at pagsunod sa pagkamamamayan nito
Naturalisasyon
Paraan ng pagtanggap ng bansa sa isang dayuhan at pagkakaloob sa kanya ng karapatang tinatanggap ng mga mamamayan. Maaari itong makamit sa pamamagitan ng hatol ng hukuman o batas ng Kongreso. Ang mga mamamayan na sumailalim sa bisa ng naturalisasyon ay tinatawag na naturalisado.
Repatriation
Ang tawag sa kusang pagbabalik ng isang tao sa kanyang pinanggalingang bansa pagkatapos na mabawi ang kanilang pagkamamamayan.
Aksyon ng Kongreso
Pagtugon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ukol sa aplikasyon para maging isang mamamayang Pilipino.
Pagpapatawad ng gobyerno sa isang tumakas sa Sandatahang Lakas ng bansa
Ang paraang ito ay kadalasang para sa mga sundalo na nagsilbi sa pamahalaan ngunit tumakas habang sila'y nasa tungkulin lalo na sa panahon ng digmaan kaya nabawi ang pagkamamamayang Pilipino mula sa kanila.
National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) – tagabantay sa panahon ng halalan na naorganisa noong 1983. Ito ang kauna-unahang organisasyon na sumubaybay sa eleksyon na kinilala ng Commission on Elections(COMELEC) para magsagawa ng quickcount noong 1984 at mayroon na itong libu-libong miyembro na nagbubuluntaryo mula sa ibat’t ibang sektor.
2. Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) – nabuo noong 1991 sa pamumuno ng mga pari sa pangunguna ni Archbishop Jaime Cardinal Sin bilang tugon sa tawag ng pagtulong ng simbahan sa panahon ng eleksyon.
MAKABANSA Isa sa mga katangian na dapat taglayin ng isang aktibong mamamayan ang pagiging makabansa. Tungkulin ng bawat isa sa atin na sikaping isulong ang pagtutulungan, pagbubuklod-buklod, at pagkakaisa.
Tapat sa Bansa Nangangahulugan ito na handa tayong magmalasakit at maglingkod para sa bansa sa anumang oras kung may magnanais na pabagsakin ito. Kaakibat ng tiwala at pananalig sa republika ay ang paggalang sa ating pambansang sagisag tulad ng ating watawat.
o ang itinatakda ng Konstitusyon partikular na sa Artikulo XVI, Seksyon 1: “Ang bandila ng Pilipinas ay dapat na pula, at bughaw, na may isang araw at tatlong bituin, na dinadakila at iginagalang ng sambayanan at kinikilala ng batas.”
b. Handang Ipagtanggol ang Estado Ang kahandaang ipagtanggol ang estado tulad ng ginawa ng ating mga bayani ay pagpapakita rin ng pagiging makabayan. Sa lahat ng pagkakataon, bilang isang mapanagutang mamamayan, tayo ay dapat na handang magtanggol sa ating bansa.
c. Sinusunod ang Saligang Batas at iba pang mga batas ng Pilipinas Nararapat na sundin ng bawat mamamayan ang Saligang Batas at ang iba pang batas ng bansa. Ang hindi paggalang sa batas ay nagdudulot ng kaguluhan sa lipunan. Inaalis nito ang katahimikan, kaayusan, at seguridad ng bawat isa at hinahadlangan nito ang pag-unlad
d. Nakikipagtulungan sa Gobyerno Ang bawat mamamayan ay kailangang makipagtulungan sa may kapangyarihan upang mapanatili ang kaayusan at mapangalagaan ang katarungan ng ating lipunan.
e. Pagtangkilik sa Sariling Produkto Kung ang bawat Pilipino ay prayoridad na bilhin ang produktong gawa ng mga Pilipino, makakatulong ito sa paglago ng ekonomiya ng ating bansa. Ang pagtaas ng demand ng produktong gawa ng Pilipino ay nangangahulugang tataas din ang kita ng mga prodyuser at tataas ang babayarang buwis na siyang ginagamit ng pamahalaan para pondohan ang mga programa at proyektong panlipunan.
f. Pagbabayanihan sa Panahon ng Kalamidad at mga Suliranin na ating Kinakaharap Ang ating bansa ay madalas na tamaan ng bagyo dahil sa ang lokasyon nito ay matatagpuan sa tinatawag na typhoon belt. Kaya naman taon-taon ay hindi tayo nakaiiwas sa pinsalang dulot ng kalamidad na ito sa ating bansa.
2. MAKATAO Bawat tao ay may karapatan na dapat igalang at protektahan. Bilang mamamayan, may kalayaan tayong gamitin ang bawat karapatan ngunit dapat nating tandaan na ang bawat karapatan ay may kalakip na pananagutan at tungkulin na igalang din ang mga karapatan ng iba.
3. PRODUKTIBO Ang aktibong mamamayan ay nagtatrabaho o gumagawa sa malinis na paraan. Ginagampanan nito ang kanyang tungkulin nang mahusay, may buong katapatan, at pagkukusa. Ang pagiging matiyaga at masipag sa paggawa ay ugali na nating mga Pilipino noon pa man. Ito ay ipinakita sa atin ng ating mga ninuno na Ifugaoeňo sa pagkakagawa ng Banaue Rice Terraces.
4. MAY LAKAS NG LOOB AT TIWALA SA SARILI Ang katangian na pagiging matatag, at may tibay ng loob ay ipinamalas ng ating mga bayani sa paglaban sa mga mananakop na Kastila, Amerikano, at Hapones upang lumaya ang bansa mula sa kamay ng mga mapanlupig na dayuhan. Katatagan din ng loob ang ipinamamalas ng mga manggagawang Pilipino na nangingibang bansa upang doon maghanapbuhay.
5. MAKATUWIRAN Isinasaalang-alang ang kapakanan ng nakararami kaysa sa pansariling interes. Ang makabayan mamamayan ay kumikilos nang naaayon sa isinasaad ng batas at pinahahalagahan kung ano ang tama.
6. MATULUNGIN SA KAPWA Likas na sa mga Pilipino ang pagtulong sa kapwa. Tayo ay likas na mapagkawang-gawa lalong lalo na sa mga kapus-palad at dumaranas ng hirap sa buhay. Madalas na nakikita rin ang pagiging matulungin nating mga Pilipino sa panahon ng mga kalamidad, sakuna, aksidente, at pagdadalamhati.
7. MAKASANDAIGDIGAN Ang makasandaigdigang mamamayan ay mamamayan ng kanyang bayan at gayundin sa buong mundo. Palagi nitong isinasaalang - alang ang kapakanan ng kanyang bansa at ng mundo sa pangkalahatan.