Francisco Balagtas

Cards (22)

  • Ilan sa mga akda ni Francisco Balagtas:
    Orosman at Zafira (1860) (komedya na may apat na bahagi)
    Hatol Hari Kaya (kundiman)
    Parangal sa Isang Binibining Ikakasal (tula)
    Paalam sa Iyo (awit)
    Rodolfo at Rosamunda (komedya)
    Pagpupuri kay Isabel II, Reyna sa España (tula)
  • Si Francisco Balagtas Baltazar ay isang kilalang Pilipinong makata at may akda. Siya ay kinikilala bilang "Prinsipe ng Manunulang Tagalog" o Ama ng Balagtasan Ang kanyang palayaw ay "Kiko".
  • Isinilang ang makatang si Francisco Balagtas noong ika 2 ng Abril taong 1788 sa Panginay, Bigaa ( Bulacan).
  • Itinuturing na William Shakespeare ng Pilipinas para sa kanyang kontribusyon at impluwensya sa panitikang Pilipino.
  • Si Kiko, bunso sa apat na anak nina Juana dela Cruz isang maybahay, at Juan Baltazar isang panday. Ang kanyang mga kapatid ay sina Nicolasa, Felipe at Concha. Noong siya ay nasa edad na upang mag-aral, ipinadala siya ng ina sa isang kamag anak sa Tondo, Maynila.
  • Labing-isang taon si Kiko nang lumuwas upang mamasu-kan bilang utusan kay Doña Trinidad, dahil sa kasipagan at mabuting paglilingkod kaya pinag-aral siya sa Colegio de San Jose. Ang mga asignaturang pinag-aral ay Gramatika, Latin, Kastila, Doctrina Christiana at Batas sa Canones.
  • Nagtapos ng pag-aaral sa Colegio de San Juan de Letran. Ang kanyang mga asignaturang pinag-aralan ay Teolohiya, Humanidades at Pilosopiya, naging guro niya si Padre Mariano Pilapil.
  • Si Jose dela Cruz (Huseng Sisiw)

    Isang bantog na makata at mandudulang Tagalog sa Tondo
  • Natuto si Balagtas na sumulat at bumigkas ng tula sa kanya
  • Nagsilbing hamon kay Balagtas
    Dahil hindi tumulong si Jode dela Cruz sa pag-aayos ng tula sa kadahilanan na wala siyang dalang sisiw na ipambabayad
  • Namayagpag sa larangan ng panulaan si Balagtas
  • Dito niya nakilala si Selya o Maria Asuncion Rivera
  • Karibal niya sa pag-ibig si Mariano "Nanong" Capule, isang mayaman at makapangyarihang pamilya
  • Ipinabilanggo niya si Balagtas upang hindi siya makahadlang sa panunuyo sa dalaga
  • Pin-aniniwalaang dahil sa kabiguan ay naisulat niya sa loob ng bilangguan ang obrang Florante at Laura
  • Sa Udyong, Bataan nanirahan si Balagtas matapos makalaya
  • Ikinasal siya sa edad na 54
  • Nagkaroon sila ng 11 anak
  • Balagtas
    Humawak ng matataas na tungkulin sa Bataan tulad ng Tagapagsalin at Tinyente Mayor
  • Bumalik si Balagtas sa bilangguan sa lalawigan ng Bataan dahil sa paratang na pinutulan niya ng buhok ang isang babaeng utusan
  • Lumaban si Balagtas sa kaso at naubos ang kanyang kayamanan sa pag apela
  • Ipinagpatuloy pa rin ni Balagtas ang pagsulat hanggang bawian siya ng buhay noong Ika 20 ng Pebrero taong 1860 sa gulang na 74