Pananaliksik

Subdecks (1)

Cards (119)

  • Pananaliksik
    • Sistematiko
    • Matalino
    • Etikal
  • Sistematiko
    Pagsunod sa isang proseso - sumusunod sa mga hakbang upang matiyak na maasahan at tama ng resultang nakalap at naayon sa oras na hinihingi. Sistematikong pagkalap ng datos upang malunasan ang isang problema o masagot ang isang tanong.
  • Matalino
    • Naiintindihan dapat ang paksang sasaliksikin
    • Alam kung paano pipiliin ang mga impormasyong pakikinabangan
    • Kayang ipaliwanag ang kabuluhan ng pananaliksik
  • Etikal
    • Kinakailangang panatilihin ang Katapatan sa buong proseso
    • Iwasan ang paglabag sa karapatan ng ibang tao na sangkot sa pananaliksik, gaya ng: respondente at awtor ng mga sangguniang gagamitin.
  • Pananaliksik - makaagham na pagkuha at pangangalap ng mga tala upang masubok ang isang teorya nang sa gayon ay malutas ang isang suliranin.
  • Pananaliksik ay isang sestimatiko, kontrolado, emperikal at kritikal ng mga proposisyong hypotetikal.
  • Pananaliksik ay may katangiang pananagutan ng mananaliksik.
  • Mga Detalyadong Hakbang sa Pagsasagawa ng Papel-Pananaliksik
    • Paksa
    • Pamagat
    • Balangkas Teoritikal
    • Balangkas Konseptuwal
    • Suliranin ng Pananaliksik, Puwang ng Pananaliksik, Posibleng Kontribusyon, Pangangailangan, Kaugnayan
    • Desinyo ng Pananaliksik
    • Instrumento ng Pananaliksik
    • Estadistikang Ginamit
    • Pag-analisa ng mga Datos at Pagpapakahulugan ng mga Natuklasan
    • Mga Kongklusyon
    • Rekomendasyon
    • Pagpapakalat (Presentasyon/Paglalahad, Paglalathala)
    • Paggamit
    • Mga Layunin ng Pananaliksik
  • Paksa
    • Malapad ngunit mababaw - marami kang maaaring sabihin dahil sa lawak ng nasasakupan nito kaya lang may malaking posibilidad na maging mababaw ang pagtalakay dahil wala itong tiyak na patutunguhan
    • Makitid ngunit malalim - nilimitahan dahil espisipiko, higit na may lalim ang pagtalakay sapagkat tiyak ang pagtutuunan ng pansin at tatalakayin.
  • Pamagat
    • Mag-isip ng pares na paksa na mayroong sanhi - bunga ng kaugnayan. Hal: Pag-unawa ng mga Ma-aaral sa Pananaliksik at Kahandaan ng mga Mag-aaral sa Paggawa ng Pananaliksik
    • Malayang Baryabol (X) at Di Malayang Baryabol (Y), Mga Respondente ng Pag-aaral, Lokal ng Pananaliksik
  • Pagbuo ng Pamagat ng Pananaliksik na may Isang Instrumento: Pananaw sa Paggamit ng Pagpapalit-koda sa Pakikipagtalastasan sa Wikang Filipino ng mga Mag-aaral sa Baitang 10-11 ng St. Peter's College of Toril, Inc.
  • Paksa
    • Pagpapalit-koda at Pakikipagtalastasan
  • Pagbuo ng Nilimitahang Paksa
    1. Maghanap ng tool o instrumento na magagamit sa naturang pananaliksik
    2.
  • Mga Paalala
    • Bakit kailangang saliksikin at palalimin ang pagtalakay sa mga suliranin na pag-aaralan?
    • Sino-sino ang kasangkot?
    • Paano ipahahayag ang paksa sa malinaw at tiyak na paraan?
    • Anong panahon ang sinasaklawan ng paksa?
    • Paano pag-uugnayin at pagsusunod-sunurin ang mga ideyang ito?
  • Elementong Makapaglilimita ng Paksa
    • Panahon
    • Uri o Kategorya
    • Edad
    • Kasarian
    • Lugar o espasyo
    • Pangkat / sektor na kinasasangkutan
    • Perspektiba / pananaw
  • Halimbawa ng Paglilimita ng PAKSA batay sa angkop na pagbuo ng PAMAGAT nito na may isang instrumento:
  • Paksa: Teknolohiya at Kabataan
  • Perspektiba
    • Ang Epekto ng Teknolohiya sa mga Kabataan
    • Ang Persepsiyon ng mga Mag-aaral sa Paggamit ng Social Media bilang Bukal ng Impormasyon
  • Panahon
    • Ang Epekto ng Internet at Smartphone sa Paggamit ng Social Media mula noong 2010 Hanggang sa Kasalukuyan
  • Uri
    • Epekto ng Pagsasalarawan ng Lipunan at Media sa Kagandahan
  • Edad
    • Ang Persepsiyon ng mga Kabataan mula Edad 16 hanggang 18 sa Impluwensiya ng Facebook
  • Kasarian
    • Ang Epekto ng Paglaganap ng Teknolohiya sa Sektor ng Kababaihan
  • Lugar
    • Ang Epekto ng Social Media sa mga Mag-aaral ng Saint Peter's College of Toril
  • Pangkat
    • Persepsiyong ng mga Mag-aaral ng Saint Peter's College of Toril sa Paglaganap ng Social Media
  • Kombinasyon ng Iba't ibang Elemento
  • Persepsyon sa Impluwensiya ng Facebook sa mga Kabataan ng mga Kababaihang Mag-aaral na Nasa Edad 16-18 ng St. Peter's College of Toril, Inc.
  • Kabanata I - Kaligiran ng Pag-aaral / Pananaliksik at Suliranin

    • Kaligiran ng Pag-aaral
    • Paglalahad ng Suliranin
    • Kahalagahan ng Pag-aaral
    • Saklaw at Delimitasyon
    • Pagbibigay Depinisyon / Kahulugan / Terminolohiya
  • Kaligiran ng Pag-aaral
    Naglalatag ng panimulang impormasyon (ano ang pinanggagalingan ng saliksik?; ano ang nag-udyok na pag-aralan ang paksa?); bahaging tumatalakay ng mga batayang kaalaman tungkol sa paksa (paano ito gagana sa kabuuan ng saliksik?, bakit ito ang naisip gawin?)
  • RRL - Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura
    • Sa Ibayong Dagat
    • Pambansa
    • Lokal
  • Rationale
    Binubuo ng apat na talata: 1) Ilahad ang paksa ng pag-aaral. Banggitin ang espisipik na mga problemang situwasyon na patungkol sa pangunahing baryabol (di-malayang baryabol); 2) Ilahad ang kahalagahan ng di-malayang baryabol at iugnay ito sa malayang baryabol; 3) Ilahad ang mga puwang/agwat ng pag-aaral sa pamamagitan ng paglalahad ng unang mga isinagawang pag-aaral para matugunan ang mga problema na may kaugnayan sa iyong pag-aaral/pananaliksik. Kasunod, banggitin ano ang pagkukulang sa mga pag-aaral o ano pa ang ibang mga problema na hindi pa natugunan ng mga nakaraang mananaliksik; 4) Kumbinsihin ang mga mambabasa na ang pagsagawa ng pag-aaral ay madaliin, kailangan at may kaugnayan.
  • Paglalahad ng Suliranin / Mahalagang Tanong
    Tumutukoy sa pangunahing suliraning sasagutin ng pag-aaral; magsisilbing tuon ng pananaliksik at dito tutuon ang pagtatalakay
  • Tanong sa Pananaliksik
    Pinakabuod o sentro ng pananaliksik; tinutukoy nito ang uri at layunin ng pananaliksik; nagsisilbi itong patnubay kung anong proseso ang angkop gamitin
  • Pananaw sa Bisa ng Social Media sa Pagkatuto ng mga Mag-aaral sa Baitang 11 ng St. Peter's College of Toril, Inc.
    Tanong: 1) Ano ang karaniwang edad ng mga taong pinakagumagamit ng social media?; 2) Ano ang kanilang layunin sa paggamit ng social media?; 3) Paano nakatutulong ang social media sa pagpapalaganap ng mga paalala tungkol sa mga nawawala, dapat tulungan, anunsiyo, pagbibigay ng babala, at iba pa?
  • Pananaw sa Paggamit ng Pagpapalit-koda at Pakikipagtalastasan sa Wikang Filipinong mga Mag-aaral sa Baitang 10-11 ng St. Peter's College of Toril, Inc.
    Tanong: 1) Ano ang antas ng pananaw ng mga mag-aaral batay sa: 1.1) Paggamit ng pagpapalit-koda; 1.2) Saloobin sa paggamit ng pagpapalit-koda?; 2) Ano ang antas ng pakikipagtalastasan sa Wikang Filipino ng mga mag-aaral batay sa: 2.1) Suliranin ng kahirapan ng mga mag-aaral sa paggamit ng Wikang Filipino; 2.2) Mga Natutunan sa paggamit ng Wikang Filipino?; 3) Mayroon bang makabuluhang kaugnayan sa pagitan ng pananaw sa paggamit ng pagpapalit-koda at pakikipagtalastasan sa Wikang Filipino ng mga mag-aaral?; 4) Mayroon bang makabuluhang impluwensiya ang pananaw sa paggamit ng pagpapalit-koda sa pakikipagtalastasan?
  • Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy ang pananaw sa paggamit ng pagpapalit-koda at pakikipagtalastasan sa Wikang Filipino ng mga mag-aaral sa Baitang 10-11 ng St. Peter's College of Toril, Inc.
  • Tanong 1
    Ano ang antas ng pananaw ng mga mag-aaral batay sa: 1.1. Paggamit ng pagpapalit-koda, 1.2. Saloobin sa paggamit ng pagpapalit-koda?
  • Tanong 2
    Ano ang antas ng pakikipagtalastasan sa Wikang Filipino ng mga mag-aaral batay sa: 2.1. Suliranin ng kahirapan ng mga mag-aaral sa paggamit ng Wikang Filipino, 2.2. Mga Natutunan sa paggamit ng Wikang Filipino?
  • mulat
    pagiging makabayan sa paraan ng pakikipagtalastasan sa Wikang Filipino
  • Saklaw at Delimitasyon
  • Saklaw at Delimitasyon
    naglalatag ng mga pamantayan na gagamiting batayan, ang alin ang isasama at alin ang hindi, binabanggit kung ilan ang respondente