Ayon sa kasaysayan, ang mga unang nandayuhan sa ating bansa ay ang mga Negrito na nagmula sa Borneo
Tatlong Katutubong lahi ng mga Negrito
Tunayna Negrito
Austrolidad-Sakai (taga Australia at Ainu Hilagang Hapon)
Proto- Malayo (tipong Mongoloid)
Tunay na Negrito
Namalagi sa kinamihasnan nilang tirahan
Hindi sila nakapangasawa ng ibang lahi at sila ay nanirahan sa kabundukan at kagubatan ng Bataan at Zambales at sa silangang bulubundukin ng dakong Hilaga ng Luzon mula sa Cabo Engano hanggang sa Baler
May iba ring naninirahan sa Rizal, Bulakan, Pampanga, Tarlac, Laguna, at iba pa
Ang mga Indones ay nagbuhat sa timog-Silangang Asya sakay ng mga Bangka. Higit ang kabihasnan ng mga ito kaysa sa mga Negrito
Mga Indones sa Luzon
Ibanag
Kalinga
Apayao
Mga Indones sa Kabisayaan
Inonggot
Tingguia
Mga naninirahan sa burol ng Panay, Negros, Samar, at Timog Mindoro
Mga Tagbanua ng Palawan
Mga Indones sa Mindanao
Bukidnon
Madaya
Manobo
Bagobo
Tagakaolo
Bila-an
Tiruray
Subanon
Higit ang kabihasnan ng mga Indones kaysa sa mga Negrito
Balangay
Bangkang ginagamit ng mga Malayo
Mga Malayo
Naninirahan sa kaloob-loobang hilagang Luzon at isla ng Mindanao
Marami sa kanila ang nanatiling pagano
Ang iba'y Mohamedano o naniniwala kay Allah, na naninirahan sa kapuluan ng Sulu, sa dakong Timog ng Palawan, at sa mga lalawigan ng Zamboanga, Cotabato, at Lanao
Ang bawat pangkat ay may sari-sariling wikang ginagamit, bagamat masasabing may pagkakatulad ang mga ito dahil nagbuhat ang kanilang wika't wikain sa iisang pamilya ng wika: ang wikang Awstronesya
Pagkapangkat-pangkat o tribalismo
Ang nanaig na sistema noong mga panahong iyon
Ang bawat balangay o tribo ay may kani-kaniyang pinuno o datu at may sari-sariling patakarang sinusunod
Napatunayang marunong bumasa at sumulat ang mga katutubo
Baybayin
Isang pamamaraang ginamit na sistema ng pagsulat ng mga katutubong Pilipino
Binubuo ng labimpitong titik-tatlong pantig at may labing-apat na katinig
Binibigkas ang katinig na may kasamang tunog na patinig na /a/
Kung ang patinig ay bibigkasin ng may kasamang patinig na /e/ o /i/ nilalagyan ang titik ng tuldok sa itaas, samantalang tuldok sa ibaba naman kung nais isama ay /o/ o /u/
Gumagamit nga dalawang guhit na palihis // sa hulihan ng pangungusap
Layunin nilang ikintal sa isip at puso ng mga katutubo ang Kristyanismo
Ayon sa mga Espanyol, nasa kalagayang "barbariko, di sibilisado, at pagano" ang mga katutubo noon kung kaya't dapat lamang nilang gawing sibilisado ang mga ito sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya
Naniniwala ang mga Espanyol noong mga panahong iyon na mas mabisa ang paggamit ng katutubong wika sa pagpapatahimik sa mamamayan kaysa sa libong sundalong Espanyol
Ang pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas ang naging katumbas ng pagpapalaganap ng Kristyanismo
Upang maisakatuparan ang layunin ng mga Espanyol, inuna nila ang paghahati ng mga isla ng mga pamayanan
Limang (5) Misyonerong Prayle
Agustino
Pransiskano
Dominikano
Heswita
Rekoleto
Ang paghahati ng pamayanan ay nagkaroon ng malaking epekto sa pakikipagtalastasan ng mga katutubo
Nang sakupin ng mga Espanyol ang mga katutubo, mayroon na ang mga itong sariling wikang ginagamit sa pakikipag-usap at pakikipagkalakalan ngunit pinigil ito ng mga Espanyol
Upang mas maging epektibo ang pagpapalaganap ng Kristyanismo, ang mga misyonerong Espanyol mismo ang nag-aral ng mga wikang katutubo
Nasa kamay ng mga misyonerong nasa ilalim ng pamamahala ng simbahan ang edukasyon ng mamamayan noong panahon ng Espanyol
Inutos ng hari na ipagamit ang wikang katutubo sa pagtuturo ngunit hindi ito nasunod
Nagmungkahi si Gobernador Tello na turuan ang mga Indio ng wikang Espanyol
Si Carlos I at Felipe II ay naniniwlang kailangan maging bilingguwal ang mga Pilipino
Iminungkahi ni Carlos I na ituro ang Doctrina Christiana gamit ang wikang Espanyol
Napalapit ang mga katutubo sa mga prayle dahil sa wikang ginagamit nila samantalang napalayo sa pamahalaan dahil sa wikang Espanyol ang ginamit nila
Muling inulit ni Haring Felipe II ang utos tungkol sa pagtuturo ng wikang Espanyol sa lahat ng katutubo
Noong ika-2 ng Marso, 1634
Si Carlos IV ay lumagda sa isa pang dekrito na nag-uutos na gamitin ang wikang Espanyol sa lahat ng paaralang itatatag sa pamayanan ng mga Indio
Noong Disyembre 29, 1792
Sa panahong ito, nanganib ang wikang katutubo ng mga Pilipino, nagkawatak-watak ang mga Pilipino
Matagumpay na nahati at nasakop ng mga Espanyol ang mga katutubo
Matapos ang mahigit 300 taong pananakop ng mga Espanyol, namulat ang mga mamamayang Pilipino sa kaapihang kanilang dinaranas
Noong 1872, nagkaroon ng kilusang propaganda na siyang naging simula ng kamalayan upang maghimagsik
Itinatag ni Andres Bonifacio ang Katipunan
Ang wikang Tagalog ang ginamit nilang kautusan at pahayagan
Noong panahong iyon sumibol sa mga manghihimagsik na Pilipino ang kaisipang "isang bansa, isang diwa" laban sa mga Espanyol
Pinili nilang gamitin ang Tagalog sa pagsulat ng mga sanaysay, tula, kwento, liham, at mga talumpati na pumupuno sa damdaming bayan