01 Mga Konseptong Pangwika

Cards (28)

  • Ang wika ay isang napakahalagang instrumento ng komunikasyon.
  • Ang wika ay nag mula sa pinagsama-samang makabuluhang tunog, simbolo, at tuntunin na nagbubuo ng mga salitang nakapagpapahayag ng kahulugan o kaisipan.
  • Ang salitang latin nga lingua ay nangangahulugang dila o wika. Ang pinagmulan ng salitang Pranses na langue na nangangahulugang ding dila o wika.
  • Ayon kay Henry Allan Gleason, ang wika ay isang masistemang balangkas dahil ito ay may ayos o padron na sinusunod.
  • Ang isang wikang pambansa ay maaaring De Facto o De Jure.
  • Ang De Facto ay malawakang ginagamit ng isang bansa bagaman hindi itinadhana ng batas.
  • Ang De Jure ay isinasaad mismo ng pinaka mataas na batas ng bansa.
  • Filipino ang wikang pambansa
  • Filipino ang wikang opisyal. Nag-aantas ito sa lahat ng kagawaran, kawanihan, ahensya, at instrumentaliti ng pamahalaan na gumagamit ng wikang Filipino sa lahat ng uri ng komunikasyon.
  • Ang opisyal at panturo na wika ay ang wikang Ingles at wikang Filipino.
  • Sa Saligang Batas 1987, pinatibay ng komisyong konstitusyonal na binuo ni Cory Aquino sa paggamit ng wikang Filipino.
  • Sa 1987 konstitusyon, nakasaad na wikang opisyal ang Filipino
  • Pinalakas pa ang pag suporta ni Pangulong Corazon C. Aquino sa paggamit ng Filipino sa pamamgitan ng Executive Order no. 335 noong Agusto 25, 1988
  • Itinadhana na ang wikang opisyal at panturo ay Ingles at Filipino sa Saligang Batas 1987, Artikulo 14, seksiyon 7
  • ginagamit ang mother tongue o ang unang wika sa pagturo galing kindergarten hanggang Grade 3
  • Sa pagpasok ng K-12 Kurikulum, ang mother tongue o unang wika ng mga mag-aaral ay naging opisyal na wikang panturo mula kindegarten - Grade 3. Tinawag itong Mother Tongue Based-Multilingual Education (MTB-MLE) o Mother Tongue-Based Multi-LIngual Education
  • Unang wika ang tinatawag sa wikang nakagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro sa isang tao. Ito ay ang pinakamalakas o pinakamahusay na naipahayag ng tao ang kaniyang ideya.
  • Nakukuha ng bata ang pangalawang wika dahil natutunan sa kaniyang kapaligiran na maaring nagmula sa telebisyon, guro, kaibigan. Natutunan mula 5-7 y/o. Di agad natutunan o wala itong talasalitaan.
  • Ang ikatlong wika ay kung saan ito ay naririnig o natutunan mag-isa ng bata.
  • Monolingguwalismo ay ang tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa.
  • Bilingguwalismo ay ang paggamit o pagkontrol ng tao sa dalawang wika na tila ba na ito ay ang kaniyang katutubong wika.
  • Balanced Bilingual ang tawag sa taong nagagamit ang pangalawang wika ng matatas(fluent) sa lahat ng pagkakataon
  • Multulingguwalismo ay ang wikang ginagamit ay tatlo o mahigit pa.
  • Ang Pilipinas ay isang bansang multilingual
  • 8 pangunahing wika o lingua franca:
    1. Tagalog
    2. Hiligaynon
    3. Kapampangan
    4. Pangasinese
    5. Waray
    6. Cebuano
    7. Ilokano
    8. Bicolano
  • 4 na iba pang wikain ginagamit wikang panturo:
    1. Tausug
    2. Chavacano
    3. Maranao
    4. Maguinadaoan
  • 7 pang wikain ng DepEd noong 2013
    1. Ybanag
    2. Ivatan
    3. Sambal
    4. Aklanon
    5. Kinaray-a
    6. Yakan
    7. Surigaonon
  • Sa isang sirkular noong Mayo 3, 1940, iniantas ni Direktong Celedonio Salvador ng kawanihan ng edukasyon ang pagtuturo ng wikang pambansa bilang regular na asignatura sa ikaapat na taon sa paaralang sekundarya