02 Mga Barayti ng Wika

Cards (19)

  • Iba't Ibang barayti ng wika:
    1. Dayalek
    2. Idyolek
    3. Sosyolek
    4. Pidgin
    5. Creole
    6. Register
  • Dayalek ang wikang ginagamit na partikular na pangkay ng mga tao mula sa isang partikular na lugar tulad ng lalawiganin, rehiyon, o bayan.
  • Ang dayalek ay maaring gumagamit ng iisang wika katulad ng sa iban pang lugar subalit naiiba ang punto o tono, magkaiba ang bokabularyo para sa iisang kahulugan, iba nag gamit sa salita, o magkaiba ang pagbuo ng mga pangungusap.
  • Idyolek ang tawag sa pansariling paraan ng pagsasalita ang bawat tao kahit iisang dayalek lamang ang isinasalita.
  • Ang idyolek ang paraan ng pagsasalita ng tao base sa kani-kanilang indibidwal na istilo kung saan higit isyang komportableng magpahayag.
  • Sosyolek ay nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimensyong sosyal ng mga taong gumagamit ng wika. Batay sa taong kalagayang panlipunan, paniniwala, oportunidad, kasarian, edad, at iba pa.
  • Kabilang sa sosyolek ag wikang beki o gay lingo, ito ay isang halimbawa ng grupong(gay) nais mapanatili ang kanilang pagkakakilanlan kaya binago nila ang tunog at kahulugan ng salita
  • Kabilang sa sosyolek ang wika ng mga conotic, cono, o conyospeak na isang barayti ng taglish. Salitang Ingles na hinahalo sa tagalog kaya't masasabing may code switching rito.
  • Nabibilang rin sa sosyolek ang wika ng kabataang jologs ang jejemon o jejespeak na nagmula sa pinaghalong "jejejeje" na isang paraan ng pagbaybayin ng "hehehehe." Isinusulat sa pinag halo-halong numero, simbolo, at mga malalaki o maliliit na titik.
  • Ang sosyolek ay maari ring tumutukoy sa pangkat ng isang propesyon, partikular na trabaho, o gawain ng tao. Ang jargon o mga natatanging bokabularyo ng partikular na pangkat ay pakapagpapakilala ng kanilang trabaho o gawain.
  • Pidgin ay umusbong sa bagong wika o tinatawag na "nobody's native language" o katutubong wikang di pag-aari.
  • Pidgin ang tawag sa nabuong wika ng dalawang magkaibang unang wika upang magkakaintindi sila. Dahil pareho itong walang alam sa wika ng bawat isa, nagkakaroon sila ng makeshift language.
  • Creole ang wika na nagmula sa isang pidgin at naging unang wika ng isang lugar.
  • Register ang tawag sa baayti ng wika na kung saan naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang ginagamit niya sa sitwasyon o sa kausap. Ito ay ang paggamit ng pormal at di-pormal na wika.
  • Halimbawa ng dayalek ay ang tagalog ng morong at tagalog ng maynila, at tagalog sa bisaya.
  • Halimbawa ng idyolek ay ang pamamaraan ng pagsasalita ni Kris Aquino na "nakakaloka!"
  • Halimbawa ng sosyolek ay ang wikang beki o gay lingo, conyospeak, jejespeak o jejemon, at jargon.
  • Halimbawa ng pidgin at creole ay ang wikang binuo ng Espanyol at katutubong Zambuanga na ito'y tawag na Chavacano.
  • Halimbawa ng register ay ang pagsasalita sa taong superior sa iyo (boss) ng pormal.