03 Mga Gamit ng Wika s Lipunan

Cards (17)

  • Ang pinakadiwa ng wika ay panlipunan.
  • Sadyang ang wika nga ay isang sistema ng pakikipag-ugnayan na nagbubuklod sa mga tao. Hindi matatawaran ang mahalagang gamit nito sa lipunan.
  • Mga Gamit ng Wika sa Lipunan:
    • Instrumental
    • Regulatoryo o Regulatori
    • Interaksiyonal
    • Personal
    • Heuristiko
    • Representibo
    • Imahinatibo
    • Impormatibo
  • Instrumental - nagiging instrumento ang isang wika na nagpaparating ng mensahe ssa mga nangangailangan na tao upang silbing gabay.
  • Regulatori o Regulatoryo - ginagamit ang wika sa pag kontrol o paggabay sa kilos o asal o ugali ng ibang tao
  • Interaksiyonal - wika na ginagamit ng tao sa pagtatag at pagpapanatili ng relasyong sosyal sa kapwa tao. Ang pakikipagtalastasan. Maari man itong pasalita o pasulat.
  • Personal - ginagamit ang wika sa pagpapahayag ng sariling opinyon, sariling damdamin, o kuro-kuro sa paksang pinanapag-usapan. Maari itong pasalita o pasulat.
  • Heuristiko - ginagamit ang wika sa paghahanap o paghihingi ng impormasyon.
  • Representibo - ginagamit ang wika upang makipagtalastasan, makipagbabahagi ng pangyayari, makapagpahayag ng detalye upang makapagtala at makatanggap ng impormasyon o datos. Maaaring pasalita o pasulat na makikita sa telebisyon, radyo, o libro. (2nd hand info)
  • Imahinatibo - ginagamit sa pagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan kagaya ng paggamit ng idyoma, tayutay, sagisag, at simbolismo. Ginagamit ito sa tula, nobela, at maikling kwento o akdang pampanitikan.
  • Impormatibo - ginagamit ang wika sa pagbibigay ng impormasyon, first hand information. Kabaligtaran ng heuristiko.
  • Halimbawa ng instrumental ay ang paggawa ng liham pangangalakal, pagpapakita ng patalastas tungkol sa produkto na nagsasaad ng gamit at halaga, application letter.
  • Halimbawa ng regulatori ay ang pagbibigay direksyon, paalala, o babala, panuto sa pagsulit, at mga do's and don'ts.
  • Halimbawa ng interaksiyonal ay ang pakikipagbiruan, magandang araw, pangungumusta, liham pangkaibigan, atbp.
  • Halimbawa ng personal ay ang pagpapalitan ng opinyon tungkol sa kahirapan at pagsulat ng liham na tungkol sa iyong komentaryo.
  • Halimbawa ng heuristiko ay ang pagtanong kung ano ang magandang paraan ng pag study.
  • Halimbawa ng representibo ay ang pagpapahayag ng may detalye ang impormasyong nakuha mo sa first hand info.