Konseptong Pang Wika

Cards (36)

  • Wika
    Napakahalagang instrumento ng komunikasyon
  • Lingua
    Salitang Latin na may kahulugang "dila" at "wika"
  • Langue
    Salitang Pranses na nangangahulugang "dila" at "wika"
  • Language
    Salitang Ingles na batay sa salitang Pranses
  • Ang wika at dila ay may halos magkaparehong kahulugan sa maraming wika sa buong mundo
  • Wika
    Tradisyonal at popular na pagpapakahulugang sistema ng arbitraryong vokal-simbol na ginagamit ng mga miyembo ng isang pamayanan sa kanilang pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan sa isa't isa
  • Wika
    Tulay na ginagamit para maipahayag at mangyari ang anumang minimithi o pangangailangan natin
  • Wika
    Behikulo ng ating ekspresyon at komunikasyon na epektibong nagagamit
  • Wika
    Sistemang balangkas ng mga tunog na pinili at isinaayos sa pamamaraang arbitraryo upang magamit ng mga taong nabibilang sa isang kultura
  • Wika
    Sistema ng komunikasyong nagtataglay ng mga tunog, salita, at gramatika na ginagamit sa pakikipagtalastasan ng mga mamamayan sa isang bayan o sa iba't ibang uri ng gawain
  • Wika
    Sining tulad ng paggawa ng serbesa o pagba-bake ng cake, o ng pagsusulat
  • Ang wika ay hindi tunay na likas sapagkat ang bawat wika ay kailangan munang pag-aralan bago matutuhan
  • Ang wika ay marahan at hindi sinasadyang nalinang sa pamamagitan ng maraming hakbang o proseso
  • Ang Pilipinas ay isang kapuluang binubuo ng iba't ibang pangkat ng mga pilipinong gumagamit ng iba't ibang wika at diyalekto
  • Ang wikang Filipino ang magbubuklod sa atin bilang mamamayan ng bansang Pilipinas
  • Ang Batasang Pambansa ay dapat magsagawa ng mga hakbang na magpapaunlad at pormal na magpapatibay sa isang panlahat na wikang pambansang kikilalaning Filipino
  • Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino
  • Ang Filipino ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika
  • Ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at Ingles
  • Ang Mother Tongue o unang wika ng mga mag-aaral ay naging opisyal na wikang panturo mula Kindergarten hanggang Grade 3
  • Ang paggamit ng wikang ginagamit din sa tahanan sa mga unang baytang ng pag-aaral ay makatutulong mapaunlad ang wika at kaisipan ng mga mag-aaral at makapagpapatibay rin sa kanilang kamalayang sosyo-kultural
  • Ang paggamit ng wikang kinagisnan sa mga unang taon ng pag-aaral ay nakalilinang ng mga mag-aaral na mas mabilis matuto at umangkop sa pag-aaral ng pangalawang wika (Filipino) at maging ng ikatlong wika (Ingles)
  • Mga wikang ginagamit sa MTB-MLE
    • Tagalog
    • Kapampangan
    • Pangasinense
    • Tioko
    • Bikol
    • Cebuano
    • Iligaynon
    • Waray
    • Tausug
    • Maguindanaoan
    • Maranao
    • Chavacano
    • Ybanag
    • Ivatan
    • Sambal
    • Aklanon
    • Kinaray-a
    • Yakan
    • Surigaonon
  • Unang wika
    Wikang nakagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro sa isang tao
  • Pangalawang wika
    Wika na natututuhan ng bata habang lumalaki dahil sa exposure sa iba pang wika sa kanyang paligid
  • Pangalawang wika
    Wika na natututuhan ng bata sa paglaki dahil sa exposure sa paligid
  • Ikatlong wika
    Wika na natututuhan ng bata dahil sa lumalawak na mundo at pakikisalamuha sa iba't ibang tao
  • Monolingguwalismo
    Paggamit ng iisang wika sa isang bansa
  • Bilingguwalismo
    Paggamit o pagkontrol ng tao sa dalawang wika
  • Balanced bilingual
    Taong nakagagamit ng dalawang wika nang halos hindi na matutukoy kung alin ang unang at pangalawang wika
  • Multilingguwalismo
    Paggamit ng mahigit sa dalawang wika sa isang bansa
  • Ang Pilipinas ay isang bansang multilingguwal na may mahigit 180 wika at wikain
  • MTB-MLE (Mother Tongue Based-Multilingual Education)
    1. Paggamit ng unang wika bilang wikang panturo sa kindergarten at Grades 1-3
    2. Pagtataguyod ng Filipino at Ingles bilang mga pangunahing wikang panturo sa mas mataas na antas
  • Mas epektibo ang pagkatuto ng mga bata kung unang wika ang gagamitin sa pag-aaral
  • Mga pangunahing wika na ginagamit sa MTB-MLE
    • Tagalog
    • Kapampangan
    • Pangasinense
    • Ilokano
    • Bicolano
    • Cebuano
    • Hiligaynon
    • Waray
    • Tausug
    • Maguindanaoan
    • Maranao
    • Chavacano
    • Ybanag
    • Ivatan
    • Sambal
    • Aklanon
    • Kinaray-a
    • Yakan
    • Surigaonon
  • Maliban sa mga unang wika, ang Filipino at Ingles ay itinuturo rin bilang hiwalay na asignaturang pangwika