sa kasalukuyang panahon INTERNET AT SOCIAL MEDIA ay bahagi na ng buhay ng tao. sa marami, ito ang unang tinitignan paggising ng umaga at huling sinisilip bago matulog sa gabi. Napakaraming impormasyon ang taglay nito kaya maaaring ito ang pagkuhanan ng posibleng paksa
maliban sa internet, TELEBISYON ay isa pa sa mga uri ng media na laganap lalo na sa panahon ng CABLE at DIGITAL TELEVISION. sa panonood ng mga palabas dito ay matutuon ang iyong pansin sa isang paksang maaari mong gawan ng pananaliksik
diyaryo at magasin - pumunta ka sa aklatan at ilatag ang ibat-ibang DIYARYO sa isang mesa. Mula sa mga ito'y pag-ukulan pansin ang mga nangungunang balita. gawin mo rin ito sa mga MAGASIN naman. suriian at baka naririto na ang maari mong gawing pakasa para sa iyong gagawing pananaliksik.
Mga pangyayari sa iyong paligid - kung magiging mapanuri ka ay maaaring may mga pangyayari o mga bagong kalakaran sa paligid na mapagtutuunan mo ng pansin at maaaring maging paksa sa iyong pananaliksik.
sa sarili - mga bagay na nag mula sa bagay na interesado ang mananaliksik ay karaniwang humahantong sa isang matagumpay na sulating mananaliksik
ang sulating PANANALIKSIK ay malalimang pag tatalakay sa isang tiyak at naiibang paksa.
taglak ng pananaliksik ang OBHETIBONG INTERPRETASYON ng manunulat sa mga impormasyong kanyang nakalap.
(Spalding, 2005) - ang interpretasyong ito ay pinakamahalagang elemento ng isang tunay na sulating pananaliksik
ayon kina Constantino at Zafra (2010) - ang pananliksik ay isang masusing pagsisiyasat at pagsusuri ng mga ideya, konsepto, bagay, tao, isyu, at iba pang ibig bigyang linaw, patunayan, o pasubalian.
ayon naman kay Galero-Tejero (2011) - ang pananliksik ay may tatlong mahahalagang layunin; una, isinasagawa ito upang makahanap ng isang teorya. pangalawa, mula sa pananaliksik mahahanap ang katotohanan. pangatlo, isinasagawa ito upang makakuha ng kasagutan sa mga suliranin o problema.
obhetibo - naglalahad ng mga impormasyong hindi basta galing sa opinyon o kuro-kurong pinapanigan ng manunulat kundi nakabatay sa mga datos na maingat na sinaliksik, tinaya, at sinuri
Sistematiko - ito ay sumusunod sa lohikal na mga hakbang o proseso patungo sa pagpapatunay ng isang katanggap-tanggap na konklusyon.
Napapanahon o maiuugnay sa kasalukuyan - nakabatay sa kasalukuyang panahon (tukoy nito ang petsa at taon), nakasasagot sa suliraning kaugnay na kasalukuyan at ang kalalabasan ay maaaring maging basehan sa desisyong pangkasalukuyan.
Empirikal - ang konklusyon ay nakabatay sa mga nakalap na datos mula sa tunay na naranasan at/o naobserbahan ng mananaliksik
Kritikal - maaaring masuri at mapatunayan ng iba pang mananaliksik ang proseso at kinalabasan ng pag-aaral dahil taglay nito ang maingat at tamang paghahabi at paghahatol ng mananaliksik
Masinop, malinis, at tumutugon sa pamantayan - nararapat itong sumunod sa mga pamantayang inilahad at kakikitaan ng pagiging masinop at malinis sa kabuuan
Dokumentado - nagmula sa mga materyales ang mga impormasyon at datos. binigyan ng karampatang pagkilala ang pinagmulan ng mga ito.
Ang resulta na tinatawag na BASIC RESEARCH ay agarang nagagamit para sa layunin nito.
ang ACTION RESEARCH ay ginagamit upang makahanap ng solusyon sa mga espisipikong problema o masagot ang mga espisipikong mga tanong ng isang mananaliksik na may kinalaman sa kanyang larangan.
ang resulta naman ng APPLIED RESEARCH ay ginagamit o inilalapat sa majority ng popolasyon.
ang paksa ay pangkalahatan o sentral na ideyang tinatalakay sa isang sulating pananaliksik.
Interesado ka o gusto mo ang paksang pipiliin mo - mahalagang gusto mo o malapit sa puso mo ang paksang iyong pipiliin.
paksang marami ka nang nalalaman - batid mo kung saan ka kukuha ng mga gamit na kakailanganin mo sa pagbuo nito.
paksang gusto mo pang higit na makilala o malaman - may mga taong higit na gusto pang makilala o mga bagay na hindi gaanong alam at gustong-gusto mo sanang higit pang malaman o makilala kaya ito ay magiging isang makabuluhan
Paksang napapanahon - magiging makabuluhan ang anumang magiging resulta ng pananaliksik na iyong gagawin sapagkat magagamit ito ng nakakarami dahil angkop o tumutugma ito sa kasalukuyang pangangailangan.
mahalagang maging bago o naiiba (unique) at hindi kapareho ng mapipiling paksa ng mga kaibigan mo - pra maging kapaki-pakinabang ang bagong kaalamang ilalahad mo mula sa iyong bagong natuklasan sa halip na paguulit lang kung anuman ang natuklasan na ng iba pang mananaliksik.
may mapagkukunan ng sapat at malawak na impormasyon - makabubuting matiyak ang resources (tao man o bagay) ay nariyan at maaaring magamit sa oras o panahong kakailanganin mo para sa gawain.
Maaaring matapos sa takdang panahong nakalaan - nararapat na alam ng mananaliksik ang haba ng panahong nakalaan para sa kabuoan ng gawain at saka niya ito hati-hatiin sa bawat bahagi upang matagumpay na matapos at maisubmit ang gawain sa itinakdang araw ng pagpasa.
datos na kinakailangan mo ay iyong nagsasalaysay o nag lalarawan o pareho