Speaker: 'Tungkol sa Tore ng Babel mula sa Genesis 11: 1-9, kung saan sinasabing naging labis na mapagmataas at mapagmalaki ng mga tao at sa paghahangad ng lakas at kapangyarihan sila ay nagkaisang magtayo ng toreng aabot hanggang langit. Pinarusahan sila ng Diyos sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng iba't ibang wika. Dahil hindi na sila magkaintindihan, natigil ang pagtatayo ng tore na tinawag na Babel dahil dito naganap ang pagkakaiba-iba ng wika ng mga tao.'