GOOD (1963), ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, disiplinadong inkwiri sa pamamagitan ng iba’t ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin tungo sa klaripikasyon at resolusyon.
AQUINO (1974) naman ay may detalyadong depinisyon. Ayon sa kanya, ang pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang impormasyon higgil sa isang tiyak na paksa o suliranin. Matapos ang maingat at sistematikong paghahanap ng mga pertinenteng impormasyon o datos hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin at matapos suriin at lapatan ng interpretasyon ng mananaliksik ang mga nakalap niyang datos ay mahaharap siya sa isang esensyal na gawain ang paghahanda ng kanyang ulat-pampananaliksik.
MANUEL AT MEDEL(1976) Ang pananaliksik ay isng proseso ng pangangalap ng mga datos o impormasyon upang malutas ang isang partikular na suliranin sa isang syentipikong pamamaraan.
PAREL(1966) Ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-aaral o imbestigasyon ng isang bagay sa layuning masagot ang mga katanungan ng isang mananaliksik.
E. TRECE AT J.W. TRECE (1973) na nagsasaad na ang pananaliksik ay isang pagtatangka upang makakuha ng mga solusyon sa mga suliranin. Idinagdag pa nila na ito ay isang pangangalap ng mga datos sa isang kontroladong sitwasyon para sa layunin ng prediksyon at eksplanasyon.
Ayon kay Vizcarra (2003), ang pananaliksik ay isang sistematiko, kontrolado, empiriko, at kritikal na pag- imbestiga sa haypotetikal na pahayag tungkol sa inaakalang relasyon o ugnayan ng mga natural na penomenon.
Idinagdag nina Atienza (1996), ang pananaliksik ay matiyaga, maingat, sistematiko, mapanuri, at kritikal na pagsisiyasat o pag- aaral tungkol sa isang bagay, konsepto, kagawian, problema, isyu, o aspekto ng kultura at lipunan.
Parehong kaisipan din ang ipinahayag ni Sauco (1998) na ang pananaliksik ay isang pamamaraang sistematiko, pormal at masaklaw na pagsasagawa ng pagsusuring lohiko at wasto sa pamamagitan ng matiyaga at hindi apurahang pagkuha ng mga datos sa mga pangunahing maaaring pagkunan. Inaayos ang mga ito at pagkatapos ay sinusulat at iniuulat.
Ayon naman kay Sanchez (1998), ito ay puspusang pagtuklas at paghahanap ng mga hindi pa nalalaman.
Ipinahayag naman ni Sevilla (1998), na ang pananaliksik ay paraan ng paghahanap ng teorya, pagsubok sa teorya o paglutas sa isang suliranin.
Kahulugan ng Pananaliksik - Bilang kongklusyon, ang pananaliksik ay isang sistematiko at siyentipikong proseso ng pangangalap, pagsusuri, pag- aayos, pag- oorganisa, at pagpapakahulugan ng mga datos tungo sa paglutas ng suliranin, pagpapatotoo ng prediksyon, at pagpapatunay sa imbensyong nagawa ng tao.
Kahalagahan ng Pananaliksik:
• Benepisyong Edukasyonal
•Benepisyong Propesyonal
•Benepisyong Personal
•BENEPISYONG PAMBANSA
•BENEPISYONG PANGKAISIPAN
•BENEPISYONG PANGKATAUHAN
Benepisyong Edukasyonal - Ang pananaliksik ay nakatutulong sa guro
Benepisyong propesyonal Ang mag-aaral ay nakapaggagalugad
at nakapaghahanda para sa kanyang
pinapasok na karera dahil sa nasasanay na
siyang magbasa at mag-analisa ng mga
datos na nagbubunga ng pagkakaroon ng
malawak na kaalaman sa kanyang
propesyon.
BENEPISYONG PERSONAL Sa proseso ng pananaliksik, napapaunlad
ng isang mag-aaral ang kritikal at analitikal na
pag-iisip na magbubunga ng kanyang
pagiging matatag sa buhay. Nakakaya niyang
tumayong mag- isa, at masanay na siya sa
paghahanap ng mga datos bilang tugon sa
paglutas ng mga suliranin at sa mga
pagsubok sa buhay.
BENEPISYONG PAMBANSA Sa pamamagitan ng pananaliksik, natatamo ang
pag-unlad ng bansa at nakatutulong sa pagkakaroon ng
matatag na lipunan tungo sa mabuting pamumuhay para
sa lahat. Maging ang desisyon ng ating mga pinuno
hinggil sa kapakanang pambansa ay batay sa resulta ng
mga isinagawang pananaliksik.
BENEPISYONG PANGKAISIPAN Nadadagdagan ang kaalaman at pagkatuto ng isang
indibidwal at nahahasa ang kanyang kaisipan dahil sa
natitipon niyang mga ideya at pananaw mula sa iba’t
BENEPISYONGPANGKATAUHAN Sa pakikipanayam at pagtitipon ng mga
datos, nahahasa ang kagalingan ng isang
mag-aaral sa pakikipagkapwa-tao.
Nagbubunga ito ng kahusayan sa pakikibagay
at pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang tao. Bukod
dito, nalilinang ang kanyang tiwala at
pagmamalaki sa sarili lalo na kapag
nagampanan niya nang maayos ang
tungkuling hinarap at lalo na kung ito ay
naaayon sa tamang resulta.