Isinilang si Francisco Balagtas Baltazar sa isang maliit na nayon ng Panginay, bayan ng Bigaa (Balagtas ngayon) sa lalawigan ng Bulacan noong Abril 2, 1788
Bunso siya sa apat na anak nina Juan Baltazar na isang panday at Juana Dela Cruz na isang karaniwang may bahay
Labing-isang taon si Kiko (palayaw ni Francisco) nang iluwas sa Tondo, Maynila
Namasukan siya bilang utusan kay Donya Trinidad, isang mayaman at malayong kamag-anak
Kinatuwaan siya ni Donya Trinidad dahil sa kasipagan at mabuting paglilingkod kaya pinag-aral siya sa Colegio De San Juan De Letran at Colegio De San Jose
Taong 1812 nang matapos siya sa pag-aaral ng Btas sa Corones, Kastila, Latin, Pisika, Doctrina Christiana, Humanidades, Teolohiya, at Pilosopiya
Naging guro niya si Padre Mariano Pilapil sa Pilosopiya sa nasabing kolehiyo
Natuto siyang sumulat at bumigkas ng tula kay Jose Dela Cruz (Huseng Sisiw) na kinilalang pinakabantog na makata sa Tondo
Taong 1835 nang manirahan si Kiko sa Pandacan
Dito niya nakilala si Maria Asuncion Rivera
Nagwagi si Nanong Capule dahil sa paggamit ng kapangyarihan at salapi
Naipakulong niya si Kiko at sa loob ng piitan niya isinulat ang tulang pasalaysay na "Florante at Laura"
Nang makalabas sa bilangguan, ipinalathala ni Balagtas ang "Florante at Laura" noong taong 1838
Lumipat si Balagtas sa Udyong, Bataan noong 1840
Nanilbihan siya bilang Tenyente Mayor at Huwes Mayor de Sementera
Dito din niya nakilala si Juana Tiambeng na taga-Orion
Nagpakasal sina Kiko at Juana noong 1842
Labing-isa ang naging anak nila, limang lalaki at anim na babae
Pito angnabuhay
Nabilanggo muli si Kiko sa sumbong ng katulong ni Alferez Lucas sa di umano'y pagputol ng buhok ng katulong
Nakalaya siya noong 1860
Iba pang mga akda ni Balagtas
Orosman at Zafira - Isang komedyang may apat na yugto
Don Nuno at Selinda - Isang komedyang may tatlong yugto
Auredato at Astrome - Isang komedyang may tatlong yugto
Clara Belmoro - Isang komedyang may tatlong yugto
Abdol at Misereanan - Isang komedyang itinanghal sa Abucay noong 1857
Bayaceto at Dorlisca - Isang komedyang itinanghal sa Udyong noong ika-29 ng Setyembre, 1857
Almansor at Rosalinda - Isang komedyang itinanghal sa Udyong noong kaarawan ng pista ng bayan, ika-8 ng Mayo, 1841
La India Elegante y El Negrito Amante - Isang sayneteng may isang yugto lamang at itinanghal sa Udyong noong ika-8 ng Mayo taong 1861
Namayapa siya sa piling ng kaniyang asawa at mga anak noong Pebrero 20, 1862 sa gulang na 74
Ang tanging nais lamang ni Francisco Balagtas Baltazar ay huwag tumulad sa kaniya ang kaniyang mga anak sapagkat ang kaniyang mga pinagdaanan ay masalimuot
Isinulat ni Francisco "Balagtas" Baltazar ang "Florante at Laura" noong panahon ng Kastila
Mahigpit ang sensura ng mga panahong ito
Ipinagbabawal ang mga lathalain, babasahin, at palabas na tumutuligsa sa pamamalakad at pagmamalabis ng mga Kastila
Panrelihiyon at kagandahang-asal ang naging tema ng panitikan
Kinagiliwang panoorin ang komedya o moro-moro na may tema ng paglalabanan ng mga Moro at Kristiyano
Ginamit ni Francisco Balagtas ang temang panrelihiyon, ang paglalabanan ng mga Moro at Kristiyano at inuugnay niya sa pag-iibigan nina Florante at Laura
Hindi napuna ng mga Kastila ang panunuligsa ni Balagtas sa pamamalakad at panunuligsa ng mga Kastila dahil sa paggamit niya ng mga simbolismo
Masasalamin sa akda ang "Apat na Himagsik ni Kiko" ayon kay Lope K. Santos
Isinulat ni Balagtas ang "Florante at Laura" sa Tagalog sa mga panahong karamihan ng akda ay nasusulat sa Kastila
Pinahalagahan sa akda ang pagkapantay-pantay ng tao
Pinahalagahan din ni Balagtas ang kababaihan
Taong 1838 nang isulat ang "Florante at Laura" ngunit patuloy pa rin itong pinapahalagahan sa panitikang Pilipino
Buhay na buhay pa rin ang mga aral na nagsisilbing gabay sa buhay ng mga Pilipino