AP week 3

Cards (17)

  • Universal Declaration of Human Rights (UDHR)

    Isang mahalagang dokumentong tinanggap ng United Nations Assembly noong 1948 na naglalahad ng mga karapatang pantao ng bawat indibiduwal tulad ng mga karapatang sibil, politikal, ekonomiko, sosyal, at kultural
  • Nabuo ang UDHR sa pangunguna ng biyuda ni dating Pangulong Franklin Roosevelt ng United States nang siya ay maluklok bilang tagapangulo ng Human Rights Commission ng UN
  • UDHR
    Tinawag ding "International Magna Carta for all Mankind"
  • Sa UDHR, pinagsama-sama at binalangkas ang lahat ng karapatang pantao ng indibiduwal sa isang dokumento
  • Ang UDHR ay naging pangunahing batayan ng mga demokratikong bansa sa pagbuo ng kani-kanilang Saligang-batas
  • Umabot nang halos dalawang taon bago nakumpleto ang mga artikulong nakapaloob sa UDHR
  • Nilalaman ng UDHR
    • Kalayaan sa pagiging alipin at sapilitang pagtatrabaho o paninilbihan
    • Kalayaan laban sa torture, di-makatao at nakakababang uri ng pagtrato at kaparusahan
    • Pantay na pagkilala sa tao sa harap ng batas
    • Pantay na proteksyon sa harap ng batas
    • Epektibong paraan panghukuman laban sa paglabag sa karapatang pantao
    • Kalayaan sa walang dahilang pag-aaresto, detensyon, at pagpapalayas sa sariling bansa
    • Pantay na paglilitis at pagdinig pampubliko ng isang malaya at walang kinikilingang tribunal
    • Pagpapalagay na walang kasalanan ang isang tao hangga't hindi napapatunayang may sala
    • Kalayaan sa pakikiaalam sa pagiging isang pribadong indibidwal, pamilya, bahay at mga sulat
    • Kalayaan sa pagpili ng lugar na titirhan at maging sa pag-alis sa isang lugar
  • Ang nilalaman ng UDHR ay naging sandigan din ng mga bansa para mapanatili ang kapayapaan at itaguyod ang dignidad at karapatan ng bawat tao
  • Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang masugid na sumuporta sa deklarasyong ito
  • Ang Pilipinong si Carlos P. Romulo ay isa rin sa mga pangunahing nagtaguyod ng pagkakabuo ng deklarasyon
  • Ayon sa Seksyon 11 ng Artikulo II ng Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas, 1987 ay pinahahalagahan ng Estado ang karangalan ng bawat tao at ginagarantiyahan ang lubos na paggalang sa mga karapatang pantao
  • Ang Katipunan ng mga Karapatan (Bill of Rights) ay nakapaloob sa Seksyon 1 - 22 ng Artikulo III ng Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas, 1987
  • Uri ng mga karapatan ng mga mamamayan sa isang demokratikong lipunan
    • Natural rights
    • Constitutional rights
    • Statutory rights
  • Natural rights
    Mga karapatang taglay ng bawat tao kahit hindi ipinagkaloob ng Estado
  • Constitutional rights
    Mga karapatang ipinagkaloob at pinangangalagaan ng Estado
  • Pangkalahatang karapatan sa ilalim ng constitutional rights
    • Karapatang politikal
    • Karapatang sibil
    • Karapatang Sosyo-ekonomik
    • Karapatang ng akusado
  • Statutory rights
    Mga karapatang kaloob ng binuong batas at maaaring alisin sa pamamagitan ng panibagong batas