SEKTOR NG INDUSTRIYA - ito ang paglikha ng mga bagong produkto na mapakikinabangan ng mga tao mula sa hilaw na produktong agrikultura.
BAHAGING BUMUBUO SA SEKTOR NG INDUSTRIYA: Pagmimina, Konstruksyon, Pagmamanupaktura, Palingkurang-Bayan
pagmimina - ito ay tumutukoy sa pagkuha sa mga metal, di-metal o mineral na kalimitang matatagpuan sa ilalim ng lupa.
konstruksyon - ito ay tumutukoy sa pagpapatayo ng mga pampubliko o pribadong imprastraktura
pagmamanupaktura - ito ay tumutukoy sa proseso ng paggawa ng panibagong produkto mula sa mga hilaaw na materyales
palingkurang-bayan - ito ay tumutukoy sa mga pangunahing serbisyo na kinakailangan sa produksyon at tahanan tulad na lamang ng kuryente, tubig at gas
WORLD TRADE ORGANIZATION (WTO) - ito ay nagbibigay ng kakayahan sa pilipinas na makipagkalakalan sa ibang bansa
R.A. 9501 (MAGNA CARTA FOR SMALL AND MEDIUM ENTERPRISES) - Palaguin ang maliliit at may katamtamang laking industriya lalo na sa pook rural at sektor ng agrikultura
R.A. 8762 (RETAIL TRADE LIBERALIZATION ACT) - Binuksan sa mga dayuhang namumunuhan at mga korporasyon ang kalakang pagtitingi.
SCIENCE AND TECHNOLOGY AGENDA FOR NATIONAL DEV'T (STAND) - pagtuklas ng bagong kaalaman sa teknolohiya at produksyon sa Pilipinas