#24

Cards (22)

  • Marami ang nagsasabi at naniniwalang "golden age" ng ekonomiya natin ang Batas Militar ni Marcos - isang panahon kung kailan lubos na sumigla at umunlad daw ang pamumuhay ng mga Filipino
  • Isa itong malaking kasinungalingan
  • Bago ang pandemya ng COVID-19, naitala ang pinakamalalang krisis pang-ekonomiya ng Filipinas noong mga huling taon ng Batas Militar
  • Noong 1984 at 1985, ang ating gross domestic product o GDP - na sumusukat sa kabuuang kita ng bansa - ay lumiit nang 7% sa loob ng dalawang magkasunod na taon
  • Lumagpak din ang kita ng karaniwang Filipino nang 9% sa panahong iyon, at ang kita niya noong 1982 ay 'di nabawi hanggang 2003
  • Tinatawag itong "lost decades of Philippine development"
  • Tayo ang pinakamaunlad na bansa sa ASEAN noong 1950s, ngunit naungusan tayo ng Malaysia noong dekada 60, at na-overtake ng Thailand at Indonesia noong dekada 80
  • Sa panahon ni Marcos, napag-iwanan tayo ng mga kapitbahay sa ASEAN at tinaguriang "sick man of Asia"
  • Kung 'di tayo lumihis sa landas na tinahak ng mga karatig-bansa, marahil tatlo hanggang apat na beses na mas malaki ang kita ng bawat Filipino ngayon
  • Noong krisis noong umpisa ng dekada '80, walang trabaho o kulang ang kinikita ng 6 sa 10 katao
  • Naitala ang pinakamataas na inflation rate ng bansa (50%) noong 1984
  • Noong 1984, sa bawat 10 na Filipino ay 3 hanggang 5 ang undernourished
  • Noong 1985, lagpas sa kalahati ng ating mga kababayan ang naghirap
  • Naganap din noon ang famine o matinding taggutom sa Negros Island, kung saan libo-libong mga sakada ang nawalan ng trabaho at 1 sa bawat 5 bata ang lubhang malnourished
  • Noong 1965 - kung kailan nanalo siya sa unang pagkakataon bilang pangulo - nasa P3.4 kada dolyar na ang exchange rate
  • Naging P6.4 kada dolyar iyon noong 1970, lalo pang humina matapos noon
  • Noong unang termino pa lang niya, lumobo nang 43% ang gastos ng gobyerno mula 1964 hanggang 1968
  • Tumalon nang 25% ang gastos ng gobyerno mula 1968 hanggang 1969
  • Mula 1972 hanggang 1985, lumobo ang panlabas na utang ng bansa nang tumataginting na $25.5 bilyon
  • Tinatayang $11.3 bilyon ang nawalang kapital sa ating ekonomiya mula 1973 hanggang 1986
  • Idineklara ng economic managers ni Marcos noong 1983 ang "debt moratorium"
  • Kung naging maayos ang pamamalakad nina Marcos at kanyang cronies sa ekonomiya noong Batas Militar - at kung hindi abot-abot ang kanilang kasakiman sa pera at kapangyarihan, hindi sana mauuwi sa matinding debt crisis ang bansa