Nagbabalik na si Juan Crisostomo Ibarra sa nobelang Noli Me Tangere; mag-aalahas; pangunahing tauhan sa El Filibusterismo
Basilio
Kasintahan ni Juli; mag-aaral sa medisana kalaunan ay napapayag ni Simoun na sumapi sa kanya
Kapitan Tiago
Kumupkop kay Basilio; ama-amahan ni Maria Clara; mayaman; namatay ngunit nagkaroon ng magarang burol at libing
Isagani
Pamangkin ni Padre Florentino, kasintahan ni Paulita Gomez
Kabesang Tales
Anak Tandang Selo; Ama ni Lucia. Juli at ni Tano; ginipit ng mga pari sa pamamagitan ng pagbabayad ng malaking buwis
Tandang Selo
Ama ni Kabesang Tales; lolo ni Juli
Juli
Anak ni Kabesang Tales; apo ni Tandang Selo; kasintahan ni Basilio; nagpakamatay dahil hinalay Padre Camorra
Kapitan Heneral
Kaibigan ni Simoun na may pinakamataas na posisyon sa pamahalaan
Mataas na Kawani
Kagalanggalang, tumutupad sa tungkulin may paninindigan at may pananagutan
Don Timoteo Pelaez
Ama ni Juanito Pelaez; naging kasanib ni Simoun sa negosyo
Juanito Pelaez
Pinakasalan ni Paulita Gomez bandang huli
Paulita Gomez
Naging kasintahan ni Isagani; napangasawa ni Juanito Pelaez; pamangkin ni Donya Victorina
Donya Victorina
Tiya ni Paulita Gomez; asawa ni Don Tiburcio
Don Tiburcio
Pinagtaguan ang asawang si Donya Victorina; nagtungo kay Padre Florentino upang doon magtago
Ben Zayb
Isang mamahayag na gumagawa ng sariling bersyon ng mga balita
Macaraig
Isa sa mga nakikiisa sa pagpapatayo ng akademya ng wikang Kastila
Pecson
Mag-aaral na nagbigay ng talumpati sa Panciteria; isa sa mga estudyanteng may hangaring magkaroon ng Akademya ng Wikang Kastila sa Pilipinas ngunit hindi umaasang matutupad ang hangaring ito
Sandoval
Kastila na sumasang-ayon sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral
Placido Penitente
Estudyanteng nais nang tumigil sa pag-aaral; anak ni Kabesang Andang na taga-Batangas; nilait ni Padre Millon ng wala itong maisagot sa kanyang klase sa Pisika
Tadeo
Tamad na mag-aaral mahilig magdahilan na may sakit upang hindi makapasok sa paaralan
Padre Salvi
Dating kura sa San Diego; pansamantalang nanungkulan sa Sta. Clara (ang kumbento kung saan naroon si Maria Clara); malapit na kaalyado ng Kapitan Heneral
Padre Camorra
Paring gumahasa kay Juli
Padre Fernandez
Paring natatangi; may paninindigan hindi nalulugod sa tiwaling gawain ng mga pinuno at kawani ng pamahalaan at ng mga kapwa niya prayle
Padre Florentino
Amain ni Isagani; Pilipinong pari na pinuntahan at nakausap ni Simoun bago ito mamatay
Padre Irene
Paring nakikiisa sa pagtatatag ng akademya ng wikang Kastila
Padre Millon
Paring guro sa pisika; lumait-lait sa estudyanteng si Placido Penitente ng wala itong maisagot sa kanyang klase
Ginoong Pasta
Tagapayo ng mga prayle
Don Custodio
Siya si Custodio de Salazar y Sanchez de Monteredondo na tinaguriang "Buena Tinta"; ang magdedesiyon sa akademya ng wikang kastila
Kapitan Basilio
Mayaman na Kapitan sa San Diego: asawa ni Kapitana Tika; ama ni Sinang
Hermana Bali
Ang nagsabi kay Juli na lumapit kay Padre Camorra upang humingi ng tulong sa pagpapalaya kay Basilio
Hermana Penchang
Relihiyosang amo ni Juli
Kabesang Andang
Ina ni Placido Penitente: taga-Batangas
Kapitana Tika
Asawa ni Kapitan Basilio; ina ni Sinang
Ginoong Leeds
Amerikanong nagtanghal sa perya
Imuthis
Nagsasalitang ulo sa perya
Pepay
Isang mananayaw; hiningian ng tulong ng mga mag-aaral upang kausapin si Don Custodio tungkol sa akademya ng wikang Kastila
Sinong
Kutsero; ilang beses nabugbog dahil nakalimutan ang sedula at napundihan ng ilaw sa kasagsagan ng prusisyon
Carolina
Nakapatay kay Tandang Selo na kaniyang lolo
Sinang
Kaibigan ni Maria Clara; anak ni Kapitan Basilio at Kapitana Tika
Maria Clara
Namatay sa kumbento ng Sta. Clara; sinasabing paulit-ulit na hinalay ni Padre Salvi