Ang Komiks ay isang grapikong midyum na kung saan ang mga salita at larawan ang ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento
Si Jose Rizal ang kauna-unahang Filipino na gumawa ng komiks.
Noong 1884 inilathala sa magasing “Trubner’s Record” sa Europa ang komiks strip niya na “Pagong at Matsing”.
Ang salitang komiks ay hango sa salitang ingles na “comics” at isinulat lamang na may titik “k” alinsunod sa baybayin ng wikang Filipino.
Dalawang komiks mula sa magasin na ito ang naging popular sa mga Pilipino. Ito ang Kiko at Angge sa Telembang, at Ganito Pala sa Maynila sa Bagong Lipang Kalabaw.
Ang Aksiyon Komiks ay inilathala ng Arcade Productions.
Ang editor ng Aksiyon Komiks ay si Eriberto Tablan at sina Alfredo Alcala at Virgilio Redondo ang ilustrador nito.
Ang Bituin Komiks ay inilathala noong Abril 1950.
Ang Bulaklak Komiks ay inilathala noong Agosto 1950.
Ang Pantastik Komiks ay inilathala noong Oktubre 1950.
Ang Hiwaga Komiks ay inilathala noong 1950.
Ang Espesyal Komiks at Manila Klasiks ay inilathala noong 1952.
Ang Extra Komiks ay inilathala noong 1953.
Noong 1950, mayroong dalawampu o higit pang titulo ng komiks sa mga tindahan.
Si Darna ay isang kathang-isip na katauhan ng isang Pinoy na binigyang buhay ng natikang Pilipinong manunulat na si Mars Ravelo noong Dekada 50's.
Si Dyesebel ay isang sirena sa nobelang komiks na nilikha ni Mars Ravelo.
Ang Dyesebel ay iginuhit ni Elpidio Torres, at binigyang buhay ni Edna Luna bilang Dyesebel at Jaime Dela Rosa bilang Fredo.
Si Captain Barbell ay isang kathang-isip na tauhan na may pambihirang lakas at kakayahang lumipad mula sa komiks ni Mars Ravelo.
Ang Alternative Comic Books ay naglalahad ng mga istorya mula sa realidad.
Ang Horror Comic Books ay naglalahad ng mga kuwentong katatakutan.
Ang Manga ay mga komiks na nagmula sa Japan.
Ang Action ay mga istoryang naglalahad at nagtataglay ng mga superhero.
Ang Romance o Adult Comics Books ay pumapaksa sa pag-ibig.
Ang Science Fiction o Fantasy ay naglalahad ng mga kuwentong hango sa imahinasyon.
Ang kahon ng salaysay ay naglalaman ng maikling salaysay ukol sa tagpo.
Ang pamagat ay tumutukoy sa pamagat o pangalan ng komiks.
Ang lobo ng usapan ay naglalaman ng usapan ng mga tauhan.
Ang kuwadro ay naglalaman ng isang tagpo sa kuwento.
Ang tauhan ay mga larawang guhit na binibigyan ng kuwento.
Si Berlin Manalaysay ang gumawa ng Combatron.
Si Toto Madayag ang gumawa ng komiks ukol sa buhay sa call center.
Si Teacher Mylene ay mahilig mangolekta at magbasa ng mga Funny Comics.
Si Argo Moran ang illustrator ng Barangay Balete.
Sa panahon ni Dating Presidente Ferdinand Marcos Sr. ay humina ang komiks bunsod ng ipinatupad nitong Batas Militar.