Komunikasyon sa Wikang Filipino 2

Cards (29)

  • Katitikan
    Opisyal na tala ng isang pagpupulong ng organisayon
  • Panukalang Proyekto
    Dokumento na ginagamit upang kumbinsihin ang isang sponsor sa isang proyektong kailangang gawin upang malutas ang isang particular na problema sa negosyo o oportunidad
  • Resume
    Tinatawag na blueprint ng sarili
  • Memorandum
    Anyong pasulat na maikli na sinusulat upang ipadlam o ipaalala ang isang bagay
  • Talumpati
    Kaisipan o opinion ng isang tao na binibigkas sa entablado
  • Pictorial essay
    Sulatin o educational article na naglalayong magpahayag ng isang partikular o higit pa na mga tema sa pamamagitan ng mga larawan
  • Sanaysay
    Maikling pirasong pagsulat na kung minsan ay tinatawag na isang kuwento
  • Komunikasyong berbal
    Pormal na paraan na sumasailalaim sa estruktura ng wika at mga tuntunin upang maipahayag ang mensahe sa anyong pasulat at pasalita
  • Komunikasyong di-berbal
    Uri ng komunikasyong naghahatid at tumatanggap ng mga mensaheng walang tinataglay na salita
  • Komunikasyong di-berbal
    • Ekspresyon ng mukha
    • Kumpas o gestures
    • Kapaligiran
  • Intrapersonal
    Komunikasyong nagaganap tuwing kakausapin ng isang tao ang kanyang sarili
  • Machine Assisted na Komunikasyon
    Paraan ng paggamit ng anumang uring teknolohiya tungo sa mabisang interaksyon sa kapwa
  • Mata ang nagsisilbing bintana ng ating kaluluwa at pagkatao
  • Media
    Pangunahing daluyan ng pangmadlang komunikasyon na may integratibong layuning makipag-ugnayan sa tao o pangkat ng mga taong nabibilang sa isang kultura o lipunan
  • Teknolohiya
    Pagsulong at paglapat ng mga kagamitan at proseso na tumutulong upang mapadali ang suliranin ng tao
  • Mobile Apps
    Mga software na maaaring install gamit ang selpon na pamamagitan ng intern
  • Portable voice amplifier
    Magaan na mikropono at speaker na ginagamit upang mapalakas at marinig ng maayos ang tinatalakay ng nagsasalita
  • VV-Talker
    Ginagamit para sa mga pipi at bingi na nakatutulong na makapaglinang ng boses ng isang pipi sa pamamagitan ng vibration na nasasagap ng teknolohiyang ito mula sa nagsasalita
  • Edu-chat
    Paraan upang mapabilis ang komunikasyon sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng paggamit ng Facebook messenger at telegram
  • Blogging
    Pagsusulat o pagbabahaging kwento o literature ng isang tao sa makabagong teknolohiya
  • Podcasting
    Pagrerecord ng boses o live na naglalayong maghatid ng mensahe sa pamamagitan ng audio pormat na maaaring madownload at mapakinggan saan mang lugar
  • Paglalahad
    Bahaging kung saan kailangang nakakaakit sa kawilihan o interes ng mambabasa upang ipagpatuloy ang pakikinig o pagbabasang isang katha ng isang tagapakinig o mambabasa
  • Paglalahad o ekspositori
    Nagbibigay ng kapaliwanagan o kaalaman sa isang konsepto
  • Pagsasalaysay o naratib
    Pagtala ng mga pangyayaring nagaganap sa ating pang araw-araw na buhay pasulat man o pasalita
  • Pangangatwiran o argumentatib
    Uri ng diskurso na dapat pinaghahandaan sapagkat nangangailangan ito ng panahon at oras na naglalayong makapanghikayat o mapaniwala ang mga mambabasa at tagapakinig sa kanyang sariling paniniwala o paninidigan
  • Paglalarawan o deskriptib
    Uri ng diskurso na naglalayong maipakita ang hugis, kayarian, katangian at kaibahan ng mga bagay at pangyayaring pinahahalagahan ng nagpapahayag
  • Argumentum Ad Hominem
    Uri ng maling pangangatwiran na pag-atake sa personal na katangian o katayuan ng katalo at hindi sa isyung tinatalakay o pinagtatalunan
  • Argumentum Ad Baculum
    Uri ng maling pangangatwiran kung saan pwersa at awtoridad ang gamit upang maiwasan ang isyu at maipanalo ang argumento
  • Argumentum Ad Misecordiam
    Uri ng maling pangangatwiran na pagpapaawa upang kumampi ang mga nakikinig na gumagamit o pumipiling mga salitang umaatake sa damdamin at hindi sa kaisipan