Ligal na Pananaw ng Pagkamamamayan

Cards (20)

  • kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado ay maaaring iugat sa kasaysayan ng daigdig.
    Citizenship o Pagkamamamayan
  •  Pagiging kasapi o miyembro ng sang bansa.
    Pagkamamamayan
  • Tinatayang panahon ng ______ nang umusbong ang konseptong citizen.
    Kabihasnang Griyego
  • Ang kabihasnang Griyego ay binubuo ng ng lungsod estado na tinatawag na ___
    Polis
  • Lipunan na binubuo ng mga taong may iisang pagkakakilanlan at iisang mithiin. Binubuo ito ng mga citizen na limitado lamang sa kalalakihan. 
    Polis
  • Siya ang nagpakilala ng demokrasya sa Athens.
    Pericles
  •  Pinakamataas na batas ng isang bansa, nakasulat dito ang mahahalagang batas na dapat sundin ng mga mamamayan.

    Saligang Batas 1987, Artikulo 4 Pagkamamamayan
  • Ang katutubong inianak na mamamayan ay yaong mamamayan  ng Pilipinas mula pa sa pagsilang na walang kinakailangang gampanang ano manghakbangin upang matamo o malubos ang kanilang pagkamamamayang Pilipino. Yaong nagpasya na maging mamamayang Pilipino ayon sa Seksyon 1, talataan 3 nito ay dapat ituring na katutubong inianak na mamamayan.
    Seksiyon 2
  • Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaring mawala o matamo sa paraang itinadhana ng batas. 
    Seksiyon 3
  • Mananatiling angkin ang kanilang pagkamamamayan ng mamamayan ng Pilipinas na mag-asawa ng mga dayuhan, matangi kung sa kanilang kagagawan o pagkukulang, sila ay ituturing, sa ilalim ng batas, na nagtakwil nito.
     
    Seksiyon 4
  • Ang mga dating mamamayang Pilipino na naging mamamayan ng ibang bansa sa pamamagitan ng ___ ay maaaring muling maging mamamayang Pilipino.
    Naturalisasyon
  • Isang legal na paraan kung saan ang isang dayuhan na gustong maging isang mamamayan ng isang bansa ay sasailalim sa isang proseso sa korte o hukuman. 
    Naturalisasyon
  • Ayon kay _____, ang Citizenship ay ugnayan ng isang indibidwal at estado. Ito ay tumutukoy sa pagiging miyembro ng isang indibidwal sa isang estado kung saan bilang isang citizen, siya ay ginawaran ng karapatan at tungkulin. 
    Murray Clark Havens, 1981
  • Jas Sanguinis
    Ang pagkamamayan ay nakabatay sa dugo ng magulang o ng isa sa kanila
  • jus soli
    ang pagkamamamayan ay nakabatay sa lugar ng kapanganakan
  • sinisigurado nito na walang makalalabag sa karapatang pantao
    UDHR o Universal Declaration of Human Rights
  • Ang dokumentong ito, dahil pinagsama-sama ang lahat ng karapatang pantao ng indibiduwal at naging batayan ng mga demokratikong bansa sa pagbuo ng kani-kanilang saligang batas.
    International Magna Carta for all Mankind
  • Nanguna sa paglikha at pagpapatibay ng UDHR
    Eleanor Roosevelt
  • tumutukoy sa mga karapatan ng mga mamamayangPilipino na makikita sa Artikulo ng 1987 Saligang Batas ng Pilipinas

    Katipunan ng mga Karapatan o Bill of Rights
  • Karapatang taglay ng lahat ng tao kahit hindi ipinatupad ng estado

    Natural Rights o Likas na Karapatan