ARALIN 9

Cards (21)

  • Pananaliksik - isang mahalagang gawain na hindi maiiwasan ng sinumang mag-aaral. Isang halimbawa ng papel na pampananaliksik ay ang tisis.
  • Sarili - Maaring humango ng paksa sa sariling karanasan, mga nabasa, napakinggan, napag-aralan, at natutuhan.
  • Dyaryo at Magasin - Maaring paghanguan ng paksa ang mga napapanahong isyu sa mga pamukhang pahina ng mga dyaryo at magasin o sa mga kolum, liham sa editor, at iba pang seksyon ng mga dyaryo at magasin tulad ng lokal na balita, bisnes, panglibangan, at pampalakasan.
  • Radyo, TV, at Cable TV - Maraming uri ng programa sa radio at tv ang mapagkukunan ng paksa mula sa mga balitang napapanahon.
  • Mga Awtoridad, Kaibigan, at Guro - Sa pamamagitan ng pagtanung-tanong sa ibang tao, maaring makakuha ng mga ideya upang mahanguan ng paksang pampananaliksik.
  • Internet - Isa ito sa pinakamadali, mabilis, malawak, at sopistikadong paraan ng paghahanap ng paksa.
  • Aklatan - Dito matatagpuan ang ibat ibang paksang nauugnay sa anumang larangang pang-akademya.
  • Kasapatan ng Datos - Kailangan may sapat ang literatura hinggil sa paksang pipiliin.
  • Limitasyon ng Panahon - Ikonsidera ang saklaw ng panahon ng pananaliksik.
  • Kakayahang Pinansiyal - Kailangan pumili ng paksa na naaayon sa kakayahang pinansiyal ng mananaliksik.
  • Kabuluhan ng Paksa - Kailangan pumili ng paksang hindi lamang napapanahon, kundi maaring ring pakinabangan ng mananaliksik at ng ibang tao.
  • Interes ng Mananaliksik - Magiging madali para sa isang mananaliksik ang pangangalap ng mga datos kung ang paksa niya ay naaayon sa kaniyang kawilihan or interes.
  • Panahon - tiyak na panahong tinutukoy ng paksa sa pananaliksik
  • Edad - range o age group/gap ng mga respondent o subject sa pananaliksik
  • Kasarian - tiyak na function ng tiyak na kasarian sa paksa ng pananaliksik
  • Perspektib - tiyak na pag-aangkop ng perspektib sa paksa ng pananaliksik
  • Lugar - tiyak na lokasyon ng pananaliksik
  • Propesyon o Grupong Kinabibilangan - pagtukoy sa tiyak na grupo o propesyon at ang kanilang silbi sa paksa ng pananaliksik
  • Anyo o Uri - tiyak na anyo ng paksang pinag-aaralan
  • Partikular na halimbawa o Kaso - tiyak na kaso o kalagayan ng isang lugar
  • Kumbinasyon ng dalawa o higit pang batayan - maaaring magsama-sama sa pagsasaalang-alang ng dalawa o higit pang mga aytem